How can I say no to my boss? “Sabihan mo lang po ako kung anong matutulong ko. I will do my best to help you out,” sagot ko sa pabor na hinihingi ni Ms. Rina kahit na iniisip ko pa lang ang pangangasim ng mukha ni PJ ay alam ko nang malabong may maitulong ako sa kanya. Niyakap ako bigla ni Ms. Rina. “Thank you so much! You’re the best!” sabi pa nito na para bang may ginawa na akong maganda para sa kanya. Hindi naman ako nakapagsalita at hinayaan na siyang maunang bumalik sa lamesa namin. Sumandal muna ako sa lababo dahil parang nawalan ako ng lakas. Ito yata talaga ang madalas na nangyayari sa mga taong hindi madalas makipag-socialize. Parang may battery lang ako na biglang na-lowbat. Naghintay pa ako ng ilang minuto sa banyo para makapag-recharge at para na rin mas mabigyan pa ‘yong

