“Halug-hugin ang buong gubat! hindi tayo pwedeng umalis hanggat hindi natin natatagpuan ang halimaw!” sigaw ni Tonyo na bahagya pang itanaas ang hawak niyang sulo. “Ngunit pare masyadong malawak ang kagubatan, paano kung nakalayo na nga ang halimaw?” tanong ng isa sa kanyang mga kapangkat. napakunot noo naman si Tonyo at tinitigan ito. “Hindi ako makakapayag....at kung sakaling makalayo man ang halimaw na iyon ay hindi ako mag-dadalawang isip na hanapin siya, kahit saang lupalop man siya mapunta....” isang misteryosong salita ang ibinungad ni Tonyo. ............................................. “Ahhhhhhhhhhhh!” napangwi nalang si Mariano habang pilit na tinatanggal ang matulis na kawayan na bumabaon sa kanyang likod. ramdam niya na rin ang pagdaloy ng mga sariwang dug

