Habang naglalakad si Agnes sa mabatong daanan ay nagulat nalang ito ng makita si Tonyo sa hindi kalayuan. Balak pa sana nitong umiwas ngunit agad naman siyang napansin nito. “Agnes! ui.....long time no see ha!” malakas na sambit ni Tonyo habang humakbang palapit sa kanya. pilit namang ngumiti si Agnes ngunit bahagyang iniiwas ang paningin sa lalaki. “Oo nga po eh...” tugon nito. “Saan pala ang punta mo? ilang araw din kitang hindi nakita ha! at si Mariano...nasaan siya?” derektang tanong ni Tonyo na tila may halong pagtataka sa boses. “Galing po akong palengke, at si Mariano...nasa...sa Bahay po, may sakit at nagpapahinga” pagdadahilan ng babae. “Ah ganun ba? sige paki sabi paggaling siya....ingatan niya ang katawan niya, mahirap ang magkasakit sa panahon ngayon!”

