Kumuha ng isang basong tubig si Tess at iniabot iyon kay Mariano na kasalukuyang naka upo sa kanilang sala.
malalim ang iniisip ng lalaki na tila may pinapasan na malaking problema.
“Anak, meron bang gumagambala sa iyo?”
tanong nito habang hinihimas ang likod ng anak.
“Napanaginipan ko na naman siya nay,...si mama”
mahinang tugon nito.
Bigla namang bumakas ang pag-aalala sa mukha ng matanda.
“Huwag mo nang masyadong isipin iyon Mariano,. kailangan mong maging matatag, kailangan mong kalimutan ang masaklap na pangyayaring iyon anak”
malumanay na sambit ni Tess.
Inilatag naman ni Mariano ang isang basong tubig sa lamesa at mabilis na humarap sa ina.
“Paano nay? Paano ko kakalimutan ang isang panyayari na siyang sumira sa buhay ko?”
“Anak.............”
“Habang nabubuhay ako, hindi ko maaring kalimutan nalang kung paano pinatay ng halimaw na yun ang mga magulang ko! kinasusuklaman ko sila nay...”
mahina ngunit galit na tugon ni Mariano.
“Anak....hindi ka matatahimik kung mabubuhay ka lang sa poot, kalimutan mo na ang nakaraan, bagkus ay harapin mo ang iyong sitwasyon ngayon. Ibaling mo ang iyong atensyon sa iyong mag-ina...
anak, marami ka pang kakaharapin... tandaan mo na habang nabubuhay ka sa galit ay lalo lang tumitindi ang paghihirap na nararanasan mo!”
isang malalim na pangamba ang pumasok sa isipan ni Tess.
Napatingin nalang si Mariano sa uliran at bahagyang nag-isip.
“Hindi ko alam kung bakit kailangan kong pagdaanan to nay, Hindi ko alam kung bakit ko pa naalala ang mga bagay sa aking nakaraan...pero sana nga ganun nalang kadali ang makalimot...sana ganun nalang kadali ang pagpatawad”
malamig na tugon ni Mariano.
.............................
Habang naghahanda ng pagkain ay agad na bumulaga kay Agnes ang tila masayang aura ni Mariano.
napangiti nalang si Agnes ng makita ang kalagayan ng asawa.
Isang buong gabi din niyang pinag-isipan ang mga bagay na maaring gumagambala dito,
at ngayon ay nagpapasalamat nalang siya ng makitang tila maayos na uli ito.
“Handa na ang almusal mahal”
inilatag ni Agnes ang pinggan na may lamang gulay at kapirasong itlog.
tiningnan naman ni Mariano ang pagkain habang bakas parin ang pagka giliw sa mukha.
“salamat mahal”
sabi nito sabay yakap sa asawa.
napangiti naman si Agnes habang ginugulo ang buhok ng lalaki.
“Bakit ang lambing mo ngayon ha?...ano bang meron?”
tanong ni Agnes na may halong pagtataka.
“Wala...na miss lang kita,”
biglang hinawakan ni Mariano ang tiyan ng asawa.
“Nasasabik na akong makita ang anak natin mahal...”
malambing na sabi ng lalaki.
“Ano ka ba mahal, isang buwan palang ang anak natin...matagal-tagal pa tayong mag-aantay sa kanya”
Natatawang sabi ng babae.
“Basta...nasasabik na akong maging ama, gusto ko nang makopmleto ang inaasam nating pamilya”
sambit ni Mariano na mas diniinan pa ang pagkayakap sa asawa
“Kumain ka na at may trabaho ka ngayong umaga di ba?”
napangti lang si Mariano habang inumpisahan na ang pagkain.
Napatingin lang si Agnes sa asawa at muling sinuri ang mukha nito.
“Masaya ako dahil maayos ka na mahal,..nag-alala kase ako kagabi”
mahinang sabi nito.
nabigla naman si Agnes ng mapatingin si Mariano sa kanya , at nagtaka ito ng mapansin ang pag-iba ng ekpresyon ng mukha ng asawa.
“Huwag mo na akong alalahanin Agnes, ang mahalaga naman ay andito ako di ba? at pilit kong kinakalimutan ang lahat....”
isang misteryosong tugon ni Mariano.
..............................
Habang namimili ng gulay sa talipapa sina Tess at Agnes ay biglang lumapit sa mga ito ang kapitbahay nilang si Martha na kasama ang asawa nito at ang kanyang maliit na anak.
“Hi, mommy at Agnes right?”
“Magandang araw po aling Tess, Agnes”
bati ng mag-asawa sa kanila.
ngumiti lang si Agnes sa mga ito at pinagpatuloy ang pamimili.
“kumusta na pala ang mga manok mo Tonyo?”
tanong ni Tess
“ayos na, aling Tess, inilipat ko na sa mas matibay na kulungan, nagdagdag narin ako ng mga ilaw ng sa ganun mas mabantayan namin ang aming mga alaga”
paliwanang ni Tonyo.
“hay, that manok killer is so creepy ha...hai naku, buti nga manok lang yung inaatake at hindi kami!”
biglang singit ni Martha sa usapan.
Maya-maya pa ay nagulat sila ng makarinig ng isang malakas na sigaw.
“Tulong!!”
napansin nila ang tumatakbong babae na akay-akay ang isang duguang bata.
“Tulungan niyo ako!”
nabaling bigla ang atensyon ng mga tao sa babae at sa batang dala nito.
“oh my gosh!”
sigaw ni Martha habang tinuturo ang batang bitbit ng babae.
napatingin din doon si Agnes,
at nanlaki ang mga mata nito ng makita ang walang malay na bata at wakwak pa ang tiyan nito na tila tinanggalan ng mga lamang loob.
“Tulungan niyo ang anak ko!!”
muling sigaw ng babae
Hindi na nila nakita ang sumunod na nangyari ng biglang dumagsa ang maraming tao na naki-usyoso din sa nangyayari,
huling napansin naman ni Agnes ang isang papalapit na tricyle at doon isinakay ang bata.
Tila nanlambot ang mga tuhod niya at hindi makapaniwala sa nakita.
“Umuwi na tayo Agnes,.”
tugon ni Tess na naginginig din ang boses.
Tumango lang si Agnes bilang tugon ngunit hindi parin maialis sa isipan ang nangyari.
Hindi na sila nakapag paalam sa mag-asawang Martha at Tonyo dahil sa labis na pagmamadali ni Tess na halos makaladkad na si Agnes sa lakas ng pagkahatak nito.
habang naglalakad palayo ay tahimik lang na nakikinig si Agnes sa mga usap-usapan sa paligid.
“ano kayang nangyari sa batang iyon?”
Tanong ng isang tindera
“Oo nga, nakakatakot....parang hindi tao ang gumawa!”
sabat naman ng isang lalaking katabi niya.
“Paano kung hindi nga tao? parang imposible kase“
“Anong ibig mong sabihin?”
“mga Aswang! sila lang ang may kakayanang gumawa ng ganun ka brutal na krimen!”
tugon ng tindera sa nakakapangilabot na tono.
Pagkatapos marinig ang usapan na iyon ay napahinto si Agnes sa paglalakad,
napansin naman iyon ni Tess at napahinto din.
‘Agnes, bakit?”
pag-aalala nito.
napakunot noo naman si Agnes, hindi niya alam ngunit tila bigla siyang nakaramdam ng sakit.
napahawak siya sa kanyang tiyan, at pinakiramdaman ang hapdi na tila nanggagaling doon.
“Ahhhhhhhh!!”
Biglang napasigaw si Agnes habang hawak-hawak ang kanyang tiyan
“Agnes!”
nanlaki nalang bigla ang mga mata ni Tess ng mapansin ang mga sariwang dugo na dumadaloy mula sa itaas ng bestida ni Agnes.