Chapter 16

1362 Words
Dumagsa ang ang ilang mga residente sa tirahan nila Agnes, ilan din sa mga kapitbahay nila ang naki-usyoso sa nangyari. Nasa isang sulok lang si Agnes , Tulala iyon at mistulang hindi parin makapaniwala sa mga nangyari.   maya-maya ay nabaling ang paningin niya sa bangkay ni Tess na nakabalot na sa isang puting tela. Biglang bumuhos ang mga luha nito ng muling maalala ang ginawang sakripisyo ng matanda para sa kanilang mag-ina.   “Agnes....maari ba kitang makausap?” mabilis na pinunasan ng babae ang kanyang mga luha ng makita ang kapitan ng kanilang baryo na nasa harapan na pala niya.   Tumango nalang ito bilang tugon sa kapitan.   Umupo naman ang kapitan sa katabing silya at Ilang saglit lang ay inumpisan na ng kapitan ang masusing panayam sa kanya.   “Agnes, totoo bang aswang ang umatake sa inyo?” unang tanong nito.   “Hindi ko po alam, pero base sa nakita ko....isa iyong hindi ordinaryong nilalang.” pahayag ng babae na nakatingin lang sa uliran   “Pwede mo bang ilarawan ang itsura niya.?” seryosong tanong muli ng kapitan   “Nakakatakot ang mukha niya, para siyang isang hayop.....puno ng balahibo ang katawan niya, may matatalim na pangil at mahahabang kuko....paminsan-minsan ay may tumutubo ding pak-pak mula sa likod nito...hindi ko alam kong anong uring nilalang siya, basta’t ang napansin ko ay meron siyang kakaibang lakas, lakas na pwedeng manakit at pumatay ng isang ordinaryong tao” pormal na pahayag ni Agnes habang bakas ang matinding takot sa mukha.   “Base sa iyong salaysay ay ang nilalang na pumatay kay Tess at sa iba pang residente ng baryong ito ay iisa lang....at ayon sa marami yung nilalang na iyon ay isang Aswang,  isang uri halimaw na may kapasidad na magpalit-palit ng anyo....ngunit sa pagkaka-alam ko ay isa din silang tao, ngunit ang mga tulad nila ay uhaw sa laman at dugo kaya paminsan-minsan ay nakakabiktima sila, at nakakapatay ng tao...” salaysay ng kapitan. dahil sa narinig ay muling naramdaman ni Agnes ang kakaibang pangamba.   “Marahil nga ay tama kayo kapitan, pero sana ito na ang huling pagkakataon na may mamatay na inosenteng  tao, dahil sa kanya” sambit ng babae.   “Maari yun Agnes, yun eh kung malaman natin kung sino ang aswang na iyon...o ano ang itsura ng kanyang anyong tao”   napatango nalang si Agnes, senyales ng kanyang pag-sang ayon.     ........................................     Matulin ang takbo ni Mariano papasok ng kanilang tirahan, sa labasan pa lamang ay dagsa na ang ilang mga residente na nakaharang sa kanyang dinadaanan. pagkapasok niya sa loob ay tila tumahimik ang buong paligid at nabaling ang atensyon sa kanya.   napahinto din si Mariano..... at napako ang tingin sa bangkay ng kanyang ina na nakabalot na sa isang puting tela. sa isang sulok naman ay nakita niya ang asawang si Agnes na namumula pa ang mga mata.   marahang humakbang si Mariano palapit sa bangkay ng kanyang ina.   “Nay..........” hindi na namalayan ni Mariano ang pagpatak ng kanyang mga luha.   pagkalapit sa bangkay ng ina ay agad na lumuhod si Mariano at dali-daling niyakap iyon. “Nay..........hindi! hindi..................” hanggang sa tuluyan ng mapahagulhol ang lalaki.   ilang saglit lang ay lumapit na din si Agnes at mabilis na hinimas ang kanyang likod. ngunit hindi parin mapigilan ni Mariano ang pagdaloy ng kanyang mga luha at pagbagsak ng kanyang mabigat na emosyon.   “nay.......nay, patawad! pata-warin niyo ako....hindi ko sinasadya...” sambit ni Mariano habang yakap-yakap parin ang katawan ng ina.   mula sa likuran ay napakunot noo naman si Agnes at bahagyang nagtaka sa mga salitang binibigkas ng kanyang asawa.   “nay...hindi ko sinasadya...hindi..” habang patuloy parin ang paghihinagpis ni Mariano.   “mahal tahan na....” pinalis naman ni Agnes ang pagtataka, bagaman ay niyakap nalang ang asawa upang ipadama ang pakikiramay nito.   ...............................................   Sa unang lamay pa lamang ay dagsa na ang maraming kapitbahay at residente na dumayo sa bahay nila Tess. Mula sa paligid ay damang-dama ng karamihan ang matinding kalungkutan. at karamihan ay hindi parin makapaniwala sa biglaang pagkamatay ng matanda.   