Chapter 6

1235 Words
MAKALIPAS ANG LIMANG BUWAN   “Inumin mo na itong gamot mo Agnes” tugon ni Tess ang iniaabot ang  tableta at isang basong tubig kay Agnes.   “Salamat po nay....” napangiti naman si Agnes habang hinihimas ang kanyang lumalaking tiyan   maya-maya ay naupo bigla si Tess sa tabi nito. “Nasasabik na ako sa pagsilang ng aking apo, sana ay maging kasing ganda mo siya” nakangiting sabi ng matanda.   “Ako rin nay, sabik na sabik na akong makita ang anak namin ni Mariano,. akala ko hindi ko na siya masisilayan pa, pero salamat sa Diyos at nabigyan pa ng bagong pag-asa ang anak ko” tugon ni Agnes   Napangiti muli ang matanda   “Sige, uminom ka nalang lagi ng tableta, sabi ng manggamot sa bayan ay mainam daw iyan upang maging malusog ka, pati na rin iyang sanggol na dala-dala mo” seryosong sambit ni Tess.   “opo nay, salamat..” napangti nalang si Agnes.   Mula sa malaking bintana ay tanaw na tanaw ni Agnes ang labasan, napansin nito ang mga kapitbahay na tila abala sa kani-kanilang mga gawain. maya-maya ay nagulat nalang sina Tess at Agnes ng marinig ang malalakas na sigawan mula sa labasan, mula doon ay natanaw nila ang mag-asawang Tonyo at Martha na masayang nakiki-usyoso sa ibang residente ng kanilang lugar.   “Maligayang araw mga kabaryo, nais ko muna humingi ng kaunti oras upang iparating ang aking kagalakan...” malakas na bigkas ni Tonyo. pagkatapos noon ay sunod-sunod na ang mga bulungan sa paligid. ang lahat ay tila nagtataka sa kung ano man ang nais ipahiwatig ni Tonyo.   “Mga kabaryo! nais kong ipaalam sa inyo na... nabuo na ang aming pangatlong anak ni Martha!” sambit ni Tonyo habang abot tenga ang ngiti.   “Talaga Tonyo? naku... isang biyaya na naman ang ipinagkaloob sa inyo ano? napaka swerte nyo talagang mag-asawa” sambit ng isang babaeng residente   “Akala ko nga, hindi na namin masusundan si Nonoy! mabait talaga si Lord, at binigyan uli kami ng bagong bunsoy!!” masayang tugon naman ni Martha habang napayapos pa sa bisig ng asawa.   Bumungad sa paningin nila Agnes ang mga nagsisilabasang mga kapitbahay na tila hindi din maikubli ang tuwa sa magandang balitang dala ng bagong sanggol nila Tonyo at Martha.   Nakadungaw lang sa bintana si Tess, at napangiti nalang dahil sa labis na tuwa dahil sa bagong biyaya na dumating sa mga kapitbahay.   Habang tahimik na nakaupo ay biglang napahigpit ang hawak ni Agnes sa kanyang tiyan. napakunot noo ito at pinakiramdaman ang sakit na tila nagmumula doon.   sa isang iglap ay biglang naagaw nito ang atensyon ni Tess.   “Agnes? ayos ka lang ba?” pag-aalala ni Tess na napatayo pa sa kanyang upuan.   Hindi naman naka-imik si Agnes na tila hindi parin maikubli ang kakaibang nararamdaman.   “Ahhhh! Aray! Nay”   “Agnes? anong nangyayari? sumasakit na naman ba?” sa takot ay biglang napalapit ang matanda at pilit na inakay si Agnes.   nagulat si Tess sa biglaang pamumutla ng babae,  ngunit hindi nagtagal ay nasundan din ito ng isang matamis na ngiti.   “Ayos ka lang?” muling tanong nito   “Ang anak ko! sumisipa ang anak ko nay!” masayang sabi ni Agnes habang hinihimas ang kanyang tiyan.   ...................................   madilim ang paligid, ngunit kalmadong tinatahak ni Mariano ang kalsada pauwi sa kanilang tirahan, napa tingala si Mariano sa langit at agad na nakita nito ang bilog na buwan. ngunit hindi sapat ang liwanag na dala noon upang mailawan ang madilim na paligid.   patuloy lang sa paglalakad si Mariano ng biglang nakarinig ito ng mga kaluskos na nagmumula sa mga makakapal na damuhan. Napahinto ito sa paglalakad,  at kasabay ng kanyang pagtigil ay nahinto rin ang mga kaluskos na tila sumusunod sa kanyang likuran.   dahan-dahan siyang lumingon at sa hindi kalayuan ay  natanaw niya ang isang naka itim na babae.   Hindi na pinansin iyon ni Mariano bagkus ay nagpatuloy lang sa paglalakad. ngunit ang labis na ipinagtaka niya ay ang marinig ang mga yapak ng paa na tila sumusunod sa bawat hakbang niya. maya-maya ay muling lumingon si Mariano.   at sa kanyang paglingon ay muling bumulaga sa kanya ang naka itim na babae, at sa pagkakataong iyon ay nakatayo na sa hindi kalayuan mula sa kanya.   Tiningnan niya ang babae, at napansin na walang ekpresyon ang mukha nito, ngunit kapansin-pansin ang kanyang mga titig na siya namang nagdala kay Mariano ng isang matinding pagkakilabot.   “Sino ka?! bakit mo ako sinusundan!” sigaw ni Mariano ng hindi na maitago ang kaba.   “Mariano............” nanginginig na tawag ng babae sa pangalan niya.   “kilala mo ako?! sino ka ba ha? anong kailangan mo!” naguguluhang tanong ni Mariano.   humakbang pa ng kaunti ang babae, ngunit mabilis na nakaatras si Mariano.   “Anong kailangan mo?!” sigaw ng lalaki   ilang saglit ay nagulat nalang si Mariano ng biglang puminta ang kalungkutan sa mukha ng babae.   “Kilala mo ako Mariano, dahil ako ang sanhi ng pagdurusa mo, at tanging ako lang ang makakaligtas sayo... Mariano sumama ka sa akin! hayaan mong mabuhay ka ng payapa at walang kinatatakutan, kaya kitang gabayan sa lahat ng bagay na hindi mo pa alam” isang misteryosong kataga ang lumabas sa bibig ng babae.   “Hindi............Hindi kita kilala! layuan mo ako!” gigil na sambit ni Mariano.   “Pakiusap Mariano,. sumama ka sa akin. Kung nais mong mabuhay ng payapa, ako at ang aking mga kalahi ang tunay mong pamilya kami ang gagabay sayo Mariano” pagmamaka-awa ng babae.   “Hindi... Hindi!! ahhhhhhhhhh!” napasabunot si Mariano sa kanyang buhok,   “Hindi mo kailangang magdusa, kung nanaisin mo lang........” pagpapatuly pa ng babae   hanggang sa maya-maya ay napa-upo na ng tuluyan si Mariano sa lupa.   “layuan mo ako! ahhhhh!!” napahawak bigla si Mariano sa kanyang sikmura ng maramdaman ang kakaibang sakit na nagmula doon. sakit na tila lumalakbay mula sa kanyang tiyan papunta sa kanyang ulo.   “Sumuko ka na Mariano, yan nalang ang tanging magagawa mo.” mahinang sabi ng babae.   “Hindi! ahhhhhhh!” sigaw ni Mariano habang pilit na nilalabanan ang sakit na nararamdaman, ngunit ilang saglit lang ay  tuluyan na rin itong nanghina at napahiga sa lupa.     ..................................     Tulog na ang karamihan, ngunit dilat na dilat parin ang mga mata ni Tess. nakatingin ito sa malawak na bintana habang inaantay ang pag-uwi ng anak. biglang tumawag sa kanyang pansin ang malaki at bilog na buwan na kitang-kita mula sa malaking bintana.   “Awhooooooooooooooo!!”   hindi maiwasan ni Tess ang mangilabot ng marinig ang kahol ng mga aso. nagawa din nitong sumilip sa bintana, ngunit  wala naman siyang nakitang ibang tao.   Naupo nalang sa gilid si Tess, habang pilit na inaalis ang kaba at takot na nararamdaman habang nakikinig sa kakaibang kahol ng mga aso.   maya-maya ay nawala narin ang mga ingay... at sa oras na iyon ay bahagyang pumayapa ang pag-iisip ni Tess.   ngunit ilang saglit lang ay.............   “Ahhhhhhhhhhhhhhhh!!”   “MARIANO?!’   nanlaki ang mga mata ni Tess, at napatayo pa sa kanyang upuan. sa pagkakataong iyon ay sigurado siyang hindi na inggay ng aso ang kanyang naririnig.   kundi sigaw ng isang tao..........   sigaw na nakakatakot..............   muli namayani ang pangamba sa isip ni Tess at muling naalala ang anak na si Mariano, sa huling pagkakataon ay ibinaling niya ang kanyang paningin sa bukas na bintana.   at nagulat ito ng muling masilayan, Ang nakaitim na babae na tila nakatitig din sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD