Tirik na Tirik na ang araw kaya biglang naalarma si Agnes at dali-daling bumangon sa kanyang higaan.
Pagtingin niya sa kanyang kama ay napansin niya ang natutulog na Mariano.
Hindi niya na namalayan ang pagdating nito kaya naisip niya na baka subrang napagod ang asawa sa trabaho.
kaya hinayaan niya nalang itong matulog.
Mabilis siyang tumungo sa kusina upang ipagtimpla ng gatas ang anak na si Clarissa.
doon ay naramdaman niya ang kakaibang katahimikan.
Iginala niya ang paningin sa paligid.
halos tanghali na rin, ngunit tila hindi pa nagigising ang kanyang nanay Tess.
Hindi maiwasan ni Agnes ang mag-alala sa matanda, dahil na rin madalas ay nauuna itong magising upang makapag luto ng agahan.
pagkatapos itimpla ang gatas ng anak, ay naisipan nitong silipin si Tess sa kanyang silid.
Ilang hakbang lang iyon mula sa kusina, kaya napagdesisyunan niya na puntahan na ito.
Pagkalapit sa silid ng matanda ay agad nitong napansin na bahagyang nakabukas ang pintuan.
may maliit na espasyo doon na kung saan kitang-kita ang looban.
bago pa man gumawa ng ingay ay pinili muna ni Agnes ang silipin ang loob ng silid.
mula doon ay kitang-kita ng kanyang mga mata si Tess, na naka-upo sa tabi ng lamesa.
tahimik lang iyon na tila abalang-abala sa kanyang ginagawa.
napansin din ni Agnes ang ilang mga papel na nakapatong sa lamesa ng matanda at sa tantya niya ay may isisnusulat iyon.
Ilang saglit lang ay kumatok na rin si Agnes upang kumustahin ang kalagayan ng matanda.
“nay?”
mahinang sambit nito.
nanlaki naman bigla ang mga mata ni Tess na tila nagulat sa biglaang pagsulpot nito.
nagulat naman si Agnes ng biglang tiklupin ng matanda ang papel na kanyang sinusulatan.
“Oh...hija...kanina ka pa ba?”
tensyonadong tanong nito.
“Hindi po...nag-aalala lang ako, kaya naisipan kong silipin kayo dito”
napangiti naman ang matanda.
bahagya namang nagtaka si Agnes ng ipinatong ng matanda ang papel na kanina lang ay tinatago nito sa ibabaw ng lamesa.
pinatungan niya rin ito ng makapal na libro bilang proteksyon siguro upang hindi iyon liparin ng hangin.
“Pasensya na...hindi ko namalayan ang oras...teka at magluluto na ako.”
sambit naman ng matanda na dali-daling lumabas ng silid.
naguguluhan man ay pinili nalang ni Agnes ang manahimik.
ngunit bago pa man ito lumabas ng silid ay hindi niya maiwasang ibaling ang paningin sa papel na nakapatong sa lamesa ni Tess.
Ngunit, hinayaan niya na lang iyon at pilit na inaalis ang matinding pagtataka sa kanyang isip.
........................................
“Mahal, ayos ka lang ba? masama ba ang pakiramdam mo?”
pag-aalala ni Agnes ng makitang balisa ang asawa.
kapansin-pansin din ang ilang mga pasa nito sa kamay at sa ilang parte ng kanyang katawan.
dahil doon ay kumuha si Agnes ilang pamunas at gamot para sa asawa.
“Ayos lang ako...wag ka ng mag-alala”
walang ekspresyon na tugon ng lalaki.
Napakunot noo naman si Agnes at mariing tinitigan ang mukha ni Mariano.
“Hindi Mariano.........alam kong hindi, ilang araw ko na ring napapansin ang pagiging balisa mo,. Mahal kung may dinaramdam ka, sabihin mo lang sa akin..asawa mo ako! ayaw ko lang na ganito tayo....gusto kong maging tapat ka sa akin.”
malakas na tugon ni Agnes sa nanginginig na boses.
Tila manhid naman si Mariano na hindi man lang ininda ang sinabi ng asawa.
“Ano Mariano? hindi ka na naman ba magsasalita? alam mo bang nahihirapan na ako? minsan nalang kitang nakakausap...kilala kita eh. alam kong may tinatago ka sa akin, alam kong meron kang hindi sinasabi, ang tagal kong naghintay na maging bukas ka sa akin, kaya kahit na gulong-gulo na yung isipan ko ay pinipili ko parin ang manahimik....pinilit kitang intindihin Mariano, ngunit habang lumpilipas ang panahon mas lalo lang kitang hindi naiintindihan!”
sambit ni Agnes habang pinipigil ang pagpatak ng kanyang mga luha.
“Patawad Agnes......”
malungkot na tugon ng lalaki.
habang binalingan ng malungkot na titig ang asawa
Napalingon naman dito ang babae na mistulang inaaral ang mukha nito.
“Alam kong may pinagdadaanan ka, at ang tanging hangad ko lang ay sabihin mo sa akin ang lahat,. handa naman akong damayan ka eh....Mariano asawa mo ako at kung mahal mo ako sana naman ay maging tapat ka sa akin...........”
nanghihinang bigkas ng babae.
Natahimik naman bigla si Mariano at iginala nalang ang paningin sa kawalan.
Nanlulumo ang mga mata nito na tila nais makipag-usap, ngunit ang hindi maunawaan ni Agnes kung ano ang pumipigil dito.
“Mahal kita Agnes..........at dahil mahal kita ninais kong maglihim, mas pinili kong itago ang lahat, ayaw kong mawala ka, ayaw kong kamuhian mo ako, at tanging hiling ko lang ay sanay dumating na ang araw na kaya ko nang sabihin ang lahat, at sana sa araw na iyon ay kaya mo ng tanggapin ang katotohanan”
misteryosong salaysay ni Mariano.
....................................
Dala ang isang tray ng pagkain at dahan-dahang tinahak ni Tess ang tagong bodega.
Mula sa labasan ay tanaw na tanaw niya ang bilog na buwan na siya namang nagbibigay ng liwanag sa madilim na kapaligiran.
Tahamik at ingat na ingat ang bawat hakbang ni Tess.
ilang saglit ay narating niya rin ang nasabing bodega.
pagkapasok sa loob ay inilatag niya muna ang kanyang dalang pagkain sa maliit na lamesa katabi ng pinto.
Agad nitong pinaandar ang ilaw at kasabay noon ay ang biglang pagliwanag ang buong silid.
sinuri ng Tess ang buong buong silid.
at sa ilang saglit lang ay nabaling ang kanyang paningin sa bakanteng kama.
Biglang nakaramdam ng kakaibang kaba si Tess ng makitang buhol-buhol na ang ilang bahagi ng kadena na kanina lang ay nakakapit sa katawan ng kanyang alaga.
napatakip ito ng bibig at nakadama ng isang mabigat na pangamba.
“Anak?!”
sigaw nito ng mapansin na nakatakas ang kanyang alaga.