CHAPTER SEVEN

2505 Words
NAGPA-EKIS-EKIS ang takbo ng kotse nila hanggang sa makaiwas sila sa kasalubong na truck. Agad na tinapakan ni Adelentada ang break at huminto naman sila paharap sa bangin. Kung hindi niya siguro agad iyon napahinto ay baka nagdire-diretso na sila paibaba ng bangin na iyon. Halos hindi maramdaman ni Adelentada ang kanyang sarili. Ang lakas ng t***k ng puso niya at parang gusto niyang umiyak pero hindi magawa. Nanlalaki ang mga mata niya at nakatulala. Hindi siya makapaniwala na buhay pa rin siya. Nang maalala niya si Ruperto ay agad niya itong tinignan at nagpasalamat siya sa Diyos na ligtas din naman ito. Humihingal ito habang nakatingin sa kanya. Tinanggal niya ang kanyang seatbelt at yumakap kay Ruperto. Hindi iyon tsansing kundi gusto niyang makaramdam ng comfort. Umiyak siya nang umiyak dahil sa takot at saya. “B-buhay tayo, Ruperto! Buhay tayo! Ligtas tayo!” Humahagulhol na sabi niya. Hinaplos siya nito sa likod ng kanyang ulo. “Oo, buhay pa tayo!” Masayang sagot nito. Mas lalo pa niyang isiniksik ang sarili dito dahil pakiramdam niya ay ligtas siya doon. Kanina, nang makita niyang babangga sila sa truck ay parang nakita niya ang kanyang Lolo Vicente. Umiiyak daw ito at pinapabalik na siya. Hindi siya sigurado kung anong ibig sabihin niyon pero bigla niyang naisip na kung mamamatay sana siya kanina ay gusto niya itong makita kahit sa huling sandali. Siyempre, pati na rin ang Ate Natasha niya dahil ang dalawang iyon na lang ang natitira niyang tunay na pamilya. “`Wag mo akong papabayaan, ha. Ayoko pang mamatay, Ruperto! Ayoko pa!” aniya pa. “`Wag kang mag-alala, hindi ko hahayaan na mamatay ka, Adelentada…” tugon nito sa kanya. Tumingala siya dito at nagsalubong ang kanilang mga mata. “Adelentada…” tawag nito sa kanya. “B-bakit?” Mas lalong bumilis ang t***k ng puso niya dahil sa pagkakatitig ni Ruperto sa kanya. Para bang nagnanasa ito sa kanya. “Adelentada…” “Ruperto?” Feeling niya ay hahalikan siya nito kaya naman napalunok siya. “May…” “May ano?” “May uhog ka.” Napapahiyang inilayo niya ang sarili dito at kumuha agad ng tissue na nasa dashboard upang punasan ang uhog sa kanyang ilong. Ang buong akala naman niya ay hahalikan siya nito. Hindi pala. Kainis! Moment na `yon, e! Turan niya sa sarili. MATIWASAY at ligtas na narating nina Adelentada ang vacation house nina Ruperto. Medyo ginabi na nga lang sila dahil nagpalipas muna sila ng shock sa isang restaurant. Liblib ang kinaroroonan ng vacation house na iyon. Halos gubat na ngang matatawag ang kinatatayuan niyon dahil napapalibutan iyon ng matataas na puno tapos wala pa siyang ibang nakikitang bahay bukod doon. Malaki ang dalawang palapag na vacation house. Yari iyon sa matitibay na kahoy. Kahit yata ilang bagyo nag dumating ay hindi iyon matutumba. “Ang ganda naman dito, Ruperto! I love nature talaga!” Puri niya sa lugar pagkababa nila ni Ruperto ng sasakyan. Kasalukuyan na nitong ibinababa isa-isa ang mga dala nilang gamit. “Talaga? Nakakatuwa naman, parehas pala tayong mahilig sa kalikasan.” Maya maya ay naalala ni Adelentada ang nangyari kanina kaya hindi niya naiwasan ang hindi ito tanungin. “Ah, Ruperto, may itatanong lang ako. Bakit parang kinabig mo kanina iyong manibela papunta sa truck?” Sa pagkakataon na iyon ay naging malikot ang mata nito. “Ah, eh… P-parang inantok ako kanina. Hindi ko na alam ang ginagawa ko,” sagot nito sabay iwas ng tingin sa kanya. “Iniisip mo ba na sinadya ko iyon?” Mariin siyang umiling. “Hindi! Wala akong iniisip na ganoon. Isa pa, bodyguard kita, `di ba? Alam kong hindi mo ako ipapahamak…” Natahimik na lang si Ruperto matapos ngumiti sa kanya. Nilapitan niya ito at nagprisinta siya na tulungan ito pero pinatabi lang siya nito. Kaya na daw nitong lahat iyon. Tinulungan na lang niya ito sa pagdadala ng maliliit na bag papunta sa vacation house. Mas lalong humanga si Adelentada sa loob ng vacation house nang sa wakas ay nakapasok na sila doon. Feeling niya tuloy ay nasa Baguio siya dahil sa style ng bahay na iyon. “Pinalinis ko na ito bago pa tayo pumunta dito. Talagang pinaghandaan ko ito,” sabi ni Ruperto nang maipasok na nila lahat ng gamit. Kinilig naman siya ng slight dahil sa nalaman. Gusto na tuloy niyang mag-assume na may gusto rin ito sa kanya. Hindi naman siguro ito mag-aabala nang husto kung hindi, `di ba? “Baka nga pala nagugutom ka na. Gusto mo bang magluto na ako?” tanong nito. Excited na tumango si Adelentada. “Sige! Nakakatuwa naman dahil ipagluluto mo ako.” Sa ganda ng lugar na pinuntahan nila at sa pagpapakilig sa kanya ni Ruperto ay tila nakalimutan na niya ang masamang nangyari kanina. “Okay. Ang alam ko, may grocery at stocks na dito dahil nakisuyo ako doon sa naglinis na ipamili tayo. Pupunta lang ako sa kusina, tapos kung gusto mo, mamili ka ng kwarto mo sa taas para makapagpahinga ka. Gigisingin na lang kita kapag kakain na.” “Ano? Mamimili ng kwarto? Ibig sabihin, maraming kwarto sa taas?” Disappointed na turan niya. Umasa kasi siya na iisa lang ang kwarto tapos magkatabi sila nito sa iisang higaan. Tumango si Ruperto. “Oo. Alam ko, tatlo yata. Bakit? May problema ba?” “Wala naman. Ang saya nga, e. Ang daming kwarto!” Labas sa ilong ang saya na sabi niya. “Sige, akyat na ako. Medyo sumakit ulo ko, e.” At mabibigat ang mga paa na umakyat na si Adelentada sa taas upang magpahinga. HABANG naghahanap ng maluluto para sa hapunan ay isang tawag mula kay Natasha ang natanggap ni Ruperto. Bago niya iyon sagutin ay siniguro muna niya na hindi siya maririnig ni Adelentada. “Hello, bebeboy? Ano na? Patay na ba ang kapatid ko? Isa na ba siyang malamig na bangkay ATM?” Iyon agad ang salubong ni Natasha sa kanya. “Hindi pa--” “What?! Hindi mo pa rin nagagawa ang iniuutos ko sa’yo?!” “Bebegirl, hindi ganoon kadaling pumatay ng tao lalo na’t first time kong gagawin ito. Nandito na kami sa vacation house mo. Sigurado ka ba na hindi alam ni Adelentada ang lugar na ito?” “No. Last year ko lang binili ang property na iyan. Kaya gawin mo na ang mission mo, bebeboy! Nanggigigil na ako dito kay Lolo Vicente! Lately, palagi niyang hinahanap si Adelentada. Feeling ko ay mamamatay na ang matandang iyon kaya bilisan mo na. Dahil oras na mabura na natin sa mundo ang kapatid ko, ako na ang nag-iisang tagapag-mana ng Del Mundo. Hihiga na lang tayo sa salapi, bebeboy!” anito sabay tawa ng malakas. “Actually, sinubukan ko na naman na patayin na siya kanina. Ibabangga ko sana sa truck iyong kotse na sinakyan namin kanina pero iyong sa side niya lang sana ang ibabangga ko…” “E, anong nangyari? Bakit buhay pa rin siya?!” “Nakialam sa manibela, e.” “May sa pusa yata ang kapatid kong `yon!” “Mukha nga, bebegirl. Hayaan mo, sa susunod ay gagalingan ko na.” “Okay, bebeboy. At para makauwi ka na rin dito at miss na miss ka na ng p***y ko!” Malanding turan nito. May sasabihin pa sana si Natasha pero bigla siyang nagulat at natigilan nang marinig niya ang malakas na sigaw ni Adelentada mula sa itaas. Hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan at nag-alala para dito. HINDI malaman ni Adelentada kung paano nangyari pero nakita na lang niya ang kanyang sarili na naglalakad sa isang madilim na kagubatan. Nakakaramdam siya ng takot dahil hindi siya pamilyar sa naturang lugar. Ang huli niyang natatandaan ay natulog lang siya sa vacation house nina Ruperto tapos heto na siya. Teka, oo nga pala. Nasaan si Ruperto? “Ruperto? Where are you?!” sigaw niya. Wala siyang nakuhang sagot kundi ang paghuni ng mga kuliglig at pang-gabing ibon. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makita niya si Ruperto na nakatayo kalapit ng isang malaking puno. Bumangon ang saya sa kanyang puso. Nagtatakbo siya papunta dito at agad na niyakap ang lalaki. “Mabuti naman at nakita kita, Ruperto! I feel safe na dahil nandito ka na!” aniya. Pagtingala niya kay Ruperto ay biglang nagbago ang mukha nito. Naging nakakatakot. Nag-transform ito bilang isang nakakahilakbot na halimaw! Ganoon na lang ang pagsigaw niya nang bigla siyang sakmalin nito sa leeg! Ramdam na ramdam niya ang sakit at pagsabog ng dugo nang hiklasin ng halimaw ang kinagat nitong balat sa kanyang leeg. Nagpumiglas siya para makawala dito pero mas malakas sa kanya ang halimaw. Muli siya nitong kinagat sa leeg habang sinisipsip ang kanyang dugo! “AAAHHH!!!” Malakas na sigaw ni Adelentada habang natutulog. Papaling-paling sa kaliwa’t kanan ang kanyang ulo na para bang hindi siya mapakali. Nagkikiskisan din ang dalawa niyang paa. “Adelentada! Gising! Gising!” “`Wag! Tulong!!!” Patuloy na sigaw niya. Nang dahil sa pagtapik ni Ruperto sa malaking pisngi niya ay nagising siya. Sumalubong sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Ruperto at hindi na siya nagdalawang-isip na yakapin ito. “Binangungot ako! Nakakatakot!” Nanginginig na turan niya. “Mukha nga… Kanina pa kita ginigising pero sigaw ka lang nang sigaw. Gusto mo bang ikuha kita ng tubig?” Mabilis siyang tumango. Agad namang tumalima si Ruperto at pagbalik nito ay may dala na itong isang baso ng tubig. “Ano bang napanaginipan mo?” tanong nito habang umiinom siya. Tumigil siya saglit sa pag-inom. “Sandali, ha. Ubusin ko lang `to.” At ipinagpatuloy niya ulit ang pag-inom hanggang sa maubos niya ang tubig. Saka lang niya sinagot ang tanong ni Ruperto. Sinabi niya dito na nakita niya ito tapos bigla itong naging halimaw at sinakmal siya sa leeg. “Ikaw kasi, kung anu-ano kasi ang iniisip mo, e. Tama na ang pag-iisip mo ng mga negative, okay?” Kinuha nito ang dalawang kamay niya at bahagya iyong minasahe. “Happy thoughts lang. Kaya nga tayo nandito para makapag-relax at makapahinga, `di ba? Happy thought lang…” Umakto si Adelentada na parang nag-iisip. “Happy thoughts? Like what?” “Hmm… Tayong dalawa tapos magkasama…” “Ay, sabagay! Happy thought nga `yon!” aniya sabay hagikhik. Maya maya ay sumeryoso ulit siya. “Pero, Ruperto, nitong nakaraan kasi parang ang daming hindi magagandang nangyayari. Iyong may nagtangkang pumatay sa akin na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung sino, iyong aksidente tapos iyong panaginip ko kanina. Natatakot lang ako na baka pangitain na ang mga iyon na… malapit na akong mamatay. Ruperto, ayokong mamatay nang hindi ko man lang nakikita ang pamilya ko ulit. Lalo na si Lolo Vicente… Ayokong mawala nang hindi man lang niya ako napapatawad sa ginawa kong paglalayas noon. Ayoko…” Umiiling na sabi niya. Nakita niya ang pang-unawa sa mukha ni Ruperto. Niyakap siya nito at sa mga bisig nito ay naramdaman niyang ligtas siya. “`Wag kang mag-alala, Adelentada… Nandito lang ako, hindi kita papabayaan.” PINANOOD na lang ni Adelentada si Ruperto sa pagluluto nito ng adobong baboy. Mas lalo tuloy siyang nagugutom dahil wala itong suot na pang-itaas. Iniinit daw ito. Nakahain tuloy sa harapan niya ang magandang hubog ng dibdib nito at ang mga pandesal nito sa tiyan. Sinasabay na rin nito ang pagsasaing para makakain sila agad. Ayaw na niyang bumalik sa pagtulog dahil baka managinip ulit siya ng masama katulad kanina. Manghang-mangha siya kay Ruperto. Hindi lang ito gwapo at macho, magaling pa sa kusina. Halata naman sa galaw nito na marunong talaga itong magluto. Kung siya ang tatanungin, ito na ang gusto niyang mapangasawa kahit malayo ang agwat ng kanilang mga edad. E, ano naman? Wala naman iyan sa edad. Ang problema lang niya ngayon ay hindi niya alam kung may gusto ba ito sa kanya o wala? Paano kung ganito talaga ito sa lahat ng babae na maasikaso at sweet? Paano kung sweet lang ito sa kanya kasi bodyguard niya ito? Siguro ay kailangan na niyang gumawa ng paraan para malaman niya kung type ba siya nito o hindi. Ayaw naman niyang duma-moves kay Ruperto tapos mauuwi din sa wala. Dapat may kasiguruhan. Nararamdaman din naman siguro nito na gusto niya ito dahil paminsan-minsan ay nilalandi niya ito nang pasimple. Hindi naman ito manhid. Tila nangangarap na nangalumbaba si Adelentada habang nakatingin kay Ruperto na kasalukuyang tinitikman ang adobo. Hay, Ruperto… Akin ka na lang, please… aniya sa kanyang utak. Feeling niya tuloy ay natutuyuan siya ng laway sa tuwing tinititigan niya ito. At hindi sinasadyang napatingin ito at ngumiti. Muntik na siyang mahulog sa kinauupuan sa kilig na naramdaman sa pag-ngiti nito. “Sana masarap ito, `no?” anito. “Ha? Ah… mukhang masarap naman, e…” aniya pero sa katawan ni Ruperto siya nakatingin. Palunok-lunok pa talaga siya. Kumuha ito ng kaunting sabaw ng adobo sa pamamagitan ng kutsara at ipinatikim sa kanya. Walang pagdadalawang-isip na sinunggaban niya iyon at doon lang niya naisip na mainit pa ang sabaw. Halos malapnos ang dila niya sa init. Hindi naman niya magawang umaray dahil baka isipin ni Ruperto na hindi masarap ang niluto nito. Baka ma-offend ito. “Masarap ba? Teka, napaso ba ang dila mo? Namumula ka, e!” Umiling siya habang nakangiwi. “H-hindi. Okay lang ako. Masarap! Masarap ang adobo mo!” Pilit ang ngiti niya dahil deep inside ay ang sakit-sakit ng dila niya dahil sa paso. ALAS-DOSE na ng hatinggabi pero gising na gising pa rin si Ruperto. Nasa kabilang kwarto lang si Adelentada at mukhang tulog na ito. Siya naman ay nasa terrace ng kanyang kwarto at may hawak na isang bote ng beer. Pangalawang bote na niya iyon. Ayaw siyang dalawin ng antok dahil sa iniisip niya kung bakit ganoon na lang ang pag-aalala niya kanina kay Adelentada nang marinig niya itong sumigaw. Hindi niya dapat iyon maramdaman. Dapat nga ay maging masaya siya dahil binangungot ito. Dapat ay pinabayaan na lang niya ito at hindi na gumising. Tapos na sana ang trabaho niya kung nagkataon. “Pero anong ginawa mo, Ruperto? Ginising mo pa si Adelentada! Tanga ka talaga!” Kausap niya sa kanyang sarili. “Bakit mo ginawa iyon? Ha?! Kasi mahal mo na siya?” Natigilan siya sa sinabing iyon. Naiinis na ibinato niya ang bote sa ibaba. Mariin siyang umiling. “Hindi pwede ito. Hindi ko mahal si Adelentada. Kailangan ko siyang patayin. Iyon ang dapat kong gawin sa kanya!” Pangungumbinse niya sa kanyang sarili. Malalaki ang mga hakbang na bumalik siya sa kanyang kwarto. Hinila niya ang dalang bag sa ilalim ng kama at kinuha niya doon ang isang baril. Ito na siguro ang tamang panahon para gawin na niya ang matagal nang dapat nangyari. Papatayin na niya ngayong gabi si Adelentada! Para hindi na siya nalilito sa nararamdaman niya para dito…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD