Chapter 11

802 Words
MAKALIPAS ANG APAT NA BUWAN   “Babae ang anak niyo Mariano!” masayang sambit ng kumadrona, habang karga-karga ang bagong silang na sanggol.   “Ang a....anak ko!” nang hihina man ay nakuha paring ngumiti ni Agnes ng makita ang kanilang malusog na sanggol. inabot naman iyon ng kumadrona sa kanya. “Mariano tingan mo! napakaganda niya...” masayang sambit ni Agnes   Mabilis naman na lumapit si Mariano sa tabi ng kanyang mag-ina, habang hindi parin maalis ang labis na tuwa sa kanyang mukha.   “Ang anak natin, isa na akong ama.!” sigaw nito habang napayakap pa sa asawa.   Habang si Tess naman ay tahimik lang na nakamasid sa dalawa, napangiti nalang ito sa isang sulok na hindi parin makapaniwala sa pagdating ng bagong kasapi ng pamilya.   Ilang saglit lang ang lumipas ay biglang nanindig ang mga balahibo ni Tess ng muli marinig ang malakas na kahol ng mga aso. Sumunod noon ay ang pag-ihip ng napakalamig na hangin na tila yumayapos sa kanyang katawan.   “Kukuha lang ako ng mainit na tubig, dito lang po muna kayo ha...” pagpapa alam nito sa kumadrona.   muling binaling ni Tess ang paningin sa mag-asawa na hindi parin maitago ang labis na kaligayahang nadarama na siya din namang hinahangad niya.   Ngunit sa kabila ng kaligayahang iyon ay isang hindi maunawaang takot ang biglang naramdaman ng matanda.   ....................   Habang inihahanda ang mainit na tubig ay tumawag muli sa pansin ni Tess ang ingay ng mga aso, maya-maya ay nagulat ang matanda ng biglang bumukas ang nakasarang bintana. kasabay noon ang pag-ihip ng napakalakas na hangin. Nanginig bigla si Tess ng biglang lumitaw ang imahe ng naka-itim na babae sa labas ng bintana. nakatitig lang ito sa kanya na tila nangungusap ang mga nakatirik nitong mata.   Tumayo ng matuwid si Tess, humakbang ito sa pinto at binuksan iyon, pilit naman niyang itinago ang takot.   dahil sa mga oras na iyon ay tanging lakas ng loob lang ang kanyang sandata, upang maprotektahan ang sa panganib ang kanyang pamilya.   ................................   “Clarissa...... yan ang ipapangalan natin sa kanya” masayang sambit ni Agnes habang pinagmamasdan ang mukha ng anak.   “napakagandang pangalan, bagay na bagay sa kanya mahal” dugtong naman ni Mariano.   habang, tuwang-tuwa ay napatigil ang dalawa ng  biglang umiyak ang sanggol, ginawa naman ng dalawa ang lahat upang patahanin iyon. ngunit tila hindi umepekto ang ano mang gawin nila,  dahil lalo lang lumakas ang pag-iyak ng bata.   “Anong gagawin natin Mariano?” pag-aalala ni Agnes habang pilit na pinapatulog ang bata.   napatingin nalang si Mariano sa kumadrona upang humingi ng suhisyon.   “Huwag kayong mabahala, normal lang sa sanggol ang pag-iyak...maaring hindi siya kumportable sa kanyang lagay” agad namang kinuha ng kumadrona ang sanggol at kinarga iyon. dahan-dahan niya hinele ang bata, at hindi nagtagal ay tumigil din ito sa pag-iyak.   “Huwag kang masyadong mangamba Agnes, alam kong marami ka pang pagdadaanan... ngunit alam ko namang makakayanan mo ang pagiging ina” napangiti naman ang kumadrona dito.   Napatingin nalang si Agnes sa asawa at tila nakaramdam ng panghihina.     ...............................     Dala ang isang maliit na lampara ay matapang na tinahak ni Tess ang madilim na labasan.   “Anong ginagawa mo dito? hindi bat sinabi ko na sa iyo na tigilan mo na si Mariano! hindi mo siya pwedeng kunin...” matapang na pahayag ni Tess sa babaeng naka-itim.   “Ipagpaumanhin niyo po...ngunit kailangan kong bantayan ang itinakda, Iyon ang misyon ko, maaring hindi ko man siyang pwedeng kunin ngayon. ngunit alam kong balang araw ay kusa siyang sasama sa akin.” seryosong sambit ng babaeng naka-itim   “Hindi siya sasama sayo, at nakakasiguro ako diyan, may pamilya si Mariano...at hindi niya kayang iwanan ang mga ito upang maglingkod lang sa isang lahi na kahit kailan ay hindi niya tinanggap!...” matigas na sambit ng matanda.   Hindi naman iyon ininda ng babae at nagpatuloy lang sa pagsasalita “Iyan nga ang aking ikinalulungkot, napakahina ng takda, maaring hindi niya kayanin ang obligasyon ....  hindi siya nababagay sa trono bilang pinuno, pero nakakasiguro naman ako na kaya pang antayin ng buong angkan ang mas malakas na takda....” napakunot noo naman si Tess sa narinig   “Anong nais mong iparating?” sambit nito sa nangangambang tinig   “Ang anak ni Mariano..... siya ang itinakda! balang araw siya ang magiging pinuno ng lahing aswang!” sambit ng naka itim na babae na may misteryosong ngiti sa kanyang labi.   “Hindi....hindi niyo maaring galawin ang anak ni Mariano!” galit na tugon muli ng matanda.   Napatingin naman sa uliran ang babaeng naka-itim at nagsalita. “Kung kaya sanang harapin ni Mariano ang lahat....hindi na sana mararanasan ng kanyang anak ito. wala na tayong magagawa, ang buong lahi na mismo ang nagpasya.....at dahil ginusto nila, iyon ang mangyayari................” sambit muli ng babae sa isang misteryosong tinig.                      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD