Pauwi na ng bahay si Agnes, dala-dala niya ang kanyang pinamiling gulay at ilang panghain.
sa ilang minutong paglalakad ay narating niya na rin ang kalye malapit sa kanilang tirahan.
Habang naglalakad ay tila wala sa uliran ang babae.
nakatingin lang ito sa kawalan at mistulang may napakalalim na iniisip.
maya-maya pa ay napahinto nalang ito ng marinig ang isang pamilyar na boses.
“Oh! Agnes......long time no see hija!!”
tila namanhid naman ang babae at mariing pinagmasdan ang mukha ni Tonyo.
“Mang Tonyo kayo pala...”
mahinang bigkas nito sabay yuko.
“Naku...pasensya ka na Agnes ha, hindi ako nakadalo sa libing ni Tess, eh inihatid ko kase si Junior sa mga magulang ni Martha sa kabilang bayan....mahirap na kase dito sa baryo natin, sabi nga nila hindi na safe.......”
napatitig bigla ang lalaki kay Agnes na tila may hindi magandang ipinapahiwatig.
“Mabuti naman po...si..ge, po mauna na ako, magluluto pa kase ako ng tanghalian eh”
sambit ng babae sabay hakbang ng paa palayo kay Tonyo.
ngunit bago pa man ito makaalis ay muli nitong narinig ang boses ng lalaki.
“Sandali lang Agnes......”
muli itong napahinto, ngunit sa pagkakataong iyon ay nakatalikod lang siya kay Tonyo.
“Pagpasensyahan mo na ako Agnes, patawad sa lahat ng nasabi ko tungkol kay Mariano”
sambit ni Tonyo, nakikinig lang si Agnes ngunit nanatili parin itong tahimik.
“Pero Agnes, gusto ko lang sabihin sa iyo na mag-ingat ka.......talasan mo ang iyong pakiramdaman, Hanggat may pagkakataon suriin mong mabuti ang lahat, dahil baka isang araw magising ka nalang...na nasa panganib na rin pati ang sarili mong buhay....”
sambit muli ni Tonyo sa nangangambang tono.
.........................................
Pagkapasok ng kanilang bahay ay dali-daling isinara ni Agnes ang pintuan.
luminga linga pa ito sa paligid at mabilis na isinara ang pintuan at hindi din nito pinalagpas pati ang mga naka-bukas na bintana.
inilatag niya ang kanyang pinamili sa lamesa.
at dali-daling humakbang patungo sa kanyang silid upang puntahan ang kanina lang ay tulog na tulog na si Clarissa.
Pagkapasok niya sa silid ay nanlaki ang mga mata nito sa nakita.
“MARIANO!”
mabilis na humakbang ang babae palapit dito, ng makitang karga-karga ng lalaki ang kanyang sanggol.
“Agnes...andito ka na pala, tamang-tama kakagising ni Clarissa...”
sambit ng lalaki.
“Ah...sige ako na...akin na ang anak ko!”
kabadong tugon ni Agnes, habang dali-daling kinukuha ang sanggol sa bisig ni Mariano.
napa-iling nalang ang lalaki at mabilis namang ini-abot ang bata sa ina nito.
pagka kuha sa bata ay mabilis na dumistansya si Agnes at mariing sinuri ang sanggol.
napakunot noo naman si Mariano at bahagyang nanlumo.
bigla nalang naramadaman nito ang tila malaking pader na humaharang sa pagitan nila ni Agnes.
“Mahal..........”
sambit nito sa malamlam na boses.
saglit naman itong binalingan ng tingin ng babae.
“May pagkain sa labas, mauna kana at susunod nalang kami ni Clarissa”
bigkas ni Agnes na hindi man lang binalingan ng tingin ang asawa.
“Agnes.........”
marahang humakbang si Mariano palapit sa asawa,
at ng mapansin iyon ni Agnes ay mabilis naman itong dumistansya.
“huwag mo kaming lapitan Mariano!”
sambit ni Agnes sa takot na tono
napayuko nalang ang lalaki na tila napahiya.
“Patawarin mo sana ako mahal kung hindi ko man nasabi sayo ang tungkol sa tunay kong pagkatao........”
isang malungkot na boses ang lumabas sa bibig ni Mariano.
napatigil naman si Agnes at napatitig sa nanlulumong asawa.
“Agnes ayaw ko ng ganito, ayaw ko na kinatatakutan mo ako! alam kong hindi madali....pero ako parin naman to eh, ang lalaking pinakasalan at minahal mo...at hindi magbabago yun Agnes.....”
pahayag ng lalaki habang mariing nakatingin sa mukha ng asawa.
huminga naman ng malalim ang babae, bago tumugon
“Mariano, patawarin mo ako....maaring hindi mo nauunawaan ang nararamdaman ko, hindi ko maiwasan ang matakot at pangamba sa kaligtasan namin ng anak ko. Hindi ko lubos maisip na nasa loob lang pala ng bahay na ito ang panganib...hindi ko alam kong paano ko maibabalik ang lahat, gusto kong mabuhay ng normal Mariano...hindi yung ganito, yung natatakot, nagkukubli at nangangamba para sa kaligatasan ng buhay namin ng anak ko!”
mahina ngunit mariing bigkas ni Agnes.
“Galit ka ba Agnes? nagsisisi ka ba dahil sumama ka sa akin?”
direktang tanong lalaki.
napa-iling nalang ang babae bago tumugon.
“Mas galit ako sa sarili ko Mariano.... galit ako dahil minsan nararamdaman ko na may mali, minsan sinasampal na ako ng katotohanan pero pinipili ko parin ang maging isang bulag. Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na maayos ang lahat, dahali mahal kita at dahil ayaw kong malayo sayo Mariano!”
at tuluyan ng pumatak ang mga luhang kanina lang ay pinipigilan ni Agnes.
Napailing nalang si Mariano at bigla na ring naramdaman nito ang mga luhang pumapatak na pala mula sa kanyang mga mata.
“Ngayong alam mo na ang totoo,...mahal mo pa ba ako Agnes? kaya mo pa ba akong mahalin sa kabila ng tunay kong pagkatao?”
biglang napayuko ito habang nag-aantay ng tugon mula sa asawa.
ilang saglit ding namayani ang katahimikan bago pa tuluyang makapagsalita si Agnes.
“Hindi ko alam....sa ngayon hindi ko na alam Mariano”
mariing sambit ng babae.
napatingin naman sa uliran si Mariano, at maya-maya ay humarap din ito sa asawa.
“Mamayang gabi ay kabilugan ng buwan,. at sa tuwing sumasapit iyon ay mas tumitindi ang atraksyon ko sa laman at dugo ng tao........kasabay noon ay ang pagbabago ng aking anyo.”
napatingin bigla si Agnes sa asawa, habang muling muling namayani ang takot sa loob niya.
“Nais kong masilayan mo ang aking pagpapalit anyo Agnes,. mamayang gabi ay muling mong masisilayan ang halimaw na kinatatakutan ng marami. Pagkatapos noon ay maari ka ng mag desisyon kung gugustuhin mo pa bang makasama ako, o mas pipiliin mong umalis nalang para sa kaligtasan ng buhay mo....
Huwag kang mag-alala Agnes, matagal ko ng inihanda ang aking sarili, kung sakali mang piliin mo na iwanan ako...ayos lang, kahit masakit ay handa akong tanggapin iyon....
Agnes ayaw kong mabuhay ka sa takot, at sana pagkatapos ng araw na ito ay makapag-isip ng maayos.
at kung ano man ang magiging desisyon mo ay nawa’y huwag mo akong kalimutan,...
sana ay maalala ko ako bilang si Mariano, ang asawa mo,at ang ama anak mo .......
lagi mo sanang tatandaan ang mga masasayang araw natin, at ang mga panahong tayo ay nagsasama.
mahal na mahal kita Agnes...........”
isang madamdaming pahayag ang binitawan ni Mariano at kasabay noon ay ang pagpatak pa ng ilang butil ng kanyang mga luha.
..........................................
Sumapit ang dilim at tuluyan ng lumitaw ang bilog na buwan.
tahimik lang na tinatahak nina Agnes at Mariano ang daan patungo sa isang tagong bodega.
pagkarating sa tapat ng pinto ay biglang napatigil si Agnes.
napatingin naman dito si Mariano at pilit na binabasa ang isip ng asawa.
“Dito sa bodegang ito ako ikinukubli ni nanay Tess tuwing sumasapit ang kabilugan ng buwan, dahil sa naka-tago ang lugar na ito ay sa tingin ko ito na ang pinakaligtas na lugar dito sa bahay”
pahayag ni Mariano.
“kaya ba dati ayaw mo akong pumunta dito? kaya pala ako pinigilan ni nanay dati dahil ayaw niyang makita ko ang sitwasyon mo...”
mahinang bigkas ng babae.
pagkatapos ng ilang sandali ay binuksan na ni Mariano ang bodega.
dahan-dahan itong pumasok sa loob habang si Agnes ay tahimik lang na nakasunod dito.
tumambad sa paningin ni Agnes ang isang maliit na silid, mas malinis iyon kumpara sa kanyang iniisip,
mula sa pinto ay agad na bumungad sa kanya ang isang maliit na kama at ilang mga pinggan na naka-kalat sa sahig.
mula sa ibabaw ng kama ay napansin din ni Agnes ang ilang naka-rolyong bakal na kadena.
lumapit naman si Mariano sa kama at kinuha nito ang nasabing kadena.
mariin pa niya itong tinitigan bago ini-abot kay Agnes.
“Ano yan?”
naka-kunot noong tanong ng babae.
“Pagsapit ng ilang sandali ay nais kong itali mo ang katawan ko gamit ito”
napako naman bigla ang tingin ng babae sa kadenang hawak-hawak ni Mariano.
“Hindi! Mariano hindi ko kayang gawin yan....”
bigla naman itong napa-atras dahil sa matinding pangamba.
“kung hindi mo gagawin ay maaring masaktan kita oras na magpalit ang aking anyo, Agnes umiinit na aking dugo. at oras na mapuno ng init ang loob ng aking katawan ay nawawalan na ako ng kontrol sa aking sarili....at iyon din ang dahilan kung bakit nakukuha kong manakit at pumatay ng tao...”
paliwanag naman ni Mariano
napa-iling nalang si Agnes habang kinukuha ang kadena na nasa kamay ni Mariano.
maya-maya pa ay dahan-dahang humiga si Mariano sa maliit na kama.
tinuruan niya rin si Agnes kung paano gamitin ang hawak nitong kadena.
pikit mata namang sumunod ang babae at mariing ini-rolyo nito ang kadena sa katawan ng lalaki paikot sa maliit na kama.
“Higpitan mo ang pagkakatali Agnes...minsan kung hindi mahigpit ang kapit ng mga kadena ay nasusubukan ko parin ang makawala”
seryosong sambit ni Mariano.
Tumango nalang ang babae, habang inaayos ang kandado at ini-ugnay ang magkabilang parte ng bakal na kadena.
pagkatapos noon ay napaatras bigla si Agnes.
biglang nanlumo ang babae habang pinagmamasdan ang kaawa-awang sitwasyon ng asawa.
napatingin naman ang lalaki sa kanya na tila napansin ang kanyang pangamba.
“huwag kang mag-alala Agnes, sanay na ako sa ganitong sitwastyon....si nanay Tess ang gumagawa nito dati, simula kase noong inatake ko kayo ni Clarissa ay naisipan ko na gawin nalang ito...upang hindi na rin ako makapanakit ng iba...”
kalmadong salaysaly ng Mariano.
ilang sandali ang lumipas...
at tahimik lang na naka-upo si Agnes sa isang sulok habang hinihintay ang tamang oras.
hanggang sa maya-maya ay.,
“Ahhhhhhhhhhhhhhhh!!”
napatayo bigla ang babae ng mapansin na tila namimilipit na sa sakit ang kanyang asawa.
“Mariano!”
“AhhhhhhhhhhhhhhErrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!!!”
halos manlambot ang tuhod ni Agnes ng mapansin ang ilang itim na ugat na lumitaw sa katawan ng asawa.
“Ag................ness!!!ERrrrrrrrrrrrrrrr!!”
napatakip ito ng bibig ng makita ang unti-unting paglitaw ng mga itim na balahibo mula sa katawan nito.
isang nakakatakot na hiyaw ang binitawan ni Mariano at kasabay noon ay ang paglitaw ng kanyang pangil at mahahabang kuko.
bigla ding namula ang kanyang mga mata hanggang sa tuluyan ng napuno ng itim na balahibo ang buong katawan nito.
“Errrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!!!”
sigaw ni Mariano sa malakas at nakakatakot na boses.
“Mariano!!”
sa ilang saglit lang ay halos himatayin si Agnes sa nakita,
nanginig bigla ang katawan nito at bigla ay napa-upo nalang sa sahig...
muli niyang pinagmasdan ang nagwawalang halimaw.
sa oras na iyon ay tanging takot lang ang kanyang nararamdaman.
muling pumatak ang kanyang mga luha.
at habang nakakatitig sa asawa ay biglang naalis sa kanyang diwa ang lalaking kanyang pinakamamahal.
napayakap si Agnes sa sarili at hindi inalis ang paningin sa nakakatakot na halimaw.
pagkatapos noon ay muli niyang naalala ang lahat.
ang panahong umatake ang halimaw, ang mga pagkakataon na nabuhay siya sa takot, at ang mga oras na muntik ng mapahamak ang buhay niya at ng kanyang anak dahil na rin sa halimaw na ngayon ay kaharap niya.