"MINA..." tawag ko sa kasama ko. Hindi ko alam kung ano'ng oras na at kung ano nang lagay ko nang mga sandaling iyon. Sobrang sakit na ng ulo ko, at wala na akong lakas pang kontrolin ang katawan ko. Naka-ubob na ako sa mesa at hindi alam ang gagawin. But the traitor in my head? Hindi pa rin siya maalis-alis. Bakit gano'n? Akala ko sa pag-inom ko ng alak malilimutan ko kahit sandali si Dino, pero napakalinaw pa rin ng gunita niya sa aking isipan. "Takshil ka!" sabi ko pa na hindi ko alam kung umiiyak ba ako o tumatawa. I was laughing for a while, rinig ko pa nga ang halinghing ko pero mayamaya rin, bumuhos ang pighati. "Mahal na mahal kita pero bakit mo nagawa sa akin ito? You said you love me and you're willing to wait pero bakit ..." Yumuyugyog pa ang mga balikat ko habang umiiyak. "B

