Pagdilat ng mga mata ni Mariano ay agad na nahagip ng kanyang paningin ang kanyang asawang si Agnes na tuwang-tuwa habang kinakarga naman ang anak nilang si Clarissa. napangiti nalang ito, agad niyang ini-angat ang kanyang katawan mula sa pagkakahiga. ngunit bagad niya namang naramdaman ang matinding kirot na sanhi ng ilang mga latay sa kanyang katawan. “Ahhhhhhhhhhhh....” mahinang sambit nito habang pilit na iniinda ang sakit na nararamdaman “Mariano?!” nagulat naman si Agnes at agad na lumapit sa kanyang kama. “Mariano, huwag ka munang gumalaw...masakit parin ba ang katawan mo? tanong ni Agnes sa nag-aalalang boses. pinagmasdan naman ni Mariano ang mukha nito at bahagyang napangiti. “Ayos lang ako mahal, kumikirot lang ng kaunti ang mga sugat ko...pero huwag kang

