Nilapitan agad nila Tita Ada si Gab at mukhang masayang-masaya talaga silang makita ito. Halos mapunit ang labi nila dahil abot tainga ang ngiti nila nang makipagusap dito. “Sabi na’t makikita ka namin ulit dito, iha!” Narinig kong bungad ni Tita Claire kay Gab bago bumeso. “It’s so nice to see you all po,” malambing na tugon ni Gab. Tiningnan niya ako at muling ngumiti sa akin kahit halata namang hindi ako masayang makita siya ulit. Akala ko kasi malinaw na sa kanya kung saan siya dapat lumugar noong hindi na siya sumabay sa amin pabalik ng Maynila. But I guess I was wrong. Inangat ni Gab ang dala-dala niyang cake habang nakatingin sa akin. Para bang pinapakuha niya ang mga ito kaya agad naman akong lumapit. “Orders ito ni PJ,” sabi pa niya. Wala akong sinabi nang kuhanin ko ‘yo

