"MA'AM Jen? Okay lang ba kayo?" tanong ni Mina sa akin. Kanina pa kasi ako tulala lang habang nasa harap ng pagkain. Bumaba ako mga alas-nueve dahil sa pag-aakalang nagugutom ako. Pero nang ihain niya sa mesa ang pagkain ay hindi ko man lang iyon nagalaw. Marahil nagtataka rin ang katulong kung bakit namumugto ang mga mata ko. Pagdating ko pa lang kasi ng kuwarto ko ay nag-iiiyak na ako. Lalo na nang matanggap ko ang message ni Dino na nagso-sorry ito. 'I'm sorry, Jen.' Iyon lang ang nabasa ko. Naghintay pa ako ng karugtong pero wala nang sumunod na message. Ni wala man lang paliwanag. Parang ambilis naman. Dahil ba mas malapit ang Jessa na iyon sa tinitirhan niya? Dahil ba ayaw ko pang ibigay ang hinihiling niya? Ang sabi niya mahal niya ako at willing siyang maghintay. Pero hindi ko ak

