Chapter 13

1248 Words
Hating gabi na, ngunit hindi parin alintana ni Tonyo ang oras. masaya itong nakikipag-inuman kasama ang ilang piling kaibigan sa isang maliit na tindahan.   “Ikaw Tonyo...mag move-on ka! makakahanap ka rin diyan na mas maganda at mas sexy kesa kay mareng Martha!” tugon ng kanyang lasing na kainuman.   “Pare! yung asawa ko, one and only yun! kahit suyurin ko man ang buong Pilipinas...hindi na ako makakakita ng katulad niya...gets mo ba?!” tugon ni Tonyo ng may kaunting tama na rin.   “Eh..pare naman kase, kalimutan mo na yun...kita mo naman di ba? ikaw lang yung nahihirapan..tama na! let it go..pare!!!” tugon pa ng kanyang kainuman habang nilalagok ang natitira nilang alak.   “Pare hindi mo gets eh! hindi mo pa kase na experience na mamatayan ng asawa! alam mo pare....hindi ako titigil hanggat hindi ko nahanap ang hustisya para kay Martha. hahanapin ko yung itim na aso na yun pare! yung halimaw na na asong pumatay sa asawa ko....” biglang sumeryoso ang mukha ni Tonyo.   isang malakas na halakhak naman ang itinugon ng kanyang kainuman.   “Gago pare! bakit ko ako pinagtatawanan ha!” sambit ni Tonyo sa galit na boses.   “pare naman kase! aso pa yung may kasalanan? kawawa naman yung hayop pare! napagbibintangan mo..hahaha.” napatigil nalang si Tonyo at pilit na kinakalma ang sarili.   “Wala akong pake kung ayaw mong maniwala! basta sigurado akong yung malaking aso na yun ang pumaslang kay Martha! at naniniwala ako na hindi lang iyon basta ordinaryong aso lang!.....” natatawa man ay pilit paring sumasagot ang kanyang kainuman.   “Sige na nga! kaibigan kita eh...ano bang meron sa malaking aso na yun pare?!”   itinikom ni Tonyo ang kanyang kamao ng biglang maalala ang gabi na kung kailan namatay ang kanyang asawa.   “ASWANG! yun ang tawag sa hayop na yun!” sambit nito sa galit na tono.   ...............................   “Mariano asan ka na ba?.......” pag-aalala ni Agnes habang pilit na pinapatahan ang kanyang anak.   ilang oras ng iyak ng iyak ang sanggol at hindi naman maunawaan ni Agnes ang dahilan noon. ginawa niya na ang lahat ngunit ayaw parin tumahan nito.   Maya-maya ay nagulat ito ng may biglang kumatok sa kanilang pinto. habang kalong-kalong ang bata ay pilit na hinakbang ni Agnes ang kanyang mga paa at inabot ang seradora.   ng bumukas ang pinto ay tumambad sa kanyang paningin ang isang naka-itim na babae, hindi niya kilala iyon , ngunit pamilar sa kanya ang mukha nito.   nabigla naman si Agnes sa biglaang pagtahimik ng bata na kanina lang ay hindi magka-mayaw sa pag-iyak. Humarap naman ang babae at ngumiti lang habang ang mga mata ay nakapako sa hawak niyang sanggol.   “May---kailangan po ba sila?” mabilis na basag ni Agnes sa katahimikan.   muli namang nabaling ang tingin ng babae sa kanya.   “Napakaganda ng anak mo, napakaamo ng kanyang mukha, pwede ko bang siyang makarga?” malambing na sabi ng babae.   hindi maunawaan ni Agnes ang sarili, para siyang nahipnotismo dahil sa biglaang pagsunod nito sa sinabi ng babae.   daha-dahan niyang inabot ang saggol. habang ang babae ay nakatingin lamang sa mga mata niya.   ng makuha na ng babae ang bata ay isang matamis na ngiti ang ibinaling nito na tila tuwang-tuwa sa bata. habang tahimik lang si Agnes na pinagmamasdan lang ang paghele ng babae sa kanyang anak.   “Nababagay nga siya bilang itinakda....ngayon palang nakikita ko na ang kapasidad niya bilang pinuno...” malumanay na sambit ng babae.   napakunot naman ng noo si Agnes at pilit na inuunawa ang bawat salitang binibitawan ng misteryosong babaeng iyon.   “Itinakda? pinuno? anong ibig mong sabihin?” mariing tanong nito.   muling napatitig sa kanya ang babae, at sa pagkakataon iyon ay isang hindi maunawaang takot ang naramdaman ni Agnes.   “Siya ang itinakda ng lahi Agnes.......siya ang matagal na naming hinihintay na mamuno sa buong angkan” sambit ng babae habang hinihimas ang mukha ng bata.   hindi man maintindihan ay isang tensyon ang namuo sa loob ni Agnes.   “Akin na ang anak ko!” sambit nito habang pilit na kinuhuha ang bata.   napangiti lang ang babae, habang ang mga mata ay nakatitig lang kay Agnes.   “Akin siya Agnes! simula ngayon maninirahan siya kasama namin!” napaatras bigla si Agnes ng makitang naglalaho ang kanyang anak. na tila ang balat nito ay unti-unting nabubura kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin.   “Huwag! huwag mong kunin ang anak ko!” sigaw ni Agnes habang pilit na hinahakbang ang paa palapit sa babae.   ngunit bago pa man makalapit ay parang isang bula na naglaho din ang babae kasabay ng kanyang anak.   “Hindi! Clarissa! Anak! Hindiiiiiiiiiiii!!!” malakas na sigaw nito habang napaluhod pa sa sahig.     ..........................     “Anak!” mabilis na napabangon si Agnes mula sa kanyang kama. agad niyang kinapa ang ilaw at biglang lumiwanag naman ang paligid.   pilit niyang hinabol ang kanyang hininga at inilibot ang paningin sa paligid. tinungo niya ang isang duyan na gawa sa tela at mabilis na sinilip iyon.   Bigla naman itong nakahinga ng maluwag ng makita ang kanyang anak na mahimbing lang na natutulog sa maliit na duyan.   ....................................     Nanlaki ang mga mata ni Tess ng makita ang bilog na bilog na buwan mula sa labasan. halos maalarma naman ito ng maalala ang kanyang alaga.   dahil doon ay mabilis na hinakbang ni Tess ang kanyang mga paa patungo sa isang tagong bodega na matatagpuan sa dulong bahagi ng kanilang tirahan.   “Errrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!!” mula sa isang makitid na lagusan ay unti-unti ng naririnig ng matanda ang sigaw ng kanyang alaga   Ilang hakbang pa ang ginawa nito bago marating ang pintuan ng nasabing bodega. pumanaog ito sa may makitid na hagdanan at ilang saglit lang ay narating din nito ang maliit na pintuan ng silid.   “Ahhhhhhhhhhhhhhhh!!”   napatakip ng bibig si Tess ng madatnan ang kanyang alaga na nakahiga sa sahig, hawak-hawak nito ang kanyang sikmura at namimilipit sa matinding sakit.   Halos, lumuwa na rin ang malalaking ugat nito sa mukha sanhi ng unti-unting pagbabago na nararamdaman nito sa kanyang katawang tao.   maya-maya pa ay biglang tumirik ang mga mata ng kanyang alaga at mistulang nakakatitig iyon sa kanya.   ‘Anak...” mahinang sambit nito   “Ang.....kadena!! ilabas mo ang kadena!!” nagulat naman ang matanda ng marinig ang malakas na utos ng kanyang alaga.   tumango nalang ito at dali-daling kumilos, agad niyang hinagilap ang kadena na nakapatong lang sa isang maalikabok na lamesa. pagkatapos noon ay lumapit na siya sa kanyang alaga at mabilis na inalalayan ito at inihiga sa isang maliit na kama. ng masi-ayos na ang lahat ay mabilisan nitong  ipinulupot ang makakapal na kadena, paikot sa katawan ng kanyang alaga.   “Bilis! Bilisan mo!!” sigaw muli nito sa nakakatakot na boses.   “oo..Oo..ito na!!” bigla namang naalarma si Tess at pilit na binilisan ang pag-pulupot ng kadena sa katawan ng alaga. inikot-ikot niya ang mahabang kadenang iyon at ikino-nekta sa likod ng matibay na kama.   Sinigurado ni Tess na mahigpit ang pagakakatali at pagkaka ugnay ng mga kadena at ng masuring mabuti ay mabilis na napaatras ito at pinanood nalang ang paghihirap ng kanyang pinakamamahal na alaga.   “Ahhhhhhhhhhhhhhhh!!” sigaw uli ng kanyang alaga na mistulang hirap na hirap sa kanyang pagpapalit balat.   Napatakip naman ng bibig si Tess. at hindi maiwasang makadama ng awa.   Halos madurog ang puso nito, ng muling makita ang kanyang pinamamahal na alaga na nagdurusa sa sakit at hirap.   “patawad...patawad anak......” sambit nito habang tuluyan ng napaluha.                            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD