Hating gabi na, ngunit isang mag-anak ang masayang naglalakbay sa madilim na kalsada palabas ng baryo.
kasalukuyan nilang tinatahak ang daan pauwi sa kanilang tirahan.
Madilim ang kalsada at tanging ilaw lang ng sasakyan ang nagsisilbing liwanag sa kanilang dinadaanan.
Ilang saglit pa ay napahikab ang lalaki na siyang nagmamaneho ng sasakyan, katabi niya ang kanyang kabiyak na tahimik lang at halatang pagod na pagod dahil sa abala ito sa kakatapos lang na selebrasyon sa kanilang pinagmulan.
sa likod naman ng sasakyan ay mahimbing na natutulog ang kaisa-isa nilang anak.
Napangiti nalang ang lalaki, pilit niyang idinilat ang kanyang mga mata upang makapagmaneho ng maayos at maiuwi ng ligtas ang kanyang mag-ina.
Sa kalagitnaan ng biyahe ay nagulat ang lalaki sa biglaang pagtirik ng sasakyan,
“Ohhhhh!!”
nanlaki ang mga mata niya, at nagulat sa sinapit ng kanilang sasakyan.
“Mahal, anong nangyayari?”
kabadong tanong ng kanyang asawa.
“Hindi...Hindi ko alam”
pilit na pinaandar muli ng lalaki ang sasakyan, ngunit bigo siyang magawa ito.
Luminga-linga ang lalaki sa paligid at napansin na natigil pala sila sa gitna ng kalsada.
walang ni isang gusali o bahay ang paligid na napapalibutan lamang iyon ng mga puno at makakapal na damuhan.
“Nasiraan ata tayo...”
pangamba ng lalaki.
“Ano? paano yan? eh wala pa namang malapit na pagawaan dito...”
tensyonadong sambit ng babae habang ang mga mata ay iginagala sa madilim na paligid.
Ilang saglit silang natahimik na tila nag-iisip ng solusyon upang maka-alis sila sa lugar na iyon.
“Mama.... Papa....”
napalingon ang mag-asawa ng marinig ang boses ng kanilang anak na tila naantala din ang mahimbing nitong pagtulog.
“Anak, matulog ka muna ha...maghahanap lang ng gas si papa”
malambing na sabi ng babae.
tumango naman ang bata at muling ipinikit ang mga mata.
“mahal, lalabas lang ako, baka may makita akong malapit na bahay...baka pwede tayong makiusap na makituloy muna”
pagpapa-alam ng lalaki.
“Hindi ba’t delikado mahal? napakadilim...mabuti pang antayin nalang natin ang liwanag”
pag-aalala ng kanyang asawa.
“Babalik ako ha, hayaan mo at siskapin kong makahanap ng tulong”
hindi naman nagpa pigil ang lalaki
mabilis na kinuha nito ang flash light sa loob ng sasakyan at tuluyan ng lumabas ng sasakyan.
.........................................
Naiwan naman sa loob ng sasakyan ang babae at ang kanilang anak,
ilang minuto ding namayani ang katahimikan.
at dahil doon ay biglang pumasok sa isip ng babae ang hindi maipaliwanag na pangamba.
Ilang sandali ang lumipas ay isang nakakasindak na kaluskos ang narinig niya.
isang nakakapangilabot na ingay na tila nagmula sa mayabong damuhan.
Piglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib, hindi niya maunawaan ngunit pakiramdam niya ay mga matang nakamasid sa kanya sa hindi kalayuan.
“mahal? mahal nasaan ka na?!”
sigaw ng babae ng maalala asawa.
ngunit wala itong nakuhang ano mang tugon mula sa asawa.
Ibinaling niya ang paningin sa bata na mahimbing paring natutulog sa loob ng sasakyan,
at pagkatapos noon ay isang malamig na hangin ang imihip mula sa bukas na bintana ng sasakyan.
“Mahal, bumalik ka na!”
nanginginig na sigaw nito.
ngunit mas tumindi lang ang kaba niya ng sa muli ay wala itong nakuhang tugon mula sa lalaki.
maya-maya habang nag-aantay sa asawa ay napatalon ang babae sa kanyang upuan ng marinig ang kalabog mula sa itaas ng sasakyan.
“Mahal?”
napahawak nalang ito sa kanyang dibdib at pilit na pinapakawalan ang kabang nararamdaman.
napatingin ito sa harapang bintana.
at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang mga dumadaloy na kulay pulang likido na nanggaling sa bubong ng sasakyan.
maya-maya pa ay.
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!”
napasigaw ito ng makita ang duguang bangkay ng asawa na nalalag mula sa itaas ng sasakyan.
“Mahal? hindi! hindi!!!!”
muling napasigaw ang babae ng makompirmang iyon nga ang kanyang asawa.
Napako ang tingin ng babae sa duguang bangkay ng asawa, ngunit ganun paman ay hindi na nito maiwasan ang maalarma ng maramdaman ang matinding panganib na maaring pwedeng umatake sa kanya.
takot man, ay mabilis na lumabas ang babae sa sasakyan.
Isa lang ang bagay na nasa isip niya.
ang makalayo sa lugar na iyon...
pagkapanaog ay mabilis nitong binuksan ang likurang bahagi ng sasakyan at kinarga nalang ang natutulog na anak.
................................
Sa madilim na kalsada ay matulin na tumatakbo ang babae,Hirap man ay pinipilit parin nitong bilisan ang kanyang bawat hakbang habang karga-karga parin ang kanyang anak.
hindi niya alam ang kanyang patutunguhan.
Ngunit ang tanging nais niya ay ang maligtas ang buhay nilang mag-ina sa kapahamakan.
“mama?”
napatigil ang babae ng mapansin na gising na ang bata.
“Huwag kang maingay anak, Kailangan nating maka-alis dito!”
pabulong na sambit ng babae habang halata ang matinding takot sa nanginginig na boses.
Maya-maya lang ay napatigil sa pagsasalita ang babae ng makita ang isang hindi ordinaryong nilalang,
hindi kalayuan mula sa kinatatayuan nito.
Ang nilalang ay mistulang malaking hayop na hugis tao ang katawan,
mabalbon ang katawan at may mga matutulis na kuko.
kapansin-pansin din ang mapuputing pangil nito at ang kanyang mga nanlilisik na mata.
sa labis na kaba ay ibinaba nito ang kanyang anak.
habang hindi parin inaalis ang titig sa halimaw na ilang hakbang nalang ang layo sa kanila.
“Anak makinig ka kay mama, pag sinabi kong tumakbo ka, tumakbo ka ha...”
sambit ng babae sabay yakap sa anak.
“mama bakit po?”
naguguluhang tanong ng bata.
Ilang hakbang pa ang ginawa ng halimaw na siya namang nagpatindi sa takot ng babae.
“Basta sundin mo lang ang mama,.. para ito sayo anak...mahal na mahal kita”
at mas lalo pang humigpit ang pagyakap ng babae sa anak.
hanggang sa matanaw nalang nito ang halimaw na tila kaunting galaw nalang ay maabot na sila.
“anak takbo!!”
halos maitulak naman ng babae ang bata na napasigaw naman sa labis na takot sa halimaw ng makitang sumusugod na ito sa kanilang kinatatayuan.
Dahil narin sa takot ay napatakbo narin ang bata.
ng tuluyang makalapit ang halimaw ay agad na ginamit ng babae ang lahat ng kanyang lakas upang harangan iyon.
“tama na!, ako nalang wag ang anak ko! hayaan mo na siyang makalayo...”
pagmamakaawa ng babae.
.............................
naisipan ng bata ang magtago sa isang mayabong na damuhan,
mula doon ay tanaw na tanaw parin niya ang kanyang ina at ang halimaw na kausap nito.
naiyak nalang ang bata sa kanilang kalagayan.
“Mama........”
mahinang bigkas nito habang dumadaloy ang kanyang mga luha.
ilang saglit lang ay nanlaki ang mga mata ng bata ng makita ang ina na pilit na nakikipaglaban sa malaking halimaw.
doon ay tahimik niyang pinagmasdan ang ina at ipinagdasal nalang ang kaligtasan nito.
“Mama....”
ilang sandali pa ay napatakip ng bibig ang bata ng makita ang walang awang pagsakal ng halimaw sa kanyang ina.
ngunit wala siyang ibang magawa kundi ang pagmasdan nalang ito.
Tanaw na tanaw ng bata ang kanyang ina na pilit paring lumalaban, ngunit tila hindi nito kinaya ang lakas ng halimaw.
at sa isang iglap ay dumanak nalang ang dugo.
ipinikit ng bata ang kanyang mga mata.
at sa muling pagdilat ay agad na bumulaga sa kanyang paningin.
Ang nakahandusay na bangkay ng kanyang ina.................
............................................
“ mama!!!”
biglang napabangon si Mariano sa kanyang higaan habang punong-puno ng pawis ang buong katawan.
huminga ito ng malalim at napasabunot sa sarili.
Dahil sa ingay na nagawa ay bigla ding nagising si Agnes at agad na napansin ana asawa.
“Mariano? bakit??”
tanong ni Agnes habang bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.
“Wa...wala, masamang panaginip lang....matulog ka na Agnes.”
tugon ni Mariano na pilit na inaalis sa diwa ang pangamba.
“Sige, matulog ka na rin...”
sambit ni Agnes na nakatingin lang sa asawa.
Hindi niya alam, ngunit nararamdaman nalang ni Agnes na tila may kinatatakutan ang asawa.
sa ilang sandali na pagsuri ni Agnes sa asawa ay isang bagay ang napansin nito.
iyon ay ang mga luha sa mata ni Mariano.