Naaninag na ni Satana ang liwanag ng araw, Isang sulyap ang ibinaling niya sa kanyang mga kalahi na ilang oras na ring nag-aantay sa pagdating ng itinakda. “Aking mga kampon, ako’y humihingi ng paumanhin sa abalang aking nagawa...Sumisikat na ang araw, maari nang bumalik ang lahat sa kani-kanilang mga tirahan” napalingon bigla si Satana ng marinig ang malakas na boses ng kanyang ama. ilang malakas na bulong-bulungan din ang narinig nito mula sa ibang mga kalahi na nagkalat sa paligid. “Ama, ano bang ginagawa ninyo?” sambit ni Satana, habang unti-unting hinahakbang ang mga paa palapit kay Solomon. “Ngayon ay mas mainam na magsi-uwian muna ang lahat, muli ay humihingi ako ng pasensya sa hindi pagsipot ng ating itinakda, nawa’y maunawaan ninyo ang ating kasalukuyang sitwasyon”

