CHAPTER 1

2474 Words
“HALUGHUGIN N’YO ANG BUONG BAHAY! HUWAG KAYONG TITIGIL HANGGA’T HINDI N’YO MAKITA ANG MAGIINA!” Pikit mata. Nanginginig kaming tatlo nina Mama at aking nakababatang kapatid na babae habang sa hidden basement dito sa ground floor. Rinig na rinig ko ang mga malalakas na kapampag sa second floor. May hinahalughog na sinamahan pa ng pag-bagsak ng mga gamit. Nagyayakapan kaming lahat habang sinisiksik ang aming mga sarili sa malamig na pader. Tanging mga malalaking karton lang ang naka-harang sa aming harapan. Nagdadasal—nagmamakaawa sa poong maykapal na huwag sana kaming matagpuan. Hindi namin alam kung makakalabas pa kami ng buhay dito. Para kaming mga preso na naka-takas sa kulungan. Kinakailangag dakpin at parusahan pero wala naman kaming kasalanan. Ang mga taong puwersahang nanloob sa ‘min ngayon ay tauhan ng isang mayamang negosyante. They were hunting us. Hinahabol nila kami dahil sa milyones naming utang. Kagagawan iyon ng Papa at Kuya ko. Simula nu’ng namatay sila ilang buwan na ang naka-lipas, nagkada-loko-loko na ang buhay namin. Namatay sila sa sunog sa isang casino. Isa sila sa mga hindi naka-ligtas. Ang akala ko, tapos na ang aming problema nu’ng namatay silang dalawa. Imbes na pamana ang ibinilin nila sa ‘min, puro kautangan pala galing sa iba’t-ibang malalaking tao na hindi namin alam kung paano namin mababayaran. Kung pagsasama-samahin, kulang ang mga buhay naming tatlo para mabayaran lahat ng ‘yon. Sa isang araw, halos dalawa o tatlong beses kami hinahanap. Sa iba-iba pang taong pinagkautangan ng Papa at Kuya ko. Pero hindi rin talaga maiwasan na looban kami katulad na lang itong nangyayari ngayon. Sapilitan nilang giniba ang aming gate at main door para hulihin kami. Nagiging agresibo na sila. Ang iba, madadaan pa sa usapan pero itong groupo ng mga kalalakihan ngayon, mas’yadong nakakapangamba. Hindi namin alam kung kailan kami makaka-survive sa ganitong pagkakataon. Not all the time, we can hide. “BOSS! MUKHANG NILAYASAN NA YATA TAYO!” Kinagat ko ng mariin ang ibabang parte ng nangiginig kong labi. Nagdadasal na sana, umalis na sila. Takot na takot kami habang nagtatago. Pinipigilan kong sabayan ang pag-iyak ng aking nakakabatang kapatid na babae. She’s already eighteen years old. S’ya na lang ang nagaaral. Tumigil ako dahil hindi na sapat ang kinikita ni Mama sa pag-r-raket n’ya sa mans’yon ng isang mayamang pamilya. Noon, maayos naman ang buhay naming lima. My Dad, mom, kuya, si Anghelita at ako. We were once a normal family. My sister and I had a normal childhood. Mas’yado pa akong bata noon. I was just six years old habang 4 years old naman si Anghelita. Malaki ang agwat ng edad ni Kuya. He was eighteen years old. Matagal s’yang nasundan ng Mama at Papa ko. Maayos pa ang business namin noon. My dad is the owner of an Italian restaurant. Before, si Kuya lang ang walang kwenta sa aming lahat dahil dahil wala s’yang ginawa kundi waldasin ang perang binibigay sa kan’ya ni Papa sa casino. My dad was the best father in the world. Mapagmahal sa asawa lalong-lalo na sa ‘min ni Anghelita. Not until, when I turned 10 years old… doon nag-bago ang lahat. Saksi ako mismo sa unti-unting pagbabago ni Papa. He suddenly changed. Lagi na silang nagtatalo ni Mama sa pera dahil malaki ang nawawala sa savings namin. Iyon pala, my brother introduced him to gambling. Hindi namin nalalaman, magkasama na pala silang dalawa sa casino para sumugal. Doon na nag-simula ang kalbaryo naming tatlo. Walang araw na hindi sila nagaaway ng mama ko. Minsan, pinagtutulungan pa nilang dalawa si mama. Ilang taon naming tiniis ng kapatid ko ang magulo naming