Chapter 8

1116 Words
Idinilat ni Agnes ang mga mata at tiningnan ang orasan, napansin nito na pasado alas dose na pala ng madaling araw. inilibot niya ang paningin sa loob ng silid at napansin na wala parin doon ang asawang si Mariano. maya-maya ay muli itong bumalik sa pagpikit at pilit na ibinabalik ang sarili sa mahimbing na pagtulog.   habang  unti-unting nawawala ang kanyang kamalayan ay muli itong napadilat.   Hindi niya alam ngunit ang wari niya ay tila may isang mabigat na bagay na bumagsak sa kanilang bubong. Muli ay ipinikit ni Agnes ang kanyang mga mga at inisip nalang na isa lang iyong sangga ng kahoy.   ngunit ilang sandali pa ay nangilabot si Agnes ng marinig ang mahihinang kalabog mula sa kanilang bubong. at sinundan iyon ng mahihinang ingay ng yero na tila gawa ng mga humahakbang na paa.   pilit na isina-walang bahala ni Agnes ang narinig ngunit napansin niya na tila lumalakas ang mga kalabog na iyon. dahil doon ay bahagyang napabangon si Agnes mula sa kanyang kinahihigaan.   sa pagdilat niya ay napansin niya ang isang tila malambot na pisi ang lumalakbay sa kanyang tiyan. una ay tinitigan niya lang ito at bahagya pang sinuri ang nasabing bagay.    ngunit nanalaki ang mga mata niya ng makita ang biglang pag-galaw nito.   “Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!!” sigaw niya habang inaalis ang mahabang pisi na mistulang yumayapos sa kanyang tiyan.   Ng mahawakan iyon ay mas lalo pang dumiin ang kanyang tingin sa nasabing bagay, kahit na takot ay nasuri parin nito ang anyo pisi , na kung titingnan sa malapit ay parang mahabang dila ng isang tao.   “Ahhhhhhhhh!” napa bangon bigla si Agnes at napatakbo palayo sa kanyang higaan.   mabilis niyang pinaandar ang lahat ng ilaw sa kanilang silid upang makita ng husto ang mga nangyayari. tumingala ito sa bubong at nakita na doon pala nanggaling ang nakalawit na pisi. napatakip ng bibig si Agnes at napaatras.   ng maya-maya pa ay muling humaba ang pisi,  para itong manipis na ahas na gumagalaw palapit sa kanya at  tila sumesentro pa sa kanyang sinapupunan.   doon na napasigaw ng malakas si Agnes.   “Ahhh! tulong.... Nay! “ hindi nagtagal ay muling umangat ang pisi at bumalik iyon sa may bubong. Mariin namang sinundan iyon ng mga mata ni Agnes.   Napa-upo bigla ang babae sa sahig na hindi parin maka paniwala sa nakita. sa isang sulok ay nahagip ng mga mata ni Agnes ang isang bukas na bintana.   at doon ay natanaw nito ang isang malaking paniki  na lumilipad palayo sa kanilang tirahan. ngunit ang  labis na ipinagtataka ni Agnes ay ang kakaibang anyo ng paniniking iyon.   Ang malaking sukat ng katawan, ang kulay ang liksi at galaw na tila hawig sa anyo ng isang tao............   Napayakap nalang sa sarili si Agnes habang isinisiksik ang kanyang katawan sa tabi ng kama. ilang sandali pa ay nabigla nalang ito ng magbukas ang pinto.   “Agnes? Agnes anong nangyari?” nangangambang tanong ni Tess.   “Nay!” biglang napatayo si Agnes at napayakap sa matanda.   “anong...nangyari?” muling tanong ng matanda.   “Halimaw! may halimaw!,,,,gusto niyang patayin ang anak ko nay!” nanginginig na sambit Agnes habang tuluyan ng napaluha.     ..................................     Madaling araw na ng maka-uwi si Tonyo mula sa kasiyahan mula sa kabilang bayan, pa ekis-ekis pa ang hakbang nito habang tinatahak ang kanilang malawak na bakuran.   “Alak pa! “ sigaw nito na tila wala na sa tamang uliran. ng makalapit na sa kanilang bahay ay may nakita itong isang aso.   napahinto bigla si Tonyo ng makita iyon, bahagya siyang namangha sa kulay itim na balahibo ng nasabing hayop, ngunit ang labis na ikinagulat niya ay ang dambuhalang anyo nito.   Anyo na maihahalintulad sa laki ng isang normal na tao......   “Pssttttttt...........Black! Blacky!! come come doggy...” napangiti pa si Tonyo habang  tinatawag ang aso.   humarap naman ang nasabing hayop at tila napansin ang tawag nito.   Una ay natuwa pa ito sa pagsunod ng hayop, bahagya pang umaliwalas ang kanyang mukha sa labis na pagkamangha sa aso. ngunit kalaunan ay unti-unting nagbago ang ekpresyon ng mukha ni Tonyo.   “Hayop....Ha...Halimaw!!” sigaw nito ng mapansin ang namumulang mata at matatalim na pangil ng kakaibang hayop na iyon.   Habang papalapit ang hayop ay patuloy naman ang panginginig ng kanyang tuhod.   “Huwag kang lalapit! hindi mo ako kaya? malakas ako! aso ka lang!” pagbabanta nito, habang mas lalo pang tumitindi ang kabang nararamdaman.   bigla niya naalala ang itak sa kanyang likod, na lagi niyang dala-dala. at ng makita ang distansiya niya mula sa hayop ay mahigpit niyang hinawakan ang kanyang itak at itinutok sa mukha ng aso.   Ngunit mas lalo lang naging agresibo ang aso dahil doon. ilang saglit lang ay mabilis na sumugod ang hayop at biglang nahagip ng matatalim na ngipin ng hayop ang pantalon niya.   “Tsupe! Tsupe! bitawan mo ako!” sigaw ni Tonyo habang pilit na sinisipa ang aso.   ngunit hindi natinag ang hayop kaya, sinamantala nalang ni Tonyo ang pagkakataon upang iaangat ang itak na hawak nito.   “Ayaw mo ha! pwes Adobo ka ngayon!!” matapang na sambit nito   ngunit bago paman magawang tagain ni Tonyo ang aso ay agad itong bumitaw sa kanyang pantalon, ganun paman ay sinikap parin niyang tamaan ang aso ng kanyang itak.   Hindi din nabigo si Tonyo dahil bahagya niyang nadaplisan ang aso sa may bandang braso bago ito tuluyang nakalayo.   “Ulol!! asong ulol!! Olats ka pala ehh..........” sigaw ni Tonyo at napahalakhak pa ng malakas habang pinagmamasdan ang tumatakbong aso.   “Hindi mo ako kaya! aso ka lang!” muling sigaw nito.   ...............................     habang naglalakad papasok ng kanilang  bahay ay biglang napansin ni Tonyo na bukas ang pinto nito. sa isang iglap ay biglang bumalik ang kanyang katinuan. napakunot noo nalang ang lalaki, at biglang nakaramdam ng kakaibang kaba.   Iginala niya ang paningin sa paligid, at napansin na tila magulo iyon.   Dahil sa pangamba, ay pinilit na inihakbang ni Tonyo ang kanyang mga paa. papasok ng bahay.   nang makapasok ay bumulaga dito ang kakaibang katahimikan na bumabalot sa loob ng kanilang tahanan.   “Martha?” Sigaw nito habang tinatahak ang daan patungo sa silid nilang mag-asawa.   Ilang hakbang nalang ay biglang nahagip nito ang bukas na pintuan ng kanilang silid,   Ilang marka ng pulang likido ang napansin niya sa may pintuan na siya namang labis niyang ikinabahala.   “Dugo???” nanginginig na tugon nito.   dala ng matinding takot ay wala itong sinayang na panahon, mabilis na humakbang ito papasok sa loob,   pagkapasok niya sa pintuan ng kanilang silid ay biglang nanlambot ang kanyang mga tuhod. Nanuyo ang kanyang mga kalamnan. at bahagyang namanhid ang kanyang buong katawan.   at maya-maya lang ay.   “MARTHA!!......................”   sigaw nito habanag napaluhod pa sa tabi ng duguang  bangkay ng kanyang asawa.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD