Chapter 1

869 Words
Habang humaharurot ng takbo ang tricycle ay napahawak si Agnes sa braso ng asawang si Mariano.   Napatingin naman si Mariano sa mukha ng asawa at napansin ang pamumutla ng mukha nito.   “Manong, dahan-dahan lang po.” Sambit ni Mariano sa driver ng tricycle.   “Pasensya na po, magtatakip-silim na kase , delikado kase sa lugar na ito, kailangan kong makabalik agad sa bayan bago pa tuluyang dumilim” Paliwanag ng driver na tila bakas nga ang takot sa mukha.   Kinalabit naman ni Agnes ang asawa, ngumiti ito at pilit na itinago ang pangamba sa mukha.   “Ayos lang ako mahal. Huwag kang mag-alala” Malumanay na sabi ng babae sabay haplos sa kanyang tiyan.   Hinawakan naman ni Mariano ang kamay ng asawa upang masiguro na maayos ang kalagayan nito.   “Ayos lang ba ang anak natin?” Tanong ni Mariano habang nakatitig sa tiyan ng asawa.   Napangiti nalang si Agnes at tumango.   Malubak at tahimik ang daanan papasok ng Baryo. May iilang mga bahay sa lugar ngunit kapansin-pansin naman ang malawak na distansiya ng bawat isang tirahan. Halos natatakpan na ng kadiliman ang araw.   At kapansin-pansin na halos wala nang mga tao ang nasa labas ng kanilang mga tirahan.     ............   Gabi na ng marating ng mag-asawa ang lumang bahay nila Mariano na kung saan naninirahan ang ina nitong si Tess.   Isang malaki ngunit lumang tirahan ang tumabad sa harapan ni Agnes. Gawa lang ito sa kahoy at kaunting semento at ang desenyo ay nahahalintulad pa sa mga bahay noong panahon ng mga kastila.   “Maligayang pagdating sa ating tirahan mahal.” Malambing na sabi nito.   Napatango lang si Agnes habang nakangiti sa asawa.   “Hindi ko aakalain na makakabalik ako dito ang bahay na ito ay puno ng mga masasaya at malulungkot na alala ngunit noong dumating ka Agnes ay nakakita ako ng pag-asa na pwede pa akong mabuhay ng masaya at tahimik sa bahay na ito at ang nakikita ko ngayon ay ikaw at ako, mabubuhay tayo ng matiwasay. Dito tayo bubuo ng ating pamilya, Dito din natin tutuparin ang ating mga pangarap” Seryosong sabi ni Mariano.   Hindi naman naka imik si Agnes at napayakap nalang sa asawa.   Napatingin naman sa bahay si Mariano at napansin na madilim ang paligid noon.   “Pasensya ka na Agnes, marahil ay tulog na si nanay si Tess, Dito ka muna at hihiram lang ako ng lampara sa kapitbahay.” Pagpapa alam ni Mariano.   “Sige.” Tugon naman ni Agnes.   Mabilis namang tumakbo si Mariano sa katapat na bahay upang manghiram ng lampara. Naiwan naman si Agnes at hinayaan nalang ang sarili na namnamin ang malamig na simoy ng hangin.   ...................................   “Takda?” Nagulat naman si Agnes nang marinig ang isang mababaw na tinig.   Iginala nito ang paningin sa paligid at napansin na tila wala ng mga tao sa mga oras na iyon. Ngunit maya-maya ay nagulat nalang ito ng makita ang isang uugod-ugod na matanda na tila papalapit sa kanya.   Hindi niya alam kung saan ito nanggaling. Ngunit napansin nalang nito na tila ba ay papunta ito sa kanyang dereksyon.   “Tak-da” Muling sambit ng matanda.   Madilim man ay napansin naman ni Agnes ang mukha ng matanda. Payat na payat iyon at tila hirap na rin sa paglalakad sa labis na katandaan.   Ngunit ang labis na ipinagtaka ni Agnes ay ng makita na nakatitig ang matanda sa kanyang tiyan,  Huminto iyon sa kanyang harapan at mariin iyong tinitigan.   “May maipaglilingkod po ba ako?’ Magalang na tanong ni Agnes sa nangangambang boses.   Isang misteryosong ngiti naman ang ibinaling ng matanda na siyang labis naman ikinagulat ni Agnes.   “Ba-bakit po?” Hindi maiwasan ni Agnes ang magtaka ng makitang humahakbang ang matanda palapit sa kanya.   “Da-dayo! Ba-bata” Putol-putol na pahayag ng matanda, hindi naman agad naunawan ni Agnes iyon kaya napatingin nalang siya sa mukha ng matanda.   “Hindi ko po kayo maintindihan.” Tanong nito na pinilit pang ngumiti.   Maya-maya ay biglang isinuksok ng matanda ang sarili nitong kamay sa bulsa ng kanyang pantalon na tila ba ay may kung ano mang bagay na kinukuha mula doon.   “Iligtas mo ang bata!” Sambit nito sabay biglang inabot ng matanda ang isang itim na rosaryo kay Agnes.   Naguguluhan man ay kinuha din ni Agnes ang nasabing bagay.   “Rosaryo?” Tanong niya habang tinititigan ang itim na rosaryo.   Bago pa man makasagot ang matanda ay napatigil naman ito ng marinig ang malakas na sigaw ni Mariano.   “Agnes Agnes! Bitawan mo ang asawa ko!” Nagulat si Agnes ng hinila ng Mariano ang matanda palayo sa kanya.   “Mariano, ano ba nasasaktan siya!” Bigla namang inawat ni Agnes ang asawa.   “Ayos ka lang ba? sinaktan ka ba niya?” Tanong ni Mariano habang tinititigan ng mariin ang matanda.   “Oo,ayos lang ako Mariano.” Bigla namang niyakap ni Mariano ang asawa, habang ang mga mata ay mariin paring nakatitig sa matanda.   “Umalis ka tanda! huwag na huwag mo ng tangkaing lapitan muli ang asawa ko!” Nagulat nalang si Agnes ng marinig ang galit na boses ni Mariano.   Ibinaling nito ang kanyang mga mata sa matanda at nagulat nalang ito nang mapansin ang kakaibang titig nito sa kanyang sinapupunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD