AGAD akong yumuko at tumalikod sa sasakyan. Hindi ako maaaring magkamali. Kay Jass na sasakyan iyon. "Sorry, Jen. May problema ba?" tanong ni Dino. Umiling-iling ako kahit nakatalikod sa kaniya. "W-Wala. Wala, Dino. Sige na, umuwi ka na. Ingat ka." Hindi ko na hinintay pang makapagsalita siya. Naglakad na ako palayo. Samantalang ang sasakyan naman ay dumeretso na ng pasok sa gate. Habang naglalakad ay nakayuko pa rin ako. Pinagagalitan ang sarili. "Nakakahiya ka, Jennifer. Una, dahil PDA ka. Pumayag kang makipaghalikan sa tabi ng daan. Pangalawa, nagpahuli ka sa asawa mo. May pinag-aralan ka pa namang tao pero ganiyan ang gawain mo. Nakakahiya ka!" Kulang na lang ay saktan ko na rin ang sarili ko. Hindi ko tuloy alam kung dapat pa ba akong umuwi sa bahay ni Jass o hindi. Ano'ng mukha

