Ganoon na lang ang galit at panlulumo ni Tet nang sabihin niya sa mga pulis na may gustong pumatay sa kanilang mag-ina. Hindi ito mga naniwala. Tanging wishlist notebook lang kasi ang kaniyang patunay na may sulat niya pa. Ito at ang numerong nanatiling out of reach ang kaniyang mga ebidensiya. Bago siya umalis ay ibinigay niya ang address ng lugar kung saan mangyayari ang lahat. Hindi niya alam kung pupunta ang mga ito ngayon dahil pigil ang mga tawa ng mga ito nang lisanin niya ang presinto. At ngayon, habang nag-i-speech siya sa harap nang napakagandang anak, sa harap ng maraming tao mangyayari ang utos. Oo, wala na siyang magagawa pa kung hindi kitlin ang sariling buhay sa harap ng mga ito. Para sa katuparan ng pangarap niya kay Sam. Kasabay nang palakpakan ng mga tao ay ang pasimpl

