“Tahan na hija, kumalma ka....”
nangangambang sabi ni Tess. habang inaabot ang tubig kay Agnes.
Tila namanhid naman si Agnes at hindi parin maialis ang takot sa dibdib
“Totoo ang sinasabi ko nay, Totoong aswang ang nakita ko! at gusto niya kaming atakehin!”
takot na salaysay ni Agnes.
“Tama na Agnes, huwag mong hayaang mamayani ang takot sa isipan mo, at baka makasama pa iyan sa bata...”
sabi ni Tess na may pangamba sa boses.
“Hindi po ba kau naniniwala sa akin nay?”
seryosong tanong ni Agnes..
ilang segundo ding nanahimik si Tess at bahagya pang napa tingin sa uliran.
“Naniniwala ako Agnes...totoo sila...totoo ang mga aswang”
tila natigilan naman si Agnes ng marinig ang seryosong boses ng matanda.
maya-maya ay napatigil silang pareho ng marinig ang malakas na sigaw mula sa kanilang kapit bahay.
“Martha! Asawa ko! tulungan niyo ako!!”
nagkatinginan bigla sila Agnes at Tess ng marininig ang naghihinagpis na sigaw ni Tonyo.
“Martha!!!”
dali-dali namang pumanaog ang dalawa ng maramdaman ang hindi magandang pangyayari.
sabay silang lumabas ng bahay at napansin nila na may iilang kapitbahay narin ang nasa loob ng tirahan nila Tonyo.
dahil sa labis na kuryusidad ay mabilis na tumawid sina Agnes at Tess patungo sa pinagkakaguluhang bahay.
...........................
Kahit may iilang residente sa loob ay agad namang nakita nila Tess ang nangyari sa loob ng bahay.
isinisik nila ang kanilang mga sarili upang mas lalo pang makita ang mga pangyayari.
ng makalapit ay bumungad sa kanila ang umiiyak na si Tonyo habang yakap-yakap ang tila walang buhay na asawa.
Nandoon din ang isang anak ng mag-asawa na naka tayo lang sa gilid at hindi din maawat sa pag iyak.
“Pinatay nila ang asawa ko..........pinatay nila ang anak ko!.”
mangiyak-ngiyak na sabi ng lalaki na tila hindi alintana ang mga tao sa paligid.
nanginig naman ang kalamnan ni Agnes ng makita ang duguang bangkay ni Martha na wakwak pa ang tiyan.
“Ang anak ni aling Martha! kinuha ng aswang ang anak niya....”
mahinang tugon ni Agnes habang kinukuyog pa ang braso ni Tess.
“Umalis na tayo Agnes... bumalik nalang tayo bukas pag maayos ang lahat”
nangangambang tugon ni Tess habang marahang hinhila si Agnes.
Isang malungkot na titig ang ibinaling ni Agnes sa walang buhay na si Martha,
nanlumo bigla ang mukha nito at hindi maiwasan ang makadama ng awa sa ginang.
“wala na ang asawa at anak ko!! wala na sila!!”
patuloy parin sa pag-iyak ang kawawang si Tonyo.
habang naglalakad palayo ay biglang napahawak si Agnes sa kanyang tiyan.
nag-isip ito ng malalim habang dinndamdam ang takot para sa kaligtasan ng kanyang anak.
..................................
“Gusto mo bang samahan na kita sa pagtulog?”
mahinang bigkas ni Tess ng makita na nag-aalala parin ang babae.
“Salamat po, pero aantayin ko nalang po ang asawa ko nay...siguro naman pauwi na yun”
pilit namang kinukubli ni Agnes ang pangamba.
“Ako nalang ang mag-aabang sa pag-uwi niya, matulog ka na hija, hayaan mo’t ipapaliwanag ko kay Mariano ang lahat”
sabi ni Tess.
Napalinga naman si Agnes sa bintana, na tila umaasa parin sa pag-uwi ng asawa.
“Natatakot ako nay....Natatakot ako para sa anak ko”
biglang napa-upo si Agnes sa silya at hindi na napigilan ang luha sa tindi ng nararamdamang takot.
“Tahan na anak...lilipas din ito, makakalimutan mo rin ang lahat, manalig ka lang”
sambit ni Tess habang hinihimas ang likod ni Agnes.
“Kawawa naman si Aling Martha nay,. pero paano pag hindi ko napansin ang aswang na iyon? paano kung hindi ako nagising? siguro sa akin at sa anak ko nangyari ang sinapit ni Aling Martha! siguro kami ng anak ko ang nasa kalagayan niya ngayon...”
hindi na mapigilan ni Agnes ang mapahagulhol.
“Magpasalamat ka nalang anak, at hindi sayo nangyari yun...mabuti pa siguro at matulog ka na, at hihintayin ko nalang ang pagdating ni Mariano....wag kang masyadong mag-alala at baka ika-pahamak pa iyan ng anak mo”
tumango nalang si Agnes at dahan-dahan naglakad patungo sa kanyang silid.
........................
Lutang parin ang isip, ngunit mas pilit paring kinakalimutan ni Agnes ang lahat pangyayari.
sa pagpasok niya sa kwarto ay nagulat ito ng makita ang isang tao na nakahiga sa kanyang higaan.
Humakbang pa ito ng kaunti upang makita ang mukha noon at ng makalapit ay napakunot noo nalang ito ng makompirma kung sino ang nakahiga doon..
“MARIANO??”
napa bangon naman ang lalaki mula hinihigaang kama at tila nagulat din sa pagdating ng asawa.
“Agnes? “
“Kanina ka pa ba nandiyan?”
naka-kunot noong tanong ng babae.
“Ah...Oo.. Kani-na pa ako, saan ka ba nanggaling? kanina ko pa kayo hinahanap, pati nga si Nanay Tess hindi ko rin mahagilap.”
marahang sabi ng lalaki na tila iniiwas pa ang paningin.
napayuko naman si Agnes at muling bumalik sa ala-ala ang sinapit ng kapitbahay.
“Mahal.... si Aling Martha,. wala na siya...wala na rin ang anak nila ni Mang Tonyo.”
malungkot na sabi nito,
bigla namang napabalisa si Mariano at lantaran bumakas sa mukha nito ang kalungkutan.
“A-anong nangyari?”
tipid na tanong ng lalaki.
“Inatake siya ng aswang...nakaka-awa ang kalagayan niya Mariano....”
biglang bumuhos ang mga luha ni Agnes.
at labis naman iyong ikinabahala ng kanyang asawa.
“Agnes....”
lumapit iyon at niyapos ang humahagulhol na asawa.
“Tahan na mahal, lilipas din ang pangyayaring ito...”
pabulong na sambit ni Mariano.
“Mahal, natatakot ako....Mariano , muntik na akong atakehin ng halimaw na yun! ako at ng anak mo....”
hinimas naman ng lalaki ang likod ng asawa upang patahanin ito.
Habang nakayapos sa bisig ng asawa ay biglang naaninag ni Agnes ang tila mga daplis sa kaliwang braso nito.
“Mahal?”
Napatigil naman ang babae na tila nahimasmasan.
“Ma-hal? bakit may sugat ka?”
pagtataka ni Agnes habang nakapako ang tingin sa mga daplis sa braso ng asawa.
Bahagyang napayuko ang lalaki na mistulang nag-isip ng malalim.
“Huwag mo akong alalahanin mahal, ayos lang ako..... na-aksidente lang kanina sa trabaho”
mabilis na itinakip nito ang kanyang kanang braso sa kanyang sugat.
Napatingin muli ito sa mukha ni Agnes na bakas parin ang takot at pag-aalala.
“Mahal...may hindi ka ba sinasabi sa akin?”
biglang nanlaki ang mga mata ni Mariano ng marinig ang seryosong tanong mula sa kanyang asawa.
Ilang segundo din itong nag-isip bago tuluyang hinarap ang babae.
huminga ito ng malalim bago pa amn tuluyang ibuka ang bibig.
“Agnes........”
nagulat naman ang babae ng biglang hawakan ni Mariano ang kanyang mga kamay.
“Agnes may mahalaga akong sasabihin sayo.......”
Biglang napatigil si Mariano na tila nakaramdam ng mabigat na pag-aalangan
Napatunganga nalang si Agnes at pilit na inaabangan ang kung ano mang nais-sabihin ng kanyang asawa.