“Huwag! parang awa mo na....wag mo akong saktan!”
Napatigil si Tonyo ng marinig ang isang nakakapangilabot na sigaw.
sa hindi kalayuan ay natanaw niya ang isang binata na nakahandusay sa lupa at tila takot na takot at nakataas pa ang dalawang kamay.
ngunit ang labis na nagpatayo sa balahibo ni Tonyo ay ng makita ang isang hindi ordinaryong nilalang na nakatayo malapit sa binata.
Isang halimaw....
malaki at mabalahibo ang panlabas na anyo noon, kahit madilim ang paligid ay kapansin-pansin parin ang mahahaba nitong mga kuko pati na rin ang kanyang mapupulang mga mata.
dahan-dahang nagkubli si Tonyo sa isang malaking puno.
tinakpan niya nalang ang kanyang bibig upang hindi na makagawa ng ano mang ingay.
mula sa kanyang pinagtataguan ay tahimik lang nitong pinanood ang kalagayan ng binata sa kamay ng nakakatakot na halimaw.
“Pakiusap wag mo akong patayin! ako nalang ang inaasahan ng pamilya ko...hindi pa ako pwedeng mamatay..parang awa mo na”
pagmamakaawa ng binata na tuluyan ng napahagulhol sa labis na takot.
Ngunit hindi naman inalintana iyon ng halimaw, bagaman ay tila mas lalo pang naging agresibo ang titig ng mga mapupulang mata nito sa kanyang biktima.
Ilang saglit lang ay napapikit nalang si Tonyo ng makitang biglang puma-ibabaw ang halimaw sa katawan ng binata.
Itinaas nito ang kanyang kanang kamay at mabilis na ibinaon sa tiyan ng binata ang matutulis nitong mga kuko.
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!! Ahhhhhhhhhhh!!’
napasigaw ang binata sa labis na sakit.
ngunit hindi naman iyon alintana ng halimaw at pinagpatuloy lang ang kanyang ginagawa.
hanggang sa tuluyan ng mabutas ng mga kuko nito ang tiyan ng kanyang biktima.
halos masuka si Tonyo ng masilayan ang halimaw na hawak-hawak na ang mga sariwang bituka ng binata.
Bigla naring tumahimik ang paligid at sa pagkakataong iyon ay nasisiguro ni Tonyo na patay na ang kaawa-awang binata.
“Eerrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!!”
biglang sigaw ng halimaw na siya namang nagpatindig sa balahibo ni Tonyo.
Hindi parin ito makaalis sa kanyang pinagkukublian,
tahimik parin ito habang pigil ang hininga na pinapanood ang halimaw habang unti-unting kinakain ang lamang loob ng binatang biktima.
Ilang saglit lang ay tumayo na ang halimaw, nanlaki naman ang mga mata ni Tonyo ng biglang lumabas ang dalawang itim na pakpak mula sa malapad na likod nito.
Kumaway-kaway pa ang pakpak nito bago pa man tuluyang nakalipad sa ere.
Huminga ng malalim si Tonyo. at pilit na kinalma ang sarili.
tumingala ito sa itaas at doon ay tanaw na tanaw parin niya ang lumilipad na halimaw.
Mariin namang sinuri nito ang anyo ng halimaw na mistulang isang malaking paniki kung iyong titingnan mula sa malayuan.
Hinatid lang iyon ng tingin ni Tonyo.
ngunit ilang saglit lang ay napakunot noo ito ng mapansin ang direksyon na tinatahak ng halimaw.
napatayo ito at pinagmasdang mabuti iyon,
at nanlaki muli ang mga mata nito ng makompirmang patungo nga iyon sa bahay nila
MARIANO.
........................................
kakatapos lang ni Agnes sa pagtimpla ng gatas ni Clarissa.
Inayos niya ang mga botelyang may lamang gatas at tubig at inilatag iyon sa isang maliit na tray.
maingat niya itong binitbit patungo sa kanilang silid,
palapit palang ito sa kwarto ay rinig na rinig na niya ang malakas na iyak ng kanyang anak.
“Sandali lang anak ha, ito na si mama....”
malambing na sambit nito.
Sa pagbukas niya ng pintuan ay nanlaki bigla ang kanyang mga mata,
bigla niyang nabitawan ang hawak na tray sa labis na pagkagulat.
“Ahhhhhhhhhhhhhhhh!!!!”
sigaw nito ng makita ang isang nakakatakot na halimaw na nasa gilid lang ng kanyang anak na nakahiga sa sarili nitong kuna.
napalingon naman sa kanyang direksyon ang halimaw.
pagkaharap noon ay mas lalong nanindig ang balahibo ni Agnes ng makita ang nakakatakot nitong itsura.
“Ang anak ko! huwag mong galawin ang anak ko!”
pagbabanta nito sa nangangambang boses.
“EErrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!!! “
malakas na sigaw ng halimaw habang ang mga mata ay nakapako sa batang nakahiga sa kuna.
“Parang awa mo na....huwag si Clarissa......”
takot man ay unti-unting hinakbang ni Agnes ang kanyang mga paa palapit sa anak..
Biglang nabaling ang tingin ng halimaw sa kanya.
na tila nagbabanta na huwag siyang gumawa ng masama.,
“Eeerrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!!”
galit na tugon ng halimaw.
napapikit nalang si Agnes sa labis na takot.
ngunit maya-maya ay napahinto nalang ang babae at bahagyang nag-isip.
Kinapa niya ang kanyang bulsa ng maalala ang isang bagay na maaring makatulong sa kanya.
ang itim na rosaryo...........
ng mahablot na niya ang kwintas mula sa kanyang bulsa ay maingat na itinago niya iyon gamit ang kanyang palad.
“Pakiusap.........wag mong saktan ang anak ko”
pagsusumamo nito habang ang mga paa ay inihahakbang patungo sa kinatatayuan ng halimaw.
Ilang saglit lang ay naalarma si Agnes ng tuluyan ng hawakan ng halimaw ang anak na si Clarissa.
“Huwag!!!”
sigaw nito, habang tuluyang ng napatakbo palapit sa nakakatakot na nilalang.
at Pilit niyang inagaw ang anak na kasalukuyang nasa bisig na ng halimaw.
“Bitawan mo ang anak ko!”
sigaw nito habang pilit na pinapalis ang kamay ng halimaw na nakahawak sa kanyang anak.
Gamit lamang ang isang kamay ay mabilis na nahablot ng halimaw ang leeg ni Agnes,
bahagya niya itong ini-angat sa ere bago tuluyang hinagis.
“Ahhhhhhhhhhhhhh!!”
mabilis namang tumilapon si Agnes sa hindi kalayuan ,
ngunit sa ilang saglit lang ay naramdaman niya na ang labis na sakit sa kanyang katawan sanhi ng pagkakabagsak nito sa matigas na semento.
mula sa kanyang pwesto ay nabaling ang paningin niya sa halimaw na nakaharap na sa isang malaking bintana bitbit ang kanyang anak na si Clarissa.
Ilang saglit pa ay biglang lumitaw ang itim na mga pakpak mula sa likod ng halimaw.
kahit na masakit ang katawan ay sinikap parin ni Agnes ang makatayo,
iniaayos niya ang hawak na rosaryo at mabilis na tumakbo palapit muli sa halimaw.
bago pa man tuluyang makalipad, ay matagumpay na naisabit ni Agnes ang rosaryo sa leeg ng halimaw.
“Hindi mo makukuha ang anak ko Halimaw!!!”
malakas na sigaw ni Agnes
“AhhhhhhhhhhhhhhhhERRRRRRRRRRrrrrrrrrrrrrrrrr!!”
nagulat si Agnes ng mapansin ang kakaibang mga usok na lumalabas mula sa katawan nito.
kasabay noon ay ang panginginig ng halimaw na tila may kakaibang sakit ang dumadampi doon.
dahil sa nakitang sitwasyon ay hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Agnes.
dali-dali niyang kinuha ang kanyang sanggol bago pa man ito tuluyang mabitawan ng halimaw.
nang makuha na ang bata ay mabilis niya iyong itinakbo patungo sa pintuan ng kwarto.
bago pa man tuluyang lumabas ay muling pinagmasdan ni Agnes ang halimaw.
patuloy parin ang paglabas ng mga usok mula sa katawan nito
ngunit, pilit parin nitonginaalis sa leeg niya ang nakasabit na rosaryo.
Ilang saglit ding paikot-ikot ang halimaw na tila iniinda ang sakit na nararamdaman,
hanggang sa magsilabasan ang maliliit na apoy mula sa ilang bahagi ng katawan nito.
“EeeeeeeeRRR!!!!!!!!!!!!!!!!!”
pilit niyang hinawakan ang rosaryo na naka-sabit sa kanyang leeg.
at halos maubos ang lakas nito, matanggal lang sa katawan ang bagay na iyon.
maya-maya ay natigilan si Agnes at napaatras ng makitang nagtagumpay ang halimaw sa pagtanggal ng rosaryo.
Muling dumiin ang tingin ng halimaw sa direksyon nila ni Clarissa,
npatingin naman si Agnes sa sahig na kung saan ay nakita pa niya ang ilang parte ng itim na kwintas na nagka buhol-buhol habang nakakalat doon.
“Hindi!....”
muling namayani ang matinding kaba ng babae ng makitang unti-unti ding bumabalik ang lakas at liksi ng halimaw.
wala na rin ang usok at apoy sa katawan nito,
at ang kanina lang ay nanghihinang katawan ay biglang napalitan ng kakaibang lakas.
nanginig ang buong katawan ni Agnes at napayakap nalang sa anak ng makita ang unti-unting paghakbang ng halimaw palapit sa kanila.
.....................................
Inikot na ni Tess ang buong bahay ngunit hindi parin niya mahagilap ang kanyang alaga,
napa-upo ito sa sofa at pilit na inaalis sa isip ang pangamba.
hanggang sa Isang nakakatakot na ingay ang pumukaw sa diwa ni Tess.
isang nakakapangilabot na sigaw ang narinig nito.
at doon na siya naalarma ng maalala ang kanyang nawawalang alaga.
biglang nanaig ang takot sa dibdib nito ng makompirmang na ang nasabing ingay ay galing sa silid ni Agnes.
Isang mabilis na hakbang ang kanyang pinakawalan upang makalapit agad sa silid ng babae.
at ilang saglit lang ay narating niya din iyon.
“Agnes!, “
ng makalapit sa pinto ng silid nila Agnes ay mabilis na binuksan ng matanda ang seradora,
Pagkapasok palang ay agad na bumungad sa kanya ang isang nakakatakot na eksena.
“Huwag!!!”
sigaw nito ng makita ang kanyang alaga na kasalukuyang inaatake si Agnes.
mabilis na humakbang si Tess palapit sa halimaw at madiing hinila ang pakpak nito.
“Huwag mo siyang saktan! huwag si Agnes!!!”
napa-bitaw naman ang halimaw kay Agnes at nabaling ang atensyon nito sa matanda.
“nanay Tess!”
sigaw ni Agnes sa nanginginig na boses, napahawak din iyon sa kanyang leeg na kanina lang ay madiing pinipiga ng halimaw.
“tumakbo ka na Agnes! ilayo mo na dito ang anak mo!”
nangangambang tugon ni Tess.
mabilis naman itong sinunod ni Agnes
mabilis na tumakbo ito palapit sa pinto.
ngunit bago paman tuluyang makalabas ay napatigil nalang ito bigla.
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!”
“Nanay Tess!!”
nanlaki ang mga mata nito ng makita na hawak-hawak ng ng halimaw ang leeg ng matanda.
“EeeeeeeeeeeeeeeRRRRRRRRR!!”
sigaw ng halimaw sa nakakasindak na tono.
“Agnes , umalis ka na! iligtas mo ang buhay ng anak mo...........’
kahit na hirap ay pinilit paring nagsalita ang matanda.
“nay!! Hindi ............halimaw ka bitawan mo si nanay Tess maawa ka sa kanya!”
sigaw ni Agnes habang tuluyan ng napaluha.
ngunit hindi nagpatinag ang halimaw at lalo pang hinigpitan ang pagkakasakal kay Tess.
“tama na!!”
sigaw muli ni Agnes.
biglang hinawakan ni Tess ang kamay ng halimaw, at iniangat ang paningin nito sa mukha ng kanyang alaga.
“A.....a..anak...ta..maa na.....ako ito, anak....”
hirap na bigkas nito.
halos namanhid naman ang katawan ni Agnes dahil sa sitwasyon,
nakatayo lang ito sa isang sulok habang wala paring ideya sa kung ano ang dapat na gawin.
Ngunit maya-maya ay muli siyang nakaramdam ng pagkasindak ng makitang iniangat ng halimaw ang isa pa nitong kamay.
“Nay!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!”
malakas na sigaw ni Agnes.
halos manlumo naman ito ng makitang tuluyan ng ibinaon ng halimaw ang kanyang mahahabang kuko sa dibdib ng matanda.
Pagkatapos noon ay tila tumigil ang mundo sa pagitan nila,
dumanak ang dugo, hanggang sa tuluyan ng bumagsak ang katawan ni Tess sa malamig na semento.