Makalipas ang anim na buwan... Itinabi ni Sam ang wishlist. Nakakuha ng puwesto ang ina sa palengke at dito natuon ang kanilang atensiyon. Namamasada pa rin ang Tiyo Dan niya na himala at bumait na. Naroong umiinom pa naman paminsan-minsan, pero hindi ganoon gaya dati. Basta masaya naman ang ina okay lang sa kaniya. Ang bahay sa tagaytay ay hindi na niya pinakialaman. Tutal, hindi niya rin naman niya maaaring ibenta o magbenta ng mga gamit dito ay aantayin na lang niya na matapos na ang wishlist. At hindi niya alam kung kailan niya ba gagamitin. Pinagpatuloy niya ang pag-aaral pero hindi na siya sa boarding house tumutuloy. Nais niyang makasama ang ina. Ngayon niya napagtanto na hindi kailangan isalalay sa bawat hiling ang swerte o kagustuhan ng taong umunlad. Nasa sipag at tiyaga lang

