“Gibain ang pintuan!” malakas na sigaw ni Tonyo agad naman iyong sinunod ng kanyang mga kasamahan. ilang saglit lang ay nagawa din nilang pasukin ang bahay nila Mariano. at gaya ng inaasahan ay wala na silang naabutan doon. “halug-hugin ang buong bahay!” sambit ni kapitan. dumagsa naman ang mga residente at sinuring mabuti ang bawat sulok ng bahay na iyon ilang sandali ding gumulo ang paligid ang bawat isa ay abala sa paglibot sa buong bahay. “putek na, natiktikan na agad tayo ng halimaw na yun ha....” naiinis na sabi ni Tonyo na napakamot pa sa kanyang ulo. “kumalma ka lang posibleng, nandirito parin ang mag-asawa Tonyo” sagot naman ni Kapitan Ilang sandali pa ay nagsitipon nalang ang lahat sa isang dako. “naikot na namin ang lahat ng silid, ngunit ka