sa tabi ng kaabong ni Tess ay matuling nakatayo sina Agnes at Mariano.   “Utang ko ang buhay namin ni Clarissa kay nanay Tess...siguro kung hindi siya dumating, kami sana ng anak mo ang nabiktima ng halimaw na iyon” sabi ni Agnes sa nangangambang boses.   si Mariano naman ay tahimik lang na nakamasid sa bangkay ng ina.   “Nakokonsensya ako Mariano...........kasalanan ko ang lahat! sana nakinig ako sa inyo, sana noon palang ay umalis na ako sa lugar na ito. E di sana hindi napahamak si nanay........sana buhay pa siya ngayon.” sabi ni Agnes sa nanginginig na boses.   bigla namang hinawakan ni Mariano ang kamay ng asawa.   “Hindi, wala kang kasalanan Agnes,. kung may dapat mang sisihin dito ay ako yun! ako ang nagdala sa inyo dito, ako ang naglagay sa inyo sa kapahamakan....ako Agnes! ako ang dahilan kung bakit namatay si Nanay Tess!” sambit ni Mariano, habang tuluyan ng napahagulhol. bigla namang lumapit si Agnes at niyakap ang asawa.   “Mariano....wala ka ring kasalanan, ano ba yang pinagsasabi mo” mahinang sambit ng babae.   “kasalan ko Agnes! ako ang dahilan ng lahat ng ito.... ako......” bigla namang natigilan si Agnes at sinuri ang mukha ng asawa na may halong pagtataka.   “Mariano? anong ibig mong sabihin?’ bigla namang hinawakan ni Mariano ang magkabilang balikat ng asawa.   “Agnes....ako ang....”   biglang natigilan si Mariano sa biglaang pagdating ng hindi inaasahang bisita. napatigil din si Agnes at nabaling ang atensyon nila sa lalaking pumasok sa pinto.   ...........................................     ‘Aling Tess!! pati ba naman ikaw eh...” malakas na sambit ni Tonyo habang tinititigan ang bangkay ni Tess na nasa kabaong.   habang tahimik lang ang mag-asawang Agnes at Mariano na nakatayo lang sa gilid.   ‘Putcha naman talaga oh! wala na talagang pinipili yang aswang na yan! eh balak pa atang gawing kare-kare ang lahat ng residente dito eh!!” sambit pa ni Tonyo na tila wala sa tamang uliran.   “Mang Tonyo, lasing po ata kayo...baka maaring bumalik nalang po kayo bukas...” mahinahong sabi ni Mariano na bahagyang humakbang palapit kay Tonyo.   Nagulat naman ito ng biglang humarap si Tonyo at binalingan siya ng isang nakakalokong ngiti.   “Oi Mariano! ikaw pala....kumusta naman?” sambit nito habang tinapik-tapik pa ang balikat ni Mariano.   “Ahmm... Mang Tonyo, bumalik nalang po kayo bukas, gusto niyo ihatid na namin kayo sa inyo?” malumanay na sambit ni Agnes.   isang malakas na halakhak ang gumulantang sa mga tao. habang muling binalingan ng tingin ni Tonyo ang mag-asawa.   “Hindi ako lasing, alam ko naman ang ginagawa ko eh! alam ko ang lahat....alam ko kung ano ang nakita ko....di ba Mariano?!” napayuko bigla si Mariano ng mapansin ang isang misteryosong ngiti na puminta sa mukha ni Tonyo.   “Wala po akong alam sa mga sinsabi niyo...” mahinang tugon ng lalaki.   “Putcha! wala ? wala kang alam! wag mo na kaming linlangin Mariano! ngayon ano ha? anong pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay?! ito na ang kaparusahan mo Mariano....pero hindi parin sapat ito upang mapagbayaran mo ang lahat ng buhay na nawala! ang lahat ng buhay na kinuha mo!” sigaw ni Tonyo sa gigil na boses.   “Tama na po! tama na mang Tonyo utang na loob, respetuhin niyo naman ang lamay ni nanay! at kung hindi mo kayang gawin yun...mas mabutin pang umalis ka na!” hindi na napigilan ni Agnes ang sarili at isang malakas na sigaw ang pinakawalan nito.   “Haha! bakit Agnes....hindi mo pa ba alam ang tunay na anyo nitong asawa mo ha?! o baka naman katulad ka rin niya!?” sambit uli ni Tonyo.   “Umalis na kayo utang na loob!” Hinawakan naman bigla ni Mariano ang balikat ng asawa upang pakalmahin ito.   maya-maya pa ay ilan sa mga lalaking residente ang lumapit at hinawakan ang nagwawalang si Tonyo.   “Bitawan niyo ako!” ilan sa mga residente din ang nagtulong-tulong upang mabilis na mailabas si Tonyo mula sa loob ng bahay.   “Pagbabayaran mo ito Mariano! nalalapit na ang katapusan mo HALIMAW!!” malakas na sigaw ni Tonyo bago pa tuluyang makalabas ng pinto.                                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD