Kalong-kalong ni Agnes ang kanyang sanggol, habang tuwang-tuwa na pinagmamasdan ang maamong mukha nito.
napangiti nalang ito ng makitang tulog na tulog ang anak na tila nasa kailaliman ng isang magandang panaginip.
Walang mapag-sidlan ng kaligayahan si Agnes, hindi niya akalain na pagkatapos ng hirap at pasakit ay masusuklian agad iyon ng isang walang kapantay na kaligayahan dulot ng pagdating ng kanilang kauna-unahang supling.
Habang ninanamnam ang sariwang hangin at katamtamang init ng araw ay napansin niya ang pagdaan ng kapitbahay na si Mang Tonyo.
bahagya ring napahinto iyon ng makita siya.
Napamasid lang ang lalaki sa kanya at napangiti ng masilayan ang bitbit niyang sanggol.
“Magandang araw po Mang Tonyo”
bungad nito.
“Magandang araw din Agnes at sa iyong unica hija.......”
nabaling ang tingin nito sa sanggol na si Clarissa.
Napahakbang naman malapit sa kanya ang lalaki at mistulang sinuri ang mukha ng sanggol.
“Napakagandang bata, manang-mana sayo hija”
tugon nito habang nakatitig sa bata.
“Naku maraming salamat po.”
Napangiti muli si Agnes,
ngunit agad ding napawi iyon ng mapansin ang biglang pagbago ng ekpresyon ng mukha ni Tonyo.
“Mang Tonyo?may problema po ba?’
pag-aalala nito.
bahagya namang napatawa ang lalaki at pilit na inalis ang lungkot sa mukha nito.
“Wala....naalala ko na naman kase yung makulit kong asawa, at ang sana’y magiging anak namin....”
mahinang sambit nito.
Bigla namang naramdaman ni Agnes ang kalungkutan ng lalaki.
“Huwag na kayong malungkot Mang Tonyo, kung nasaan man si Aling Martha ay nasisiguro kong ayaw niyang makita kayo sa ganyang sitwasyon...”
malumanay na sambit ni Agnes.
“Oo nga, haha. dapat happy lang, sabi nga ni Martha. sige Agnes mauna na ako, at ingatan mo yang anak mo....delikado sa kanya ang lugar na ito, alam mo naman kahit paano ayaw kong sapitin niya ang nangyari sa mag-ina ko”
sambit ni Tonyo na may halong pangamba sa boses.
Napatango nalang si Agnes bilang pagtugon.
...........................................
Habang namamalengke ay dinig na dinig ni Tess ang mga maiingay na usapan sa paligid.
Pilit man ibalewala ay hindi nito maiwasan ang makinig sa mga bagay na pinag uusapan ng ilan sa mga residente.
“Hoy, aling Tess ikaw pala...”
sabik na bati ng kanyang suking tindera.
“Oo Auring, pabili naman ako ng repolyo at kamatis...”
nakangiting sabi ng matanda.
Habang abala sa paghahanda ng bilihin ay hindi maiwasan ng tindera ang usisain ang matanda sa bagong balita na usap-usapan sa buong baryo.
“Naku aling Tess, baka hindi mo nababalitaan... yung si Boyet yung anak ni Bobot, abay natagpuan kanina sa may tulay. nakahandusay at wala ng buhay!.”
napatigil naman si Tess sa pamimili ng kanyang bibilhin, humarap ito sa suking tindera na tila nagpukaw sa kanyang interest.
“Ano ba ang nangyari?”
usisa nito.
“Abay..ewan ko rin, basta ang sabi eh. ilang araw na daw nawawala ang batang iyon, at kanina lang natagpuan.....nakakaawa nga eh. sabi lasog-lasog daw ang katawan, at wala ng mga lamang loob...hindi ko alam kung anong nilalang ang kayang gumawa ng ganoong krimen, grabe talaga!”
napa-iling nalang ang tindera habang nagsasalaysay.
napatunganga naman si Tess at tila hindi alam kung ano ang sasabihin.
“Oo nga...nakaawa ang batang iyon”
Pag-abot ng bayad ay agad namang nagpaalam si Tess sa tindera.
at mabilis na inihakbang ang mga paa palayo sa lugar.
.........................................
Habang naglilinis ng kwarto ay agad na napansin ni Agnes ang itim na rosaryo sa kanyang damitan.
mabilis niyang dinampot iyon at ipinako ang tingin sa nasabing bagay.
biglang naalala nito ang payat na matanda,
ang taong nagbigay sa kanya ng nasabing kwintas.........
“Proteksyon?”
bigla niyang nagunita ang isang misteryosong salita na binanggit ng matanda sa kanya.
ibinaling niya ang kanyang paningin sa anak na si Clarissa na kasalukuyang nahihimbing.
Ng makita ang inosenteng mukha ng bata ay napahigpit ang hawak ni Agnes sa itim na kwintas.
itinikom niya iyon at mabilis na itinago sa kanyang bulsa.
...............................
“Isang magandang balita iyan anak!”
hindi maikubli ng matandang lalaki ang labis na tuwa ng marinig ang baong balita ng kanyang anak.
“Talaga nga namang napakabilis ng panahon ama, kailan lang ay mariin nating binabantayan ang kanyang pagdating...pero ngayon ito na at sa wakas ay masisilayan na natin siya sa mundong ibabaw...”
nakangiting sabi ng naka-itim na babae.
“Tama ka, ngayon pa lamang ay nais ko ng makita ang anak ng itinakda, nasasabik na akong makita ang susunod na pinuno ng lahing aswang.....”
sambit ng matanda habang bakas parin ang labis na katuwaan sa kanyang mukha.
napa-isip naman bigla ang babae, at mariing pinagmasdan ang mukha ng kanyang ama.
“Ano po ba ang ibig niyong sabihin? gusto niyo ng makita ang bata?”
pagtataka ng babae.
Tiningnan naman siya ng matanda, ilang sandali din iyong nanahimik bago tuluyang nagsalita.
“Tama ka anak, gusto ko ng makita ang bata, at nais ko ay makuha at madala mo siya dito sa lalong madaling panahon....”
bigla namang dumilim ang mukha ng babae, ang kaninang masayang mukha ay napalitan ng pangamba.
“Hindi ba’t masyado pang bata ang itinakda ama upang dalhin dito? ang ibig kong sabihin ay hindi ba natin hihintayin ang pagdating niya sa tamang edad?”
naka kunot noong tanong ng babae.
isang misteryosong ngiti ang muling puminta sa mukha ng matandang lalaki.
ilang saglit lang ay napatingin nalang ito sa malayo.
“Mainam na siguro kung tayo ang magpalaki sa bata,. ayaw kong matulad siya sa kanyang ama na mahina, ayaw kong maranasan niya ang buhay ng isang tao....dahil kung sakaling mangyari iyon. baka hindi na natin makukuha ang loob niya kahit kailan........tayo ang pamilya niya, at nararapat lang na tayo ang mangalaga sa ating bagong itinakda.......”
isang nangangambang tinig ang lumabas sa bibig ng matanda.
Hindi man lubos na sang-ayon ay marrin paring pinag-isipan ng babae ang sinabi ng kanyang ama.