Ilang araw ang dumaan...
naging abala ang mag-asawang Agnes at Mariano sa pag-aasikaso sa lamay ni Tess.
Sa paglipas ng mga araw ang mas lalong dumadami ang katanungan sa isipan ni Agnes.
ilang beses na rin siyang nagtangkang kausapin muli ang asawa ukol sa mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan.
ayaw na sana ni Agnes na magtanim ng ano mang negatibong bagay,
ngunit habang mailap sa kanya ang asawa ay mas lalo lang tumitindi ang kanyang pangamba.
Bilang pag-galang sa lamay ni Tess ay pinilit parin nitong wag munang indahin ang ano mang katanungan sa kanyang isipan.
Pinili niyang kumilos ng normal, kahit pa kasama ang asawang si Mariano.
ngunit ganun paman ay umaasa parin si Agnes na maliwanagan ang kanyang isipan,
pagdating ng tamang panahon.
......................................
Dumating ang araw ng libing ni Tess,
marami sa kanilang kabaryo ang nakisimpatya sa huling pamamaalam ng matanda.
Mainit ang sikat ng araw,
ngunit hindi naman iyon alintana ng karamihan.
Tahimik lang si Agnes habang pinagmamasdan ang malungkot na asawa,
alam niya ang bigat na nararamdaman nito dahil sa pagkamatay ng isa sa pinaka-importanteng babae sa buhay nito.
Ito din ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya makompronta ang asawa sa kabila ng mga sinabi ng kanilang kapitbahay na si Tonyo.
Habang ibinababa sa hukay ang katawan ni Tess ay napapikit nalang si Agnes at marahang humiling.
“Bigyan niyo ako ng lakas, nay....nawa’y gabayan niyo ako sa pagtuklas ng mga kasagutan........paalam”
sambit ni Agnes sa kanyang isipan
...................................
Pagkatapos ng libing ng ina ay naisipan ni Mariano ang magpaiwan muna sa himlayan ng matanda.
pina-una na niyang umuwi si Agnes kasama ang ilan sa kanilang kapitbahay.
sa huling pagkakataon ay nais niya munang makasama ang ina na siyang gumabay at nag-alaga sa kanya.
“Patawad nay....kahit alam kong nauunawaan mo ako, pero hindi ko parin maialis sa sarili ko ang magsisi...sa kabila ng lahat ng nagawa niyo para sa akin, ito pa ang iginanti ko.....”
pagsusumamo ni Mariano.
ilang saglit ang lumipas ay nagulat si Mariano ng mapansin ang naka-itim na babae na nakatayo na pala sa kanyang tabi.
Napakunot noo si Mariano at pinagmasdan ang babae.
“Bakit ka nandito? anong kailangan mo?”
mariing tanong nito.
Isang malungkot na titig ang ibinalaling ng naka-itim na babae sa himlayan ni Tess,
pagkatapos noon ay agad naman nitong itinaas ang paningin sa mukha ni Mariano.
“Nakikiramay ako, Mariano...hindi ko akalaing mangyayari ang lahat ng ito”
malumanay na sambit ng naka-itim na babae.
Napa-iling nalang si Mariano bago tumugon
“Umalis ka na,.. nais kong malaman mo na kahit wala na ang inay ay hindi parin ako susunod sa kagustuhan mo....”
seryosong bigkas nito.
Bigla namang nanlumo ang babae at malungkot na pinagmasdan ang mukha ni Mariano.
“Mariano, pakiusap....bigyan mo ako ng pagkakataon, ngayong wala na ang iyong gabay sa tingin ko ay mas kailangan mo na kami, hindi madali ang gusto ko,. pero pwede mong subukan....Mariano nandito lang ako at ang buong lahi, handa kaming gabayan ka...”
biglang hinawakan ng babae ang mga kamay ni Mariano.
napatingin naman sa kawalan ang lalaki bago tuluyang tumugon.
“Noong nabubuhay pa ang nanay Tess, palagi niyang sinasabi sa akin na huwag akong magpadala sa sinasabi ng iba, Lagi niya pinapayo sa akin na sundin ko lang ang sinasabi ng puso ko....dahil kahit mahirap, darating ang panahon na iyon ang magdadala sa akin ng tunay na kaligayahan”
biglang napayuko ang babae at tila nakaramdam ng panghihina sa mga narinig nito.
“Yan din naman ang hangad ko eh, Patawarin mo ako Mariano, ngunit wag mo sanang isipin na dinadala kita sa isang sitwasyon na labag sa kagustuhan mo...ngunit sana dumating ang panahon na maisip mo rin na ang lahat ng ginagawa ko ay para sa kapakanan mo...”
salaysay ng babae sa mahinang boses.
“Huwag kang mag-alala, kahit hindi ko man naisin na maging kaanib ng lahi niyo ay susubukan kong alisin ang ano mang galit na nakatanim sa loob ko,.. susubukan kong pagpatawad....susubukan kong makalimot, kagaya ng nais mangyari ni Nanay”
sambit ni Mariano, habang nakapako ang tingin sa lapida ng inang si Tess.
...................................
Malungkot ang buong bahay,
hindi parin maiwasan ni Agnes ang makaramdam ng lungkot.
sa bawat sulok ng tirahan na iyon ay naalala niya ang yumaong matanda na kahit papaano ay itinuring na niyang pangalawang magulang.
Maya-maya ay nahagip ng paningin nito ang silid ni Tess,
bahagyang naka bukas ang pinto noon at marahan pang gumagawa ng ingay dahil narin sa hangin.
Hindi alam ni Agnes ngunit tila may sariling utak ang kanyang mga paa at basta-basta nalang siyang humakbang papasok sa silid na iyon.
Nang makapasok ay isang tahimik na paligid ang gumulantang sa kanya.
iginala niya ang paningin sa paligid at maya-maya lang ay nahagip ng kanyang mga mata ang isang papel na naka patong sa maliit na lamesa.
Muling naalala ni Agnes ang huling beses na nakapasok siya sa nasabing silid,
iyon ang panahon na kung saan ay tila may isinusulat si Tess at bahagya pang itinago iyon sa kanya.
Humakbang si Agnes palapit sa lamesa,
pagkadating doon ay agad naman niyang kinuha at binuklat ang liham na sa tantiya na ay liham na gawa mismo ng matanda.
Sa unang salita palang na nakalagay sa nasabing sulat ay nagdala na iyon kay Agnes ng labis na pagtataka.
Mariano,
Napakunot noo ito, muli niyang itiniklop ang liham dahil para pala iyon sa kanyang asawa,. ngunit tila may isang malakas na pwersa ang kanyang kuryusidad na para bang sinasabi nito na basahin niya ang laman ng sulat..
Napatingin si Agnes sa malayo, Huminga ito ng malalim at dahan-dahang binuklat muli ang liham ni Tess.
Anak, malugod akong nagpapasalamat sa lahat,
sa pakikisama at pagbigay ng pagkakataon sa akin na tumayo bilang iyong ina.
Binigyan mo ako ng kaligayahan, ikaw ang nagsilbing liwanag sa aking madilim na daan na ngayon ay iyo na ring tinatahak....
Ikinalulungkot ko na maaring hindi na kita masasamahan pa sa iyong makikipaglaban,
kilala kita anak, alam kong makakayanan mo iyan.
Dahil matanda na ako ay naisip ko na lumayo nalang, pumunta sa isang lugar na kung saan walang nakaka-kilala at nakaka-alam sa buong pagkatao ko.
wag mo sanang mamasamain itong aking desisyon.
Ayaw ko lang na madagdagan pa ang iyong suliranin, ayaw kong mabalot ka ng kalungkutan oras na dumating ang panahon ng aking pagpanaw..
lalayo ako dahil ayaw kong makita kang malungkot sa nalalabing panahon ko sa mundo.
at sa aking pag-aliss ay huwag kang sanang magdamdam, kahit na wala na ako ay gusto kong bumalik ang sigla ng dating Mariano....ang batang pinalaki ko.
Huwag ka sanang mabuhay sa poot at galit, sanay matutunan mong makalimot sa sakit,
Kalimutan mo na ang iyong mga hinanakit sa ating mga kalahi.
Alam kong ayaw mong maging kaanib nila, pero sana naman ay huwag mong kamuhian ang iyong sarili,
dahil lang sa isa ka sa kanila.
Sana’y maamin mo na rin sa iyong asawa ang lahat,
huwag ka sanang mabuhay sa lihim anak...tatagan mo ang iyong loob dahil alam kong matatanggap ka niya, hindi man sa ngayon. maaring sa darating na panahon.
Hindi mo man maalis sa katauhan mo ang pagiging kalahi ng mga aswang,
ngunit maari ka paring mabuhay ng normal.
Lagi mong tatandaan na ang puso ang iyong sandata upang malabanan, ang pwersang nagpapahirap sa iyo sa loob ng mahabang panahon.
Mahal na mahal kita anak, nawa’y baunin mo ang laman ng liham na ito,
hanggat ikay nabubuhay.
Nagmamahal,
Tess
Napatigil bigla si Agnes at biglang pinahid ang kanyang mga luha.
Hindi niya alam ang mararamdaman.
napayakap ito sa sulat at biglang nanginig ang kanyang katawan.
Hindi parin niya lubos maisip na iyon na ang kasagutan na kanyang hinihiling,
Maya-maya ay nagulat ito ng biglang bumukas ang pinto.
at doon ay nakita niya ang mukha ng kanyang asawang si Mariano.
dahan-dahan namang lumapit ang lalaki palapit sa kanya.
“Mahal?”
gulat na tanong nito.
hindi na umimik at mabilis na ini-abot nalang ni Agnes ang liham sa asawa.
nagtataka man ay pinili parin ni Mariano ang basahin ang laman ng liham.
tahimik lang si Agnes at tila wala sa uliran,
habang binabasa ni Mariano ang sulat ay hindi nito mapigilan ang makadama ng matinding lungkot at pangamba.
pagkalipas ng ilang saglit ay itiniklop na nito ang sulat ng ina.
Saglit itong natigilan,
biglang bumakas ang takot sa mukha nito at dahan-dahan ini-angat ang paningin sa mukha ni Agnes.
‘Agnes............”
Humarap si Agnes sa asawa, habang pinapahid ang mga luhang dumadaloy sa kanyang mukha,
“Totoo ba Mariano? nabasa ko na ang laman ng liham, alam ko na ang lahat Mariano...”
mahinang bigkas nito.
napayuko nalang si Mariano at tila hindi makapagsalita.
“Patawad mahal, patawarin mo ako...”
pagsusumamo ng lalaki habang mabilis na humarap at hinawakan pa ang kamay ng asawa.
“Totoo ba Mariano? totoo bang aswang ka? sabihin mo sa akin.....”
nanginginig na sambit ng babae.
ilang saglit din bago nakasagot si Mariano, tiningnan niya ang mga mata ng asawa na tila puno parin ng maraming katanungan.
“Agnes....”
“Sabihin mo ang totoo Mariano.....nakikiusap ako”
emosyonal na pahayag ni Agnes
himinga ng malalim si Mariano, ilang saglit din itong napatingin sa uliran bago tuluyang nagkaroon ng lakas ng loob upang tugunan ang tanong ng asawa.
“Oo Agnes! totoo ang laman ng liham, isa akong aswang...........”
nanginginig na sambit ni Mariano.