Isang mahigpit na yakap ang pinakawalan ni Agnes sa katawan ng kanyang asawang si Mariano, kasabay ng pag-daloy ng kanyang mga luha ay ang pagtindi ng bugso ng kanyang nanabik na damdamin. “Mariano buhay ka....salamat at bumalik ka...” sa labis na pananabik ay maingat na isinandal ni Agnes ang kanyang ulo sa dibdib ng asawa. bahagya namang napangiti ang lalaki at mahigpit ding niyakap si Agnes. “Oo Agnes,...nagbalik ako, at simula ngayon ay hindi ko na hahayaan ang kahit sino upang hadlangan tayo...” “Mariano...” bigla namang hinalikan ni Mariano ang noo ng asawa at hindi narin namalayan nito ang pagpatak ng kanyang mga namumuong mga luha. Ilang sandali lang ay nag-hiwalay din ang dalawa mula sa bisig ng isat-isa. nagkatinginan ang mga ito at tila nangungusap ang

