Chapter 19

1165 Words
Isang nakakasilaw na liwanag ang gumising kay Mariano, pagdilat niya ng kanyang mga mata ay agad nitong naramdaman ang kirot at hapdi sa kanyang buong katawan.   Bahagya siyang bumangon, ngunit hindi niya agad nagawa iyon, dulot parin ng labis na sakit na tila dumidiin sa kanyang kalamnan.   Isang masuring tingin ang ibinaling ni Mariano sa kanyang katawan, at maya-maya ay napansin nalang nito na natanggal na ang mga kadenang dapat ay nakakapit doon. Iginala niya ang paningin sa buong paligid ng silid at napansin na malinis na iyon kumpara noong huling sandali na napansin niya ito. sa isang sulok ay may napansin siyang isang maliit na lamesa at sa ibabaw noon ay may nakapatong na pinggan at ilang mga kubyertos na may laman na ring mga pagkain.   Napahawak si Mariano sa kanyang likuran at pilit na inalalayan ang sarili upang makatayo mula sa maliit na kama.   “Agnes?...mahal nasaan ka?” tawag nito sa asawa habang pilit na hinahakbang ang paa palabas ng silid.   ilang segundo pa ay nakalabas na din ito, maingat niyang tinahak ang makikitid na hagdanan paakyat sa kanilang sala. at hindi nagtaggal ay nakarating din iyon doon.   “Agnes...........” muling tawag nito, ng mapansin na wala iyon sa kanilang sala. muling inilibot ng lalaki ang kanyang mga mata sa paligid. pumunta din ito sa kusina at ilang bahagi ng kanilang tirahan, ngunit hindi parin nito mahagilap ang asawa.   Dahil sa kabiguang makita si Agnes ay dali-daling hinakbang nito ang kanyang mga paa papasok sa kanilang silid mag-asawa. naisip nalang niya na baka natutulog lang si Agnes dahil na rin sa napuyat iyon dahil sa pagbabantay sa kanyang noong nakaraang gabi.   pagkadating sa kanilang silid ay agad niyang binuksan ang seradora, at pagkabukas ng pinto ay agad na gumulantang sa kanya ang isang malinis na silid.   sa pagkakataong iyon ay tila nanlambot ang mga tuhod ni Mariano ng makitang wala parin doon ang asawa. pati na rin ang anak nilang si Clarissa.   “Agnes...........” malungkot na tawag nito.   maya-maya lang ay humakbang pa siya patungo sa cabinet, binuksan niya iyon at ng makita ang loob ay mas lalo pang tumindi ang kanyang pang-lulumo ng makita na wala na doon ang mga gamit ng asawa.   “Agnes...............” marahang napa-upo nalang ang lalaki sa kama, napayuko nalang ito at napasabunot sa sarili habang hinayaan nalang ang pagpatak ng kanyang mga luha.     .................................................     “Sinasabi ko na nga ba eh! Hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking iyon......” malakas na bigkas ni Adolfo at napahampas pa sa lamesa.   napayuko nalang si Agnes habang pinapakinggan ang sermon ng ama.   “Iyan ang napapala ng mga pasaway sa magulang!, Agnes, sinabihan na kita di ba? umpisa palang wala na akong tiwala diyan sa asawa mo...pero anong ginawa mo? sinuway mo parin ako...sinuway mo kami ng nanay mo.” dugtong pa ng galit na matanda.   napayuko nalang ang babae na tila nakaramdam ng hiya. “Patawad tay, hindi naman namin intensyon na suwayin kayo....tay, nagawa lang naman naming umalis dahil ayaw niyong tanggapin si Mariano...” depensa naman ni Agnes sa galit na ama.   “At anong napala mo? iyan? hindi ka naman uuwi dito kung walang ginawang mali yang asawa mo di ba?” tugon muli ng matanda.   “Adolfo tama na nga iyan, kakarating lang ng anak mo, hayaan mo munang makapag-pahinga” malumanay na sambit ni Susan.   nakahinga naman ng maluwag si Agnes sa pagdating ng ina.   “Sige mauuna na ako sa bayan, pagsabihan mo iyang anak mo ha!” mariing sambit ni Adolfo habang matalim parin ang tingin sa anak.   maya-maya ay umalis na rin ito, huminga naman ng malalim si Agnes, ilang saglit lang ay napansin nalang niya na nasa tabi na pala niya ang ina.   “Tulog na si Clarissa...” paunang sambit ng matandang babae.   “salamat nay..........” mahinag tugon naman ni Agnes.   Napatingin nalang si Susan sa mukha ng anak na tila ba ay sinusuri iyon.   “Agnes....ano ba ang nangyari? nag-away ba kayo ni Mariano? sinaktan ka ba niya?” tanong ng matanda na may pag-alala sa boses.   pilit namang ngumiti si Agnes at humarap sa ina.   “Hindi nay,..may mga bagay lang akong dapat iwasan, huwag niyo sanang pag-isipan ng masama si Mariano, mabuti po siyang asawa at ama para kay Clarissa..” malumanay na bigkas ni Agnes.   Napakunot-noo naman si Susan at mistulang naguguluhan sa salaysay ng anak.   “Nakikita ko na totoo ang mga sinasabi mo anak, pero kilala kita, alam ko na mayroon kang hindi sinasabi sa akin, alam ko rin na may mabigat na dahilan ang biglaang pag-uwi mo dito” salaysay uli ng matanda.   Napatingin bigla sa uliran si Agnes at hindi nito maiwasan ang isipin ang asawang si Mariano.   “Patawarin mo ako nay,...siguro hindi ko pa kayang sabihin sa ngayon at sana ay maunawaan niyo, pero nais ko lang na malaman niyo na sa sitwasyon naming mag-asawa ngayon ako yung may matinding kamalian, ako yung nang-iwan ako yung nanakit.............. iniwan ko ang asawa ko sa kabila ng kanyang mabigat na suliranin,. masyado akong makasari nay, napakasama ko............” bigla namang dumaloy ang mga sariwang luha mula sa mata ni Agnes.   hindi man lubos na naunawaan ay naramdaman naman ni Susan ang matinding paghihinagpis ng kanyang anak.   ..................................................     Wala man sa uliran ay pilit paring kumilos si Mariano ng normal, kahit mabigat ang loob ay inihanda parin nito ang sarili sa pagpasok sa kanyang trabaho. ilang sandali lamang ay humakbang na iyon at binuksan ang pinto paalis na sana siya ng bahay, ngunit bago pa man ito makalabas ay nanlaki nalang ang kanyang mga mata ng makita ang naka-itim na babae na nakatayo sa harap ng pintuan.   “Anong ginagawa mo dito?!” sambit ni Mariano na may halong pagtataka.   “Mariano, may nais lang akong iparating, nawa’y mabigyan mo ako ng pagkakataon...” mahinahong tugon naman ng naka-itim na babae.   Napayuko naman si Mariano at mariing sumagot.   “Alam ko ang intensyon mo....at ngayon palang ay sinasabi ko na na wala kang mapapala sa akin,.  kaya mas mabuti pang umalis ka nalang...” walang ekpresyon sa sambit nito.   “Nakikiusap ako Mariano,. ilang taon akong naghintay! ilang taon kong hiniling na makasama kita anak.... ngayon wala na ang itinuturing mong ina, ay sana naman ay mabigyan mo ako ng pagkakataon para makasama ka...”   napakunot noo naman si Mariano at biglang napatingin sa babae.   “Tama na! ayaw kong sumama sayo,  ayaw kong mapabilang sa uri mo! at huwag mo akong tawaging anak, dahil matagal ng patay ang mga magulang ko.....at wala na akong ibang ituturing pang ina maliban kay nanay Tess.” mabilis na isinara ni Mariano ang pinto ngunit agad naman iyong naharang ng naka-itim na babae gamit ang kanyang kamay.   “sandali lang LINO !” sabi ng babae sa nangingig na boses.   napatigil naman bigla ang lalaki at biglang napatitig sa mukha ng naghihinagpis na ginang. huminga ito ng malalim bago nagsalita.   “MARIANO...........Mariano po ang pangalan ko!” mariing bigkas nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD