Chapter 10

1251 Words
Dagsa ang mga taong dumalo sa unang lamay ni Martha. kahit na nagluluksa ay pinili parin ni Tonyo ang harapin ang kanyang mga bisita na nakikiramay sa pagkawala ng kanyang asawa.   “hindi parin ako makapaniwala, Nakakatakot na talaga yang mga aswang na yan! hindi ko aakalaing mabibiktima nila si Martha” tugon ng isang bisita habang sumisilip sa kabaong ni Martha.   “Delikado na talaga dito sa baryo natin, sino ba kasi yang aswang na yan?” tanong ng isa pa.   “Oo, nga marahil kung hindi taga kabilang bayan eh. baka taga dito dito lang iyan sa atin...” takot na sabi ng isa pa.   habang si Tonyo ay tahimik lang na nakikinig na sa usapan.   “Kung sino man yung aswang na pumatay sa asawa’t anak ko! magbabayad siya! gagawin ko ang lahat upang ipaghiganti ang mag ina ko......”   natahimik naman bigla ang mga bisita.   Bumalik sa normal ang lahat, at bawat isa ay nagparamdam ng labis na pakikiramay sa pagkawala ng isa sa kanilang butihing kabaryo. maya-maya ay nabaling nalang ang atensyon ni Tonyo sa paparating na bagong bisita.   “Mariano?”   marahang lumapit si Mariano kay Tonyo na katabi lang ng kabaong ng asawa.   “Nakikiramay po ako...Mang Tonyo” malungkot na sambit nito.   tumango nalang si Tonyo bilang tugon.   Ilang segundo ding pinagmasdan ni Mariano ang bangkay ni Martha habang napatingin naman dito si Tonyo na tila sinusuri ang lalaki.   “Salamat sa pakikiramay hijo...” seryosong sambit nito.   Napatango nalang si Mariano, habang kitang-kita ang labis na pagluluksa sa mukha.   “Mauna na po ako Mang Tonyo, kelangan ko pa kasing maghanda para sa trabaho” malunngkot na paalam nito   “Salamat...” tipid na sagot ni Tonyo.   Habang naglalakad palabas ay hindi maiwasan ni Tonyo ang pagmasdan si Mariano. sa kanyang pagsususri biglang nahagip ng paningin ang tila sariwang sugat sa braso ni Mariano. iniyukom ni Tonyo ang kanyang kamao at hindi napigilan ang sarili na mapasigaw.   “Mariano!”   Biglang natahimik ang lahat ng marinig ang malakas na boses ni Tonyo. at sa ilang saglit ay nabaling ang kanilang tingin kay Mariano.   nag-aalangan man ay pinili paring lumingon nilalaki. at ng makaharap ay bumungad agad sa kanya ang kakaibang ekpresyon ng mukha ni Tonyo.   “May...prob-lema po ba?” may halong panginginig sa boses nito.   ilang segundo din ang lumipas bago nakasagot si Tonyo. masusi niyang sinuri ang lalaki mula ulo hanggang paa bago naisipang mag salita.   “Wa-wala, Mariano....mag-ingat ka” tugon ni Tonyo sa kalmadong tono ng boses.     ...................................     tahimik lang na naka upo sa sala ang mag asawang Agnes at Mariano,   “Ano ba iyong sasabihin mo mahal?” tanong ni Agnes habang hinihintay ang sagot ng kanyang asawa. bago paman makasagot ay napansin nila ang biglaang paglapit ni Tess sa kanilang pwesto.   “Agnes..........naisip ko lang na mas makakabuti sigurong bumalik ka muna sa Maynila, doon mas mababatayan ka ng mga magulang mo, at mas magiging ligtas kayo ng anak ko” seryosong sambit ni Mariano.   “Anong ibig mong sabihin? hindi ka sasama?” naguguluhang tanong ni Agnes.   “Hindi ko pwedeng iwan ang trabaho ko Agnes, kung maari lang sana,. pero wag kang mag-alala... ihahatid kita sa inyo. pansamantala lang naman ito, pwede naman tayong magsama uli oras na iluwal mo na ang anak natin” napatayo bigla si Agnes at napakamot ng ulo sa narinig.   “Hindi Mariano! hindi ako aalis ng hindi ka kasama! di ba pangako mo...hindi mo ako iiwan? na magsasama tayo.” sabi ni Agnes sa nanginginig na boses.   “Agnes...”   natahimik sila ng biglang sumingit si Tess sa usapan.   “Agnes, tama ang asawa mo...hindi kayo ligtas sa lugar na ito, kaya mas nakakabuting lumayo ka muna...pumunta ka sa lugar na kung saan mas magiging ligtas kayo ng anak mo” paliwanag ng matanda.   naupo naman si Agnes at bahagyang napaisip. Tiningnan nito ang mukha ni Mariano at Tess na tila hinihintay ang kanyang tugon. ilang saglit lang ay nagawa narin nitong magsalita.   “Hindi! hindi ako aalis...........” nagkatinginan naman ang mag-ina na tila bakas ang pagkadismaya sa kanilang mga mukha.   “mahal......” hinawakan bigla ni Mariano ang kamay ng asawa na tila nais nitong makiusap. tumingin naman dito si Agnes at nagsalita.   “Hindi ako aalis, dahil may tiwala ako sayo Mariano, naniwala ako na kaya mong tuparin  ang mga pangako mo....ayaw kitang iwan, dahil mas lalo lang akong mabubuhay sa takot kapag ginawa ko yun...” sambit ni Agnes sa malungkot na boses.     .......................................     “Ilang buwan nalang at inyo na siyang masisilayan ama, kaunting panahon nalang ay isisilang na ang bagong pinuno ng ating lahi” masayang sambit ng babaeng naka-itim.   “Ikinagagalak kong marinig ang balitang iyan.......pero hindi ko parin mai-alis sa isip ko ang pagdududa.” binalingan ng tingin ng matandang lalaki ang kanyang  anak.   “ano ba ang bumabagabag sayo ama? taglay ng bagong Takda ang talino ng isang tao, at taglay din niya ang bagsik ng pagiging kalahi! wala akong nakikitang dahilan upang hindi siya mahirang bilang isang mahusay na pinuno” paliwanag ng babae sa matanda.   “Sana nga.........” sambit ng matanda habang nakatingala sa kawalan.     .............................     Sa kalagitnaan ng gabi ay biglang nagising si Agnes, napansin niya na wala parin ang asawang si Mariano na siguradong sa oras na iyon ay abala parin sa trabaho.   nakaramdam bigla ito ng uhaw kaya naisipan niya na pumunta sa kusina upang makakuha ng inumin. sa ilang hakbang ay nakarating din iyon doon. mabilis siyang kumuha ng baso at nilagyan iyon ng tubig.   napansin nalang ni Agnes ang kakaibang liwanag na tila nanggagaling sa labasan, at doon ay napansin niya ang bilog na buwan sa isang bukas na bintana.   dali-dali naman itong humakbang para isara iyon.   pabalik na siya ng kanyang silid ng makarinig ng isang kakaibang tinig. “Ahhhhh...........Errrrrrrrrrrrrr!!”   mahina lang iyon, ngunit sa tantiya niya ay nagmumula lang iyon sa hindi kalayuan.   “AhhErrrrrrrrrrrrr!!” patuloy lang ang mahinang tinig na iyon na tila sigaw ng isang nahihirapang hayop.   pinakinggang mabuti ni Agnes at sinundan ang mahinang tinig na iyon. ilang sandali pa ay dinala siya ng kanyang mga paa sa isang makitid na hagdanan na pababa ng kanilang bahay. patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa marating ang dulong bahagi ng kanilang bahay. at doon ay nakita niya ang isang maliit na pinto. Alam niya ang lugar na iyon, isang tagong bodega na di umano’y imbakan ng mga lumang gamit. ngunit hindi pa siya nakapasok sa nasabing silid dahil na rin ipinagbabawal iyon ng kanyang asawa. sa kadahilanang marumi ang loob noon at maaring makasama iyon sa kanyang pagbubuntis.   “Errrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!!”   napatakip ng bibig si Agnes hindi man sigurado ay malakas ang pakiramdam niya na sa loob ng bodegang iyon nanggagaling ang kakaibang boses.   hawak na  niya na ang seradora, ngunit bago pa niya tuluyang mabuksan ang pinto ay isang pamilyar na boses ang biglang sumulpot sa kanyang likod.   “AGNES........” bigla itong napalingon at nakita ang nangangambang mukha ni Tess.   “Anong ginagawa mo dito?” tanong ng matanda.   “May...may narinig po kase ako, parang boses ng hayop...parang dito po kase nanggagaling” paliwanag naman ng babae.   “naku...hija, wag mo nalang pansinin at baka, pusa lang yan. matulog ka na at bawal ang labis na pagpupuyat sa buntis” kalmadong sambit ng matanda habang inaakay si Agnes palayo sa lugar.   Sumunod nalang dito si Agnes kahit na hindi parin maalis sa isipan nito ang labis na pagtataka.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD