CHAPTER THIRTEEN

2507 Words
“ANONG ibig sabihin nito, Ruperto?!” Nagugulahan at gulat na gulat na tanong sa kanya ni Natasha. Binitiwan siya nito at akmang aatras para pumasok ulit pero mahigpit niyang hinawakan ito sa kamay. Nakangising sumagot si Ruperto. “Anong ibig sabihin nito? Ibig sabihin lang ay oras na para pagbayaran mo lahat ng kasalanang nagawa mo, Natasha!” Mariin ang bawat katagang kanyang binitiwan. Expected na ni Ruperto na magugulat si Natasha sa makikita nito paglabas nila ng vacation house. Sa dami ba naman ng pulis na nakapaligid doon ay talagang ganoon ang magiging reaksiyon nito. Ang hindi nito alam ay bago pa lang siya magtungo ng vacation house ay tumawag na siya ng pulis para papuntahin dito. Pero dahil hindi siya matahimik ay nauna na siya sa mga ito. Nang magising kasi siya kanina at wala si Adelentada sa bahay ay hinanap niya agad ito kina Maxima at Odessa. No’ng una ay ayaw pang sabihin ng dalawa ang totoo hanggang sa madulas si Maxima at nasabi nito na pumunta si Adelentada sa vacation house para makipagkita kay Natasha. Doon pa lang ay nagkakutob na siya na may hindi magandang mangyayari kaya tumawag agad siya ng mga pulis. At hindi nga siya nagkamali dahil balak ngang patayin ni Natasha si Adelentada. Laking pasasalamat na rin niya sa Diyos dahil hindi siya nahuli at nailigtas niya si Adelentada. Oo. Nailigtas niya si Adelentada mula kay Natasha. “Traydor ka! Hayop ka, Ruperto!” At nagwala na nga si Natasha. Pinagbabayo nito ang dibdib niya. Maya maya ay natigilan ito at nanlilisik ang mga mata na tinignan siya. “`Wag mong sabihin na… h-hindi mo pinatay si Adelentada?!” “Tama ka. Buhay pa siya. Hindi ko pinatay si Adelentada at hindi ko papatayin ang babaeng mahal ko!” Pagkasabi niya niyon ay bumalik sa alaala niya ang totoong nangyari kanina. “PAALAM, Adelentada!” Sigaw niya at dalawang beses niyang pinaputok ang shotgun. Ngunit imbes na patamain niya ang bala kay Adelentada ay sa kisame niya iyon pinatama. Sa pag-aakala siguro ni Adelentada na binaril niya ito ay napaluhod ito habang hawak ang dibdib at tuluyan nang humiga. Umakto pa ito na parang kinakapos ng hininga at parang namatay na talaga ito nang itinirik nito ang mga mata. “Ugh… Ang sakit… Patay na ako. Ugh…” Nahihirapang sabi pa ni Adelentada. Mabilis ngunit tahimik niya itong nilapitan. Tinapik-tapik niya ito sa pisngi para matauhan ito. Kumurap-kurap ito at um-steady ang mata sa mukha niya. “R-ruperto?” Nagtatakang tanong nito. Inilagay niya ang kanyang isang hinlalaki sa unahan ng kanyang bibig. Senyales na pinatatahimik niya ito. Inalalayan niya itong tumayo at pumasok sila sa isang kwarto. Ipininid niya ang pinto. Kinapa-kapa nito ang buong katawan. “Buhay pa ako? Hindi mo ako pinatay?” tanong pa nito na may halong pagtataka. Umiling siya. “Saka na ako magpapaliwanag. Kailangan ko nang puntahan si Natasha. Oo, hindi kita pinatay dahil wala akong balak na gawin sa iyon iyon. Basta dito ka lang at `wag kang lalabas o gagawa ng ingay hangga’t hindi kita binabalikan. At iyong mga narinig mo kanina, hindi iyon totoo!” “Ano bang--” Isang mabilis na halik ang iginawad niya kay Adelentada. “Mamaya na tayo mag-usap, ha? Babalikan kita!” aniya at saka niya binalikan si Natasha sa ibaba. Doon na rin niya sinabi na pinatay niya ang kapatid nito kahit hindi. “HAYOP ka talaga! Niloko mo ako! Wala kang utang na loob! Ako ang bumuhay sa’yo! Hayop!” Hinayaan lang niya na pagsusuntukin at pagsasampalin siya ni Natasha para mailabas nito ang galit nito sa kanya. Naiintindihan naman niya kung bakit ito nagkakaganoon. “Patawarin mo ako, Natasha. Tumatanaw pa rin ako ng utang na loob sa’yo pero hindi ko na kayang sikmurain nag ipinapagawa mo sa akin. Isa pa, mahal ko na si Adelentada. Hindi ko na siya kayang patayin!” Isang matunog na sampal ang iginawad ni Natasha sa kanya. Nakayuko na tinanggap niya iyon. Ilang sandali pa ay lumapit na sa kanila ang tatlong pulis at hinawakan ang magkabilang kamay nito. Ang isa naman ay nilagyan na ito ng posas. “Wala kayong ebidensiya! Hindi niyo ako pwedeng hulihin!” sigaw pa ni Natasha. Inilabas ni Ruperto ang isang cellphone sa bulsa nito. “Recorded lahat ng pinag-usapan natin kanina sa salas. Dagdag ebidensiya rin ang recorded call niyo ni Adelentada nang aminin mong nilalason mo ang Lolo Vicente niyo.” Mas lalong nagwala si Natasha sa sinabi niya ngunit wala itong nagawa sa pwersa ng tatlong pulis. “Magbabayad ka, Ruperto! Ibabalik kita kung saan kita kinuha noon! Hindi pa ako tapos sa inyo ni Adelentada! Isasama ko kayo sa impyerno!!!” Pagbabanta pa nito bago ito tuluyang maisakay sa sasakyan ng mga pulis. Mabilis siyang kinausap ng isang pulis para sa iba pang detalye at saka siya muling pumasok sa vacation house para balikan si Adelentada sa kwartong pinag-iwanan niya dito. Nadatnan niya ito doon na nakasilip sa bintana. Mukhang nasaksihan nito mula doon ang mga nangyari lalo na ang paghuli ng mga pulis sa kapatid nito. Marahan siyang lumapit kay Adelentada at tinawag ito. Lumingon ito sa kanya at nakita niya na tigam ito sa luha. “R-ruperto… Si Ate Natasha… kawawa naman siya…” Kinabig niya ito at ikinulong sa mahigpit na yakap. “Shhh… Tama lang iyon sa kanya para ma-realize niya ang kamalian niya. Baka makapagbagong buhay pa siya doon…” Bahagya niyang inilayo ang sarili dito para makita ang mukha nito. “Pero natatakot pa rin ako.” “Tapos na, wala ka nang dapat ikatakot. At oo nga pala, sorry sa lahat ng sinabi ko kanina. Pasensiya na kung kailangan kitang saktan sa pamamagitan ng mga salita ko. Gusto kong sabihin na na hindi totoo ang lahat ng--” “Naiintindihan ko na kung bakit mo nasabi ang mga iyon. Kahit papaano naman ay narinig ko ang mga sinabi mo sa ibaba, e. Naliwanagan na ako.” Medyo unti-unti nang humihinto sa pag-iyak si Adelentada. Siya na ang nagkusang magpunas ng luha sa mukha nito sa pamamagitan ng dalawang hinlalaki niya. “Malakas naman ang pandinig ko.” Pagbibiro pa nito. Napapangiti na tumango-tango siya. “Anu-ano ba ang narinig mo?” tanong niya. “Na ginawa mo lang iyon para iligtas ako kay Ate Natasha…” “At ano pa?” “Na… Mahal mo talaga ako?” “O, bakit patanong naman ang tono mo?” Masuyo niyang kinuha ang isang kamay nito at hinagkan iyon. “Mahal kita, Adelentada. Kaya siguro nag-aalinlangan na akong patayin ka noon dahil sa may nararamdaman na ako sa’yo at mas lalo pa kitang minahal nang magkaroon ako ng amnesia dahil sa pag-aalaga at pagmamahal mo.” “Salamat, Ruperto. Mahal na mahal din naman kita, e. Pero bakit hindi mo agad sinabi na bumalik na ang alaala mo noong nabagok ka?” “Ah, iyon ba? Ang balak ko sana ay hindi na sa iyo sabihin talaga dahil gusto ko na mag-asawa na talaga tayo. Iyon nga lang, hiningi ng pagkakataon na aminin ko sa iyo para mailigtas ka. Sorry kung nagsinungaling ako sa’yo.” “Ako din, sorry kung sinabi kong mag-asawa tayo kahit hindi naman.” Umiling siya. “Wala kang dapat ihingi ng sorry. Mas okay nga na ginawa mo iyon dahil narealize kong mahal pala talaga kita!” Napaiyak na naman si Adelentada at agad naman niya itong niyakap muli. “Tototohanin na natin ang pagpapanggap natin. Papayag ka bang magpakasal sa akin?” “Oo naman! Magpapakasal ako sa’yo!” Masayang sagot nito sa kanya. MAKALIPAS ang tatlong buwan ay dumating na rin sa wakas ang araw ng kasal ni Adelentada kay Ruperto. Walang pagsidlan ang galak sa kanyang puso ng sandaling iyon dahil sa araw na iyon ay pag-iisahin na sila sa ngalan ng Diyos at simbahan. Nakakatuwa lang na sa kabila ng malaking agwat ng kanilang edad ni Ruperto ay inibig pa rin siya nito. Marahil ay tunay na wala sa edad o hitsura ang pagmamahal bagkus ito ay nararamdaman. At kapag naramdaman mo na ito, wala ka nang magagawa kundi sundin ito. Nakabalik na rin siya sa mansion at nagkasama na ulit sila ng kanyang Lolo Vicente. Ito pa nga ang maghahatid sa kanya sa altar ngayon. Doon niya napatunayan na nagsisinungaling nga ang Ate Natasha niya dahil hindi naman talaga galit ang lolo niya sa kanya. Labis nga ang pag-aalala nito sa kanya nang mawala siya sa mansion. Ipinapagamot na rin niya ito upang matanggal ang lason sa katawan nito. Habang sina Odessa at Maxima naman ang namamahala sa laundry shop niya sa tulong na rin ni Ruperto. Nasa labas na siya ng simbahan at naghihintay na sa kanya sa loob si Ruperto. Hinihintay na lang niya sina Maxima at Odessa. Nakalimutan kasi nila ang wedding ring at inutusan niya ang dalawa na kuhain iyon kaya wala pa ang mga ito. Simpleng kasalan lang ang magaganap. Simple lang din ang kanyang bridal gown ngunit masayang-masaya siya dahil ikakasal siya sa lalaking mahal niya at mahal siya! Sa simabahan kung saan siya madalas magsimba siya ikakasal-- ang Masinag Church. “`ASAN na ba `yong singsing? Sabi ni ate nandito lang sa tokador niya?” Natatarantang sabi ni Odessa kay Maxima. “Basta, maghanap ka lang diyan! Bilisan na natin at baka mapagalitan tayo ni--” Biglang natigilan si Maxima at may kinuha ito sa may gilid ng tokador. “Nakita ko na!” “Mabuti naman! Pinagpawisan ako nang bongga, ha!” Agad naman na lumabas ang dalawa sa kwarto ni Adelentada at ganoon na lang ang gulat nila nang paglabas nila ng bahay ay sinalubong sila ni Natasha na hitsurang nababaliw na. Madungis ito at walang kaayusan ang sarili. Ang nakakatakot pa ay may hawak itong granada! “Kumusta mga bakla?” Matalim ang mga mata na bati nito. Nagkatinginan sina Odessa at Maxima. “S-siya `yong kapatid ni ate, `di ba? Paano siya nakalabas ng kulungan?” Kinakabahang tanong ni Odessa sa kaibigan. “Oo, siya nga. Mahaba ang mukha, e. Hindi ko alam kung paano siya nakalabas--” “Tumigil nga kayo sa pagbubulungan niyong mga chakang bakla! Kung ayaw niyong ipasok ko sa pwet niyo itong granada na hawak ko!” sigaw nito. “Naririnig ko kayo! Tumakas ako sa kulungan, bakit ba?! Tumakas ako para sirain ang kasal ng kapatid ko!” “Hindi mo pwedeng gawin `yan!” ani Maxima. “Anong hindi, e, gagawin ko na nga! Ngayon mga baklang pangit, sabihin niyo sa akin kung saang simabahan ginaganap ang kasal ni Adelentada?” Umiling silang dalawa. “Sasabihin niyo o papasabugin ko kayo?!” Ganoon na lang ang takot nila nang akmang tatanggalan nito ng pin ang granada. Nanginginig sa takot na sumagot si Odessa. “Sa ano… sa San Simon Church! Sa kabilang baranggay! Magpahatid ka na lang sa tricycle sa labas.” “Good… Sasabihin niyo rin naman, pinatagal niyo pa. Sige na, bye mga chakang bakla!” At humahalakhak na umalis ito. Nakita pa nila na sumakay ito sa isang tricycle. Pagkaalis ni Natasha ay kinalabit siya ni Maxima. “Bakla ka! Hindi naman sa San Simon Church ikakasal si ate, a. Sa Masinag Church!” “Gaga! Hindi naman ako papayag na sirain ng luka-lukang `yon ang kasal ni ate. Alam mo naman na matagal itong hinintay ni ate, `di ba? Deserve niyang maging masaya!” “Ah, kuha ko na… Matalino ka rin pala, Odessa! Akala ko puro taba ka lang!” “Leche ka! Tara na at para maumpisahan na ang kasalang Adelentada at Ruperto!” “Sige, sige! Gora na tayo!” Excited na sang-ayon ni Maxima sa kanya. “Okay, pero tatawag din muna ako ng pulis para mahuli na ulit ang Natasha na iyon!” aniya. NANG maibaba na ng tricycle driver si Natasha sa harapan ng San Simon Church ay nag-1-2-3 siya dahil wala naman siyang pambayad. Galit na galit na minura siya ng tricycle driver pero hindi na lang niya ito pinansin. Agad siyang nagtago sa likod ng isang makapal na halaman at mula doon ay kitang-kita niya ang isang kasalan na nagaganap sa loob ng simbahan. “Hindi ako makakapayag na maging masaya ka, Adelentada! Bwisit ka talaga sa buhay ko kahit kailan!” gigil na sabi niya. Maya maya ay kumilos na siya. Lumabas na siya sa pinagtataguan at nagmamadali na nagtungo sa loob ng simbahan. “Itigil ang kasal dahil papasabugin ko kayong lahat dito!” sigaw niya sabay tawa nang malakas habang hawak ang granada. Napatingin ng lahat ng tao sa simbahan sa kanya maging ang bride at groom. “Sino ka?! Bakit ginugulo mo ang kasal ko?” Nagtataka at galit na tanong ng bride sa kanya. Gulat na gulat si Natasha nang makita niya na hindi sina Adelentada at Ruperto ang ikinakasal. Doon lang niya naisip na baka maling simbahan ang napuntahan niya at iniligaw lang siya ng mga kaibigang bakla ng kanyang kapatid. “Humanda kayo sa akin!!!” Halos nagwawala na lumabas siya ng simabahan. Hindi siya makapaniwala na naloko siya ng dalawang baklang iyon. Sa sobrang gigil at galit niya ay hindi sinasadya na natanggal niya ang pin ng granada at nabitiwan iyon. Natatarantang nagtatakbo siya palayo ngunit hindi pa man lang siya nakakalayo ay sumabog na ang granada at sa lakas ng pagsabog ay tumilapon siya sa kanal. Pag-ahon niya doon ay puro burak na siya sa buong katawan. “Ahhh!!!” sigaw niya ulit. Ano ba itong kamalasan na inaabot niya ngayon? Akmang aalis na siya sa lugar na iyon nang isang sasakyan ng pulis ang humarang sa kanyang daraanan. Wala na siyang nagawa nang muli siyang hulihin at posasan ng mga pulis. Mukhang ito na talaga ang kapalaran niya, ang mabuhay sa bilangguan forever! MASAYANG-masaya si Adelentada dahil matiwasay na natapos ang pagpapalitan ng “I do” nila ni Ruperto. Paglabas nila ng simabahan ay sinalubong sila ng mga taong masaya para sa kanilang pagmamahalan. Naroon din sina Maxima at Odessa na talagang napakalaki ng utang na loob niya. Kung hindi siguro dahil sa dalawa ay patay na siya ngayon at nagulo ng kapatid niya ang kasal nila ni Ruperto. Sinabi kasi ng mga ito na nakatakas si Natasha sa kulungan at balak na guluhin ang kasal niya. Pero iniligaw daw nila ito at sa ibang simbahan pinapunta. Naluluha na nginitian niya ang dalawa at nag-flying kiss sa mga ito. Nag-thumbs up naman ang dalawa sa kanya. Nang magtama ang mga mata nila ni Ruperto ay nakita niya kung gaano siya kamahal nito. Isang mabilis na halik ang iginawad ng lalaki sa kanyang labi at saka sila sumakay sa kalesa na maghahatid sa kanila sa reception. Ngayon ay hindi na siya papatayin ni Ruperto ng literal. Kung papatayin man siya nito, iyon ay dahil sa kilig at pagmamahal nito! THE END
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD