Tatlong babaeng naka-uniform na may logo ng nasabing hotel ang humarang kay Sam. "Ma'm, kayo po ba si Miss Torres?" Anang ng babaeng maliit sa dalawa. Hindi ito pinansin ni Sam, pero hinawakan na siya ng isa at kinaladkad sa isang kuwartong naroon. Parang alam na rin ng dalawa pa ang gagawin at mabilis na naisara ang pinto. Pilit na nagpupumiglas si Sam pero sinabi ng isa na kailangan daw siyang bihisan para maging maganda mamya sa kaniyang kaarawan. "Hindi! Kailangan kong makita ang nanay ko! Naiintindihan n'yo ba, ha? Ha?!" Salit-salitang sinisigawan sabay nang pagpupumiglas ni Sam ang tatlong babaeng pare-pareho ang suot; puting pantalon at polo shirt. Hindi siya pinansin ng tatlo, bagkus ay idiniretso na siya sa kama at iniupo. Nanlaki ang kaniyang mata ng pilit na siyang hinuhuba

