Chapter 7

807 Words
  Nagising si Tess sa nakakasilaw na liwanag, mula sa kusina ay nakarinig din ito ng mga mahihinang kalampag ng pinggan at kaldero. agad naman itong bumangon at tumungo sa kusina. mula doon ay nakita niya si Agnes na abalang-abala sa pagluluto ng agahan.   “Anak ako na diyan, at magkape ka muna....” tugon nito   “nay ako na po....gusto ko sanang surpresahin si Mariano, ipinagluto ko po siya ng paborito niyang nilaga” masayang sambit ni Agnes habang, abala sa pagluluto ng nasabing ulam.   “Ah, baka, tanghali na magising si Mariano hija, sayang naman iyang niluto mo,. gabi narin kase siya nakauwi at tila masama pa ang pakiramdam” sabi ni Tess.   “May sakit si Mariano Nay?” tanong ni Agnes na bakas ang pag-aalala sa mukha.   Napatigil naman si Tess na tila nagulat din sa nasabi   ......................................   Isang malambot na labi ang biglang naramdaman ni Mariano na dumampi sa kanyang pisngi, sa pagdilat niya ng kanyang mga mata ay agad niyang nasilayan ang magandang mukha ng asawa.   “Magandang umaga mahal” malambing na bati ni Agnes na niyakap pa ang asawa   napangiti naman si Mariano at hinawakan ang kamay ng babae. “bakit parang masayang-masaya ka?” nakangiting tanong nito.   “Wala lang, nasasabik lang akong makasama ka, ilang araw ka ring nasa trabaho... sabi ni nanay may sakit ka daw?” biglang hinawakan ni Agnes ang noo ng asawa.   “Wala... ayos lang ako, nakita na kita eh” malambing na sabi ni Mariano.   “Ikaw talaga! binibiro mo pa ako, sige na bumangon ka na at ipinagluto kita ng paborito mong nilaga.” tugon uli ni Agnes.   napangiti naman si Mariano at dali-dali pang bumangon sa kanyang kama. at nang makabangon ay napatitig bigla si Agnes sa asawa.   “mahal may problema ba?” pagtataka ni Mariano ng mapansin ang kakaibang titig ni Agnes.   “Mar....Mariano? bakit may mga pasa ka?” tanong ng babae.   ........................................   “Hi manang Tess!! good morning!” pasigaw na bati ni Martha.   “Oh, bat napadaan ka?” gulat naman na tanong ni Tess.   “I bring you pansit! i heard kase paborito daw ni Agnes ito” sabi ni Martha sabay abot ng isang supot na pansit kay Tess. “naku salamat at nag-abala ka pa” nakangiting sabi ni Tess.   “No problem, eh alam mo namang super close na kame ni Agnes di ba? Teka...Teka!” biglang nabaling ang atensyon ni Martha kay Mariano na papalabas palang ng kanyang silid.   “Oh Mariano! Long time no see! kahit magkapitbahay lang tayo noh?” sabik na tugon ng babae.   Lumapit naman dito si Mariano at napangiti   “kumusta na po aling Martha? mukha gumaganda kayo ha?” pabirong tanong ni Mariano.   bahagya namang namula si Martha bago tumugon.   “ganun naman talaga siguro pag buntis, alam mo na dapat laging fresh...” masayang sabi nito habang hinimas-himas pa ang kanyang tiyan.   napakunot noo naman si Mariano habang mariin na tinitigan ang tiyan ni Martha.   “may problema ba Mariano?” pabulong na tanong ni Tess sa anak.   “Ahh...wala. congratulations po aling Martha” nakangiting tugon ni Mariano, habang iniiwas ang paningin sa buntis na ginang.     .................................     “Ano na ang balita sa iyong maghahanap anak? nakita mo na ba ang itinakda?” tanong ng matandang lalaki sa kanyang anak.   Marahan namang tumingin ang babae sa matanda bago tumugon   “Opo ama, alam ko na kung nasaan siya, ngunit hindi ko maipapangako na madadala ko siya dito sa lalong madaling panahon” napayuko bigla ang babae pagkatapos bigkasin ang malungkot na balita   napakunot noo naman ang matanda sa sinabi ng kanyang anak.   “Wala ng oras anak, nalalapit na ang aking pagpanaw, ako’y mahina na at kailangan na ng isang bagong pinuno na siya’ng maglilingkod sa ating mga kalahi” seryosong tugon ng matanda habang nag-iisip at hindi mapakali.   “mahina ang sinasabi mong itinakda ama! wala siyang kapasidad upang maging isang mahusay na pinuno...” pormal na sabi ng babae   isang malungkot na ekpresyon naman ang gumuhit sa mukha ng kanyang ama. “ Hindi maari ito! siya ang itinakda ng lahi! at tanging siya lang ang makakasalba sa atin..” sambit ng matanda na may halong kalbaryo sa kanyang tinig   “.Pero may isa pang kauri ang maaring pumalit sa trono niya ama!” sambit ng babae habang mariing nakatitig sa kanyang ama.   Nabaling naman ang tingin ng matanda sa babae, habang bakas ang labis na pagtataka sa mukha nito.   “Kung hindi siya ang nararapat maging pinuno ng lahi....sino?” naguguluhang tanong ng matanda.   Tumingala muna sa ulap ang babae, ilang saglit din itong nag-isip bago tumugon sa tanong ng matanda.   “Ang kanyang anak.....siya nalang ang ating pag-asa ama!” bigla namang nagliwanag ang mukha ng matanda ng marinig ang misteryosong katagang binanggit ng babae.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD