IAREE: Ano bang pwedeng gawin na maximum of two hours lang? Gumawa ako ng group chat kung saan hindi kasama si PJ. Nandito sina Reign, Kuya Dax, Bobbie, Kuya Migz, Tiffany, Quinn, Kuya TJ, June, Kuya MJ, at Sunny. Hindi kasi ako mapakali kaya nanghingi na ako ng tulong sa iba. At kahit maliban sa mga Valderrama ay bagong kakilala ko pa lang ang iba sa kanila, nakakatuwa dahil ramdam ko agad ang mainit nilang pagtanggap sa akin. Kakatapos ko lang maghilamos at ngayon ay kakapasok lang din ng kwarto. Nasa sala sina Tita Ada, Tito Albert, at PJ. Kumakain sila ng ube cake at malamang sa malamang, pinag-uusapan nila kung sino man ‘yong baker na gusto nilang ipakilala sa kanilang apo. Kaya nga hindi na rin muna ako nakisalo dahil baka mas lalo lang akong panghinaan ng loob. Pinoproblema ko