environment. Ang dating masaya, marangya at masiglang pamilya… nauwi sa paghihirap. Dumating pa nga sa point na, binenta nilang dalawa ang kaisa-isa naming restaurant para maka-sugal lang. Ang mindset nila, baka madoble ang perang igagastos nila roon but it didn’t happen. Hanggang sa, ang bahay aliwan na 'yon, iyon din pala ang tatapos sa kanilang buhay. Namatay silang ubos na ang aming ari-arian. Ilang buwan din akong nag-stop sa pagaaral. I was in third-year college. Education ang kinuha ko. Wala akong choice dahil hindi kaya ni Mama na paaralin kaming magkasabay. I sacrificed my dream. Pinauna kong paaralin ang aking kapatid dahil tumutulong naman ako kay Mama. Naging maid din ako katulad n’ya. Ang dating kami ang amo at tinitingala, kami naman ngayon ang tumitingala at yumuyuko sa aming mga amo. Sobrang hirap. I couldn’t explain how tough our life is. Hindi rin kami tinutulungan ng mga kamag-anak namin dahil halos lahat sila, inutangan din pala ng magaling kong ama at kuya. Kung nananalo man sila sa nilalaro nila sa casino, mas marami pa rin ang talo. Ibinenta ang aming lupa, bahay, at sasakyan pero hindi sapat. Lumipat na nga kami ng apartment pero ito, natagpuan pa rin nila kami— ng mga taong humahabol sa amin. “M-Mga anak, wala na yata sila…” Pinunasan ko ang tumutulo kong mga luha na hindi ko namamalayang umaagos na pala iyon pababa sa aking mga pisngi. Kasabay din ng pag-pahid ng mala-munggong butil ng pawis sa noo. Isang oras na yata ang aming hinintay bago tuluyang lumisan ang mga kalalakihan. Nag-pasalamat ako sa Diyos dahil hindi ulit kami nahuli. Pinakinggan pa namin kung may mga kalabog at mga boses pa sa ibang bahagi ng bahay na ito pero wala na akong naririnig pa. Doon kami nabunutan ng tinik sa lalamunan. Lumabas kami sa pagkakatago sa likod ng mga karton. Pawis na pawis kaming tatlo. “A-Anak, ayos ka lang ba?” ‘Yan na lang ang tanong ng mama ko dahil bumigay ang aking tuhod at napa-upo na lang ako sa sahig habang naka-tulala. Pinantayan nila akong dalawa habang naluluha rin sila kagaya ko. Hinimas-himas ni mama ang aking likuran para patahanin ako. Hindi na ulit kami nag-salita pa. Tanging mga impit na hikbi na lang ang aming naririnig sa buong basement. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luhang namumuo sa mga mata ko. Inaninagan ko na lang kung paano pumatak ang bawat butil ng aking mga luha sa maalikabok na sahig. Takot pa rin kaming lumabas. Hindi namin alam kung may tao pa bang naka-bantay sa labas ng bahay na ‘to. Natatakot ako dahil kapag sa oras na mahuli kami, may posibilidad na may gagawin silang masama sa ‘min. Gagasahain o ibebenta sa kung saan. Ang syudad na ‘to. May mga awtoridad at may public servants para matulungan ang mga nangangailangan o mga inaapi pero, kurakot ang lahat ng mga naka-upo. Palakasan na lang. Kung mayaman ka, kayang-kaya mong patahimikin ang mga nasa trono at kaya mong ilagay ang batas sa iyong kamay. Ilang oras kaming nanatili sa basement. Tiniis namin ang gutom at uhaw. Sinubukang umalis ni mama para kumuha ng makakain o tubig pero pinigilan ko s’ya dahil natatakot talaga ako. Hinintay namin na pumatak ang alanganing oras para lumabas. Madaling araw kami umalis sa basement. Ginulantang kami ng sira-sirang mga muwebles. Para kaming ninakawan pero wala namang tinangay sa mga gamit dahil kami ang sadya nila. Nakapag-desisyon kaming umalis na lang sa apartment at makikiusap kay Madame Maritesa na asawa ng isang Hapon na roon muna kami tutuloy sa kanilang mansion. Mabilis kaming nag-impake at umalis. “Naku, sapat ba ito para mabayaran ang lahat ng nasirang gamit?” ‘Yan ang tanong sa ‘min ng may-ari ng apartment na si Kuya Fred. Binulabog namin s’ya. Alas tres pa lang ng umaga na kahit naninigkit pa ang mga mata n’ya sa antok, lumabas s’ya sa kanilang bahay para harapin kami rito sa labas ng kanilang gate. Iniabot sa kan’ya ni mama ang limang libo para mapa-ayos o mapalitan ‘yong mga nasira. Pero alam kong kulang pa ‘yan at hindi ko alam kung ano ang idadahilan ni mama para makumbinsi s’yang iyan lang muna ang kaya namin. “Babayaran ka po namin kung nakapag-sweldo kami ni Anghelina ngayong buwan.” Mapaklang ngumiti ang mama ko habang bitbit-bitbit ang malaking sako bag. Inagaw ko muna iyon sa kan’ya para mailapag muna saglit sa simento kagaya ng ginawa namin ni Anghelita. Tinitigan ko naman ang mama ko habang naka side-view s’ya sa akin. She was elegant before. Ang ganda ng mama ko dati. Noon kumpleto ang katawan n’ya ng mga alahas. Mamahalin at magagara ang mga sinusuot. Ngayon, parang losyang na s’ya tingnan. Ang dating makinis na mukha na walang bahid ng katandaan, ngayon… nagiging visible na ang wrinkles n’ya. Tinutubuan na rin tigwayat at kulubot sa mukha. My mom is 50 years old already pero alagang-alaga n’ya ang katawan n’ya dati kahit nagkakaedad na. Noong nalulong sa sugal ang kuya at papa ko, tuluyan na n’yang napabayaan ang kan’yang sarili. Stress na stress ang mama ko. Nakikita namin ang kunsimis’yon n’ya araw-araw. Madalang na namin s’yang nakikitag ngumiti ng normal. Parang hindi ko na nga nasilayan pa iyon. Wala naman kasing dahilan para ngumiti. We have been struggling every day. Nakakapagod sobra ang aming trabaho tapos dadagdagan pa ng mga taong nagmamatyag sa ‘min. May pagkakataon ngang pag-uwi namin ng bahay, may mga naka-abang sa labas na mga kahina-hinalang mga lalake. Ang ginagawa namin, hinihintay namin silang umalis bago pumasok. After all, I admire my mom. She is so brave. Ni hindi ko s’ya narinig na nag-reklamo kahit alam kong napapagod na s’ya sa sitwas’yon namin. Hindi ako manhid. Iniiyakan ko ang mama ko, dati pa. Lalo na kapag nakikita ko s’yang umiiyak mag-isa at palihim. Sobrang hapdi sa dibdib. Sobra-sobra ang hirap na dinanas ng mama ko. She doesn’t deserve this. Ang bait-bait n’yang ina sa ‘min. Hindi s’ya nag-kulang sa pagaalaga sa ‘ming lahat. Hindi naman s’ya madamot sa ibang tao, mapagbigay, mahinhin at makapagkumbaba sa kapwa pero bakit minalas pa s’ya? “Siguraduhin mo lang, Angelina. Siguradong masama ang bubungad sa ‘kin mamaya kapag binisita ko ang apartment. Kinakailangan n’yong bayaran ha? Kulang pa ‘to.” Sabay inangat ang kanan n’yang kamay para maipakita ‘yong pera. Sa totoo lang, 6 thousand lang ang natirang allowance sana namin pero naging isang libo na lang dahil nga kinakailangan naming bayaran si Kuya Fred para hindi kami ipareklamo. Mahirap na. “Hindi na kayo tatantanan ng mga armadong iyon kapag hindi kayo magbabayad. Kung ako sa inyo, manirahan na lang kayo sa gubat dahil ang dami namang kuwebang puwedeng pagtirahan doon. Makapagtago pa kayo,” tila pabirong saad ni Kuya Fred. Natawa ng hilaw si Mama kahit nakaka-offend ‘yong sinabi n’ya. Parang makapag-suggest, ang bilis-bilis gawin ah? Tinikom ko na lang ang bibig ko at hindi na nag-salita pa dahil wala naman akong lakas loob para sawayin s’ya sa ganoong bagay. Kahit tumakas pa kami rito, mahahanap at mahahanap din kami. Tapos, nagaaral pa si Anghelina kaya hindi rin basta-bastang maka-lipat ng lugar. Pinagiisipan ko pa. Wala pa kaming hawak na malaking halaga para lisanin nag syudad na ‘to. Pagiipunan pa namin ng matagal-tagal iyon. “Salamat, Kuya Fred. Babalik na lang ako rito kapag may sahod na kami.” Pagkatapos naming mag-paalam, kan’ya-kan’ya naming binitbit ang aming mga bagahe. Tinahak namin ang madilim na kalsada. Halos wala kaming makita sa daan kapag walang street lights. Dagdagan pa ng makapal at malamig na hamog. Pinasok namin ng isang village kung saan ang mans’yon na aming pinagtatrabahuhan. Pag dating namin doon, huminto kami sa tapat ng gate. Mag-d-door bell sana si Anghelita pero pinigilan s’ya namin ni Mama. Sa mga oras na ‘to, tulog pa silang lahat. “Dito muna tayo magaantay sa labas, mga anak.” Sinunod namin ang sinabi ni Mama. Nilapag ulit namin ang aming mga dala sa simento at umupo. Sumandal kaming tatlo sa simentadong malamig na pader habang hinihintay ang liwanag ng kalangitan. Nilalamok at nilalamig kami sa labas pero ayos lang dahil hindi naman kami nagrereklamo. Naka-tulog pa nga ako pero nagising ako sa pag-yuyog ni Mama sa aking kaliwang balikat. Una kong nasilayan ang liwanag na hinihintay namin. Ala singko na siguro ng umaga. Naka-tayo na silang dalawa ni Anghelita kaya tumayo na rin ako habang nahihikab. Bahagyang nabasa ng hamog ang tuktok ng ulo ko. Mukhang napa-tagal ang pag-idlip ko. “Ano? Dito muna kayo titira?” ‘Yan saad ni Madame Maritesa. Nu’ng pinagbuksan na kami ng isa naming kasamahan sa trabaho, tinanong namin ni Mama kung natutulog pa ba si Madame pero nasa living room na pala at nanonood ng kung anong palabas kaya naririto na kaming tatlo ngayon. Naka-tayo kami sa tapat ng pinto. Naka side view naman s’ya sa ‘min habang naka-tutok ang mga mata sa 25 inches flat screen TV. Nakikita ko pang may ipit-ipit na puti at maliit na sigarilyo sa hinlalaki at hintuturo n’ya. “O-Oo, Madame. Wala po kasi kaming matirahan sa ngayon at maghanap ulit ako ng—“ “Apartment na naman? Mukhang pang-apat mo na yata ‘to ah?” Humithit muna s’ya ng sigarilyo at dahan-dahang pinalabas ang usok sa naka-nguso n’yang bibig. “Sa tingin n’yo matatakasan n’yo sila ng matagal?” sambit n’ya pa. Umalis s’ya sa pagkakasandal sa malambot na sofa at pinatay ang baga ng sigarilyo. Idiniin n’ya iyon sa ash tray na naka-lapag lang sa center table. “Kung ako sa ‘yo, Angelina… ipakasal mo ang anak mong si Anghelina sa mayamang angkan. Tingnan mo ako ngayon, naka-takas sa kahirapan.” Napa-titig s’ya sa ‘min at ipinako ang kan’yang atens’yon sa mga mata ko. “Ilang taon ka nga ulit?” Ako ang tinutukoy n’ya dahil sa ‘kin lang naman s’ya naka-tingin. “T-Twenty years old po, Madame,” magalang kong sambit. “May kilala akong isang bilyonaryong lalake na kayang matugunan ang problema n’yo. Naghahanap s’ya ngayon ng mapapangasawa. Bata pa ‘yon. Bente sais anyos lang.” Napa-lunok ako na’ng mapansing napa-titig sa ‘kin si Mama pero binalik ulit ang tingin kay Madame Maritesa. “Papayagan ko kayong manirahan dito. Wala namang problema dahil kumare naman kita. Pero kung interesado kayo sa sinabi ko, sabihin n’yo agad dahil baka maunahan pa kayo. Guwapo pa naman ng batang ‘yon tapos mayaman. Saan ka pa?” Naka-ngiting usal n’ya. Palihim ko namang sinulyapan ang mama ko. Napa-tulala ulit s’ya ngayon sa sahig na parang ang lalim agad ng iniisip. “Huwag kang magaalala, Angelina. Matutulungan talaga kayo ng lalakeng ‘yon kung papayag ka. Sigurado naman akong magugustuhan n’ya si Anghelina.” At tinitigan pa ako mula ulo hanggang paa. “Maganda ang kutis ng anak mo. Balingkinitan ang katawan tapos mala-anghel ang ganda.” “Magusap-usap muna kayong magiina. Kung sigurado na kayo, papapuntahin ko agad dito si Mister Douglas Demorgon. ‘Yan na lang ang tulong na maibigay ko sa inyo. Hindi ko naman kasi kayo matulungan sa laki ng mga utang na binilin ng walang kuwenta mong asawa at anak.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD