Chapter 2

1424 Words
Sa isang silid ay tahimik na inaayos ni Tess ang isang malaking higaan, habang abala sa kanyang ginagawa ay biglang pumasok si Mariano sa loob ng kwarto.   “Nay, ako na po ang tatapos niyan...magpahinga na po kayo” magalang na tugon ni Mariano.   “hayaan mo ng ako ang gumawa nito, hayaan mong pagsilbihan uli kita, tulad ng dati” biglang napangiti si Mariano ng marinig ang malambing na boses ng matanda.   “salamat nay, hindi parin kayo nagbabago” bigla namang humarap si Tess sa anak at nagulat si Mariano sa biglaang pagbago ng ekpresyon ng mukha nito.   “Obligasyon kita Mariano, kaya hindi mo na kailangang magpasalamat” tumango lang lang si Mariano at napangiti.   “Maganda siya, halatang galing sa Maynila” napakunot noo naman si Mariano sa narinig   “Sino po? si Agnes?” seryosong tanong nito.   “Oo, ang asawa mo,. ikinagagalak kong makilala siya, pero hindi ibig sabihin noon na magugustuhan ko siya para sayo Mariano” biglang naiba ang tono ng boses ni Tess.   Napakunot noo naman si Mariano at tila hindi inaasahan ang mga katagang iyon mula sa ina.   “pasensya na Nay, kung hindi ko naipag paalam ang tungkol sa amin ni Agnes, pero mabuti po siyang tao. sigurado akong magugustuhan mo rin siya” seryosong sagot ni Mariano.   “Alam ko...pero hindi ko alam kung tama itong pinasok mo anak,.hindi kita hinuhusgahan, pero sa tingin mo ba ay karapat dapat si Agnes para sayo?” tanong uli ni Tess na may pangamba sa boses.   “Nay.........” bago pa man maipagpatuloy ni Mariano ang sasabihin ay nagulat ito ng makita ang asawang si Agnes na nakatayo sa may pintuan ng silid.     ...................................     Isang magandang araw ang bumulaga kay Agnes, masarap sa balat ang sinag ng araw kaya naisipan nitong lumabas ng bahay upang pumunta ng hardin. Habang inanamnam ang kagandahan ng mga halaman at pananim ay biglang tumawag sa pansin ni Agnes ang malakas na boses mula sa kabilang bakuran.   “Hi, good morning! new neighbor ka?” biglang natanaw ni Agnes ang isang babae, na nasa edad kwarenta ngunit mas kapansin-pasin ang makapal na make-up nito sa mukha. Nakangiti ito, at sa hitsura niya ay mukhang mabait naman.   “Opo, asawa po ako ni Mariano.” nakangiting sagot ni Agnes.   “Oh, really? si Mar, nag-asawa na? how come?!!” napataas ng kilay ang babae na tila hindi parin makapaniwala.   “Pasensya na ha, na shock lang ako. Anyway ako pala si Martha. and you are??” pilyang tanong ng babae.   “Agnes po...”   “Oh, nice name bagay sa pretty face mo! anyway ang kinis mo girl ha...taga Maynila ka noh?” tanong ng babae.   “Opo...”   “Oh, I love Maynila, maganda diyan eh,,, pero sana one day makapunta ako dun. ahehe” pabirong sambit ni Martha   sasagot pa sana si Agnes ngunit bigla itong napatigil ng dumating ang isang lalaki at tumabi iyon kay Martha.   “Hoy ikaw, ginugulo mo na naman itong bagong kapitbahay natin, pasensya na hija ha.” pagpapa-umanhin ng lalaki.   “Sige mauna na kami ha, alam mo naman, it’s Sunday! it’s supermarket day!” sambit ni Martha habang hinihila palayo ng kasama niyang lalaki.   napangiti lang si Agnes habang pinagmamasdan ang dalawa. maya-maya ay tumambad mula sa loob ng bahay si Mariano.   “magandang araw mahal!” sambit nito, sabay halik sa kanyang pisngi.   “Sino yung kausap mo?” tanong ng lalaki.   “Kapitbahay natin si Martha at yung lalaki....” tugon ni Agnes   “si Mang Tonyo...tsa nga pala, pupunta lang ako sa bayan ha. nabalitaan ko kase na naghahanap ng trabahador ang isang Rice Mill doon,. pakikiusapan ko lang at baka pwede nila akong ipasok sa trabaho” sabi ni Mariano.   “O sige, bumalik ka kaagad ha” malambing na sabi naman ni Agnes.   “Siyempre naman, hayaan mo bibili ako ng pansit pagbalik ko ha.” biglang hinalikan ni Mariano ang noo ng asawa.     ...........................................     Kasalukuyang hinahanda ni Agnes ang hapagkainan, habang abala sa ginagawa ay hindi nito mapigilan ang tingnan si Tess na abala naman sa pagluluto ng ulam. Napatayo si Agnes sa isang sulok at ilang minuto ding tinitigan ang matanda, sa loob niya gusto niya sana itong kausapin, ngunit napansin niya na tila mailap ang matanda sa kanya.   “May kailangan ka ba?” nagulat si Agnes ng marinig ang boses ni Tess.   bigla namang nataranta ito at hindi malaman ang isasagot.   “Ahmmm. gusto niyo po bang tulungan ko kayo?” dahan-dahan na bigkas nito.   “Hindi na luto na ang ulam, kung gutom ka na mauna ka ng kumain” walang emosyon na tugon ni Tess.   “Aantayin ko nalang po si Mariano, siguro naman pauwi na yun” malumanay na sagot naman ni Agnes.   “Hindi natin masisiguro yan, mabuti pang kumain ka na, bawal kang magutom, alam mo naman na dala-dala mo yang anak ni Mariano di ba?” sabi ni Tess.   “Sige po” tipid na tugon ni Agnes habang unti-unti umuupo sa tabi ng lamesa.   ............................   “Bakit ka ba nawala Mariano? simula noong namatay ang ama mo, nawalan narin ako ng balita tungkol sayo” Tanong ni Kanor , na siyang may-ari ng bigasan na papasukan ni Mariano.   “Nakipagsapalaran po ako sa Maynila, pero mahirap din po pala ang buhay doon. kaya noong nakapag-asawa ako. Hindi na ako nagdalawang-isip na bumalik sa Baryo” pormal na sambit ni Mariano. “Ganun ba? kaya pala kailangan mo ng trabaho...pero hindi bale, dahil matalik kong  kaibigan ang ama eh...sayo ko na ibibigay ang bakanteng pwesto dito sa bigasan” masayang bigkas ni Kanor.   “Naku! salamat po... hindi po kayo magsisisi sa pag-kuha sa akin bilang trabahador niyo.” Hindi naman maitago ni Mariano ang tuwa sa narinig na magandang balita.   .......................................     Habang hinahanda ni Tess ang pagkain ay tumayo si Agnes at nag boluntaryong tumulong. “Ako na po diyan nay” bigla nitong kinuha ang bowl na bitbit ni Tess.   “sige ako na, kaya ko” pagmamatigas ng matanda   hindi na kumibo si Agnes at umupo nalang .   “sanay akong pinagsisilbihan si Mariano, bata palang yan ako na ang nag-aalaga sa kanya. Mapili ang batang iyan, ayaw ngang kumain pag hindi ako yung naghahanda ng hapagkainan” hindi naman inasahan ni Agnes ang pagsalaysay ni Tess.   “naikwento nga po ni Mariano yan sa akin, alam ko pong malapit kayo sa isat-isa kaya nga po, pinili niyang bumalik dito kesa manirahan sa Maynila, ng sa ganun po ay muli niya kayong makasama. at para makasama niyo rin ang magiging apo niyo” seryosong sabi ni Agnes. Napatitig naman sa kanya si Tess.   “hindi niya na ako kailangang alalahanin, matanda na ako, pero kaya ko pa ang sarili ko.. .alam mo Agnes, mas makakabuti ata na sa maynila na kayo magsimula ng inyong buhay mag-asawa. maganda naman doon di ba? at sigurado akong doon mo mas gustong manirahan”   ilang segundo ding namayani ang katahimikan, ngunit pinili din ni Agnes na basagin iyon.   “Ito po ay ayon sa gusto ni Mariano, kung saan po siya masaya, handa po akong sumuporta... alam ko pong nabigla namin kayo, pero sana bigyan niyo ako ng pagkakataon upang patunayan ang sarili ko, patunayan na karapat-dapat ako para sa anak niyo” biglang napayuko si Agnes.   napatulala naman si Tess at biglang napatitig sa malungkot na mukha ni Agnes,    “Pasensya na kung malamig man ang pakikitungo ko sayo,. Hindi ko nais na hadlangan ang kaligayahan ninyo ni Mariano,. nag aalala lang ako para sa anak ko Agnes. pero mas nag-aalala ako para sayo...” biglang inangat ni Agnes ang tingin sa matanda.   “Ano pong nais niyong sabihin?” seryosong tanong nito.   “Gusto ko lang panindigan mo ito Agnes., Hindi madali ang mundong pinasok mo, gusto ko lang maging handa ka sa kung ano man ang mangyari!” biglang nakaramdam si Agnes ng kakaibang kaba, habang pilit na inuunawa ang mga katagang sinasabi ng matanda.   “Hindi ko po naiintindihan,,,” biglang hinawakan ni Tess ang kamay ni Agnes.   “Agnes, ayaw ko sanang manggaling sa akin ito, pero bago pa man maging komplikado ang sitwasyon ay mas nakakabuti sigurong malaman mo na ngayon panag kung ano ang totoo...........Agnes.....” bago pa man maituloy ni Tess ang sasabihin ay nagulat silang pareho ng marinig ang malakas na boses na nagmula sa pinto.   “Nay!” natahimik nalang ang dalawang babae ng makita ang tila takot na takot na mukha ni Mariano.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD