Maliwanag na ang paligid at halos tirik na tirik na rin ang sikat ng araw, dahil doon ay unti-unting naramdaman ni Agnes ang init na kasalukuyang dumadampi sa kanyang mukha, Sa pag dilat ng kanyang mga mata ay agad na napansin ni Agnes ang kanyang anak na si Clarissa, nakahiga din ito at tahimik na natutulog sa tabi niya, sa makapal da damuhan ay agad na bumangon si Agnes at kinarga ang kanyang anak, mariin niyang tinitigan ang inosenteng mukha ng sanggol at pagkatapos ay mabilis na niyapos ito. wala siyang ideya kung paano napunta doon ang bata, ngunit nagpapasalamat parin ito dahil kahit paaano ay ligtas ang kanyang anak at ngayon ay kapiling na niya ito. Ilang sandala pa ay napatayo bigla si Agnes at tahimik nitong pinagmasdan ang paligid, Nanlumo nalang siya ng muling maalala

