Slice of Dreams o Bahay ni Ms. Rina. Napaisip ako kung alin sa dalawa ang dapat kong isagot sa tanong ni PJ. Gusto niyang malaman kung saan ako nagpunta noong umalis ulit ako pagkatapos ihatid ng kanyang mga tauhan. Agad namang rumehistro sa isip ko ang mga nangyari ngayong gabi. Nakatagilid ang pagkakahiga namin ni PJ habang nakatingin pa rin sa isa’t isa. Ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin ako nagsasalita. Gusto ko kasi sanang mas maging maingat sa mga sasabihin ko sa kanya simula ngayon. Hangga’t maaari, ayaw kong mauwi sa pagtatalo ang simpleng pag-uusap namin. “Gusto sana kitang bilhan ng ube cake. Kung saan-saan ako naghanap hanggang sa nakarating ako sa Slice of Dreams. Ito ‘yung huling cake shop na napuntahan ko pero wala na rin silang ube cake. Kaya umuwi na lang

