Chapter 3

1064 Words
“Kanina ka pa ba nandiyan anak?” kabadong tanong ni Tess.   “Kakarating ko lang, seryoso ata ang pinag uusapan niyo ha” nakangiting sabi ni Mariano habang nilalatag ang dalang pansit sa lamesa.   Bigla namang tumayo si Agnes at kumuha ng isa pang pinggan, “Mabuti nalang at dumating ka na, saktong-sakto at kakain na” sabi naman ni Agnes.   habang nakatalikod si Agnes ay binalingan ng tingin ni Mariano ang ina, “Kukuha lang ako ng kanin, sige Mariano maupo ka na”   Bigla namang humakbang si Tess patungo sa may lutuan.   “Kumusta pala ang lakad mo?” tanong ni Agnes habang nilalatag ang pinggan sa harap ng asawa.   “Mahal, may trabaho na ako! buti nalang at kakilala ko yung may ari ng bigasan, na kumpare din nila papa” masayang tugon ni Mariano.   “Naku mabuti naman,..sige kumain ka na” napangiti narin si Agnes sabay upo sa tabi ng asawa.   ..............................     “Hi Mommy Tess! kumusta na?....balita ko bumalik na yung anak mo ha?, nga pala nakita ko yung asawa niya si Agnes ba yun? infairness flawless ha!” galak na tugon ni Martha   “Oo, kakarating lang nila kagabi,.. nasaan pala si Tonyo?” tanong ni Tess   “Ayun nag eemo sa kulungan ng mga manok niya!” tugon ni Martha na naka taas pa ang isang kilay   “bakit nag-away na naman ba kayo?’ pagtataka ni Tess   “No! of course, ewan ko ba! paano naman kase, tatlong manok niya na naman ang na torture kagabi! nakakadiri, pero nakakapagtaka din, alam mo yung parang may umatake sa mga alaga namin, na hindi ko alam ko ano!” naka kunot noong pahayag ni Martha.   Napaisip naman si Tess bago tumugon. “Ano bang nangyari sa mga alaga nyo?”   “Ayun, torture nga! as in bulwak ang mga lamang loob ng mga baby chicken namin! nakita nalang ni Tonyo ang mga katawan nila na nakakalat sa bakuran! grabe talaga....lakas ng trip ng mga tao, pati manok pinagdidiskitahan!” deretsong sabi ni Martha habang nakapamewang.   napansin naman ni Tess ang pag aalala sa mukha nito.   “Ikulong niyo nalang sa mas matibay na kulungan, maaring kaseng may mga tao na pinag-iinitan yang mga alaga niyo” seryosong tugon ni Tess sabay iwas ng tingin   .................................   Habang naglilinis ng bahay ay napansin ni Tess si  Mariano na nakaupo sa may sala. lumapit ang matanda sa anak at umupo sa tabi nito.   “May problema ka ba anak?” pag-aalala nito   “Meron nay,at kayo yun!” tipid na tugon ni Mariano. at ikinagulat naman iyon ni Tess.   “May nagawa ba ako anak?” tanong nito na may pagtataka.   “Narinig ko ang pinag-usapan niyo ng asawa ko, . alam kong binalak niyo sabihin sa kanya ang lahat!” seryosong bahayag ng lalaki.   sandali namang napatingin si Tess sa uliran.   “Patawad Mariano, ngunit natatakot ako para sayo! ayaw kong masira ang pamilya mo..pero yun ang dapat mangyari! dapat mong ilayo dito si Agnes ang ang magiging anak niyo!” takot na salaysay ni Tess.   “Nay, hindi....mag-sasama kami ni Agnes sa ayaw mo at gusto! bubuo kami ng pamilya, at mamumuhay kami ng masaya, yun lang naman ang gusto ko nay! mahirap bang unawain yun.....” tugon ni Mariano sa galit na tono.   napayuko nalang si Tess at tila nakaramdam ng matinding hiya. “patawad,. hindi nga pala ako dapat nakikialam sayo, patawad Mariano” biglang tumayo si Tess at naglakad palayo sa anak.   “Nay!” napahinto ito bigla ng muling marinig ang tawag ni Mariano.   “Patawarin niyo rin ako,. patawad kung hindi ako nakikinig sa mga bilin niyo, pero hayaan niyo sanang ayusin ko toh....hayaan niyong ako ang pagsabi kay Agnes ng buong katotohanan..” mahinang sambit ni Mariano.     ......................................     “Magandang umaga mahal,.” masayang bati ni Agnes sa asawa. inilatag niya ang tinimplang kape sa lamesa at inabot iyon sa asawa.   ‘Salamat, ah, Agnes...mamayang gabi ng ang umpisa ng trabaho ko, baka umaga na ako makakabalik, dahil walong oras yung shift,” paliwanag ni Mariano   “Naku...hindi ba mahirap yun? di ba mas maganda kung umaga ang oras ng trabaho mo?” pag-aalala ni Agnes   “Yun lang kase ang bakanteng oras, at wag kang mag-alala, mas malaki naman ng di hamak ang sahod ng mga pang-gabing mangagawa,. sapat na siguro iyon upang makaipon ako para sa panganganak mo” sambit ni Mariano habang hinahaplos pa ang mukha ng asawa.   ....................................................     Abala sa pagwawalis ng bakuran si Agnes ng mapansin niya ang isang naka itim na babae na nakatayo sa labas ng kanilang bakod. Napatigil naman sa ginagawa si Agnes at napatitig sa magandang mukha ng babae na sa wari niya ay nasa edad kwarenta pataas. biglang binalingan si Agnes ng matamis na ngiti ng babae, gumanti din ito ng ngiti ngunit ang ipinagtaka nito ay ng mapansin na tila may hinahanap ang babae.   “Mawalang galang na po, may maipaglilingkod po ba ako?” magiliw na tanong ni Agnes.   napatitig bigla ang babae sa kanya na mistulang sinusuri ang kanyang mukha.   “Ah, magandang araw sa iyo... meron pala akong binebentang mga kakain, naisip ko na baka gusto mong bumili” masuyong sabi naman ng naka-itim na babae.   agad naman napatitig si Agnes sa dala nitong basket. “Ah, pasensya na po..wala po kasi akong pera.” maaamong bigkas ni Agnes.   “Ganun ba, sige salamat...” tugon ng babae na nakatitig parin sa mukha ni Agnes.   “Ba...bakit po?” pagtataka nito.   “buntis ka ba hija?” nabigla si Agnes ng marinig ang tanong ng babae na nalipat naman ang tingin sa kanyang tiyan.   “Ah..eh...opo, paano niyo po nalaman?” alanganing tugon nito.   “Wala, nararamdaman ko lang....” isang kataka-takang bigkas ng babae.   “ganun po ba? sige pasok po muna ako” pagpapaalam nito.   “Napaka swerte mo hija, sigurado akong pag naging lalaki iyang anak mo ay magiging kawangis niya ang kanyang amang si Mariano” nakangiting salaysay ng babae.   Napako naman ang tingin ni Agnes sa babae, napakunot noo at halatang nagulat sa sinabi ng babae.   “Kilala niyo po ang asawa ko?” tanong ni Agnes na may labis na pagtataka sa boses. Isang tipid na ngiti naman ang iginanti ng babae, bago tuluyang tumugon.   “ Oo Agnes,. kilalang-kilala ko ang asawa mo..........” at isang misteryosong tingin ang ibinaling nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD