Bahagyang napatulala si Tonyo, kahit na natuklasan niya na ang kasagutan ay hindi parin ito makapaniwala sa kanyang nasilayan. dagsa ang mga residente na naki-usyoso sa lugar. maya-maya pa ay nakita na niya ang mga bangkay ng kanyang kaibigan na buhat-buhat ng ilan sa mga lalaking residente. Napatigil si Tonyo at pinagmasdan lang ang mga nangyayari, hanggang sa nag sunod-sunod ang mga narinig niyang iyak at hiyawan. “Goryo!! Asawa ko!!” sigaw ng isang ginang sa hindi kalayuan habang nagwawala ng makita ang bangkay ng kanyang asawa. sa hindi kalayuan ay natanaw naman ni Tonyo ang kapitan ng kanilang baryo na abala din sa pakikipag-usap sa mga kamag-anak ng biktima. “Mga demonyong mga aswang na iyan! mga walang puso!!” sambit ng isang residente. “Oo, nga sana matigi

