Talagang naihanda ni Tiffany lahat ng kakailanganin ko. Nagpatulong siya sa mga kaibigan namin para mabilisang makapag-setup sa mini stage ng Cup of Twist. And Ezekiel didn’t even mind. He came prepared and simply used his time engaging with our customers who obviously adore him so much. ‘Yong kaninang pagkainip na mababasa sa kanilang mga mukha ay animo biglang napawi. Mas bumilis ang kabog ng dibdib ko nang maupo na ako at naging kaharap ang blankong canvas. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin kaya mas lalo pang nanlamig ang buong katawan ko. Kung tutuusin, it’s just a 20″ x 20″canvas. Ginagamit ko lang ito noon pampalipas oras kapag nabo-bored ako sa bahay. Siguradong kayang-kaya kong makapagpinta rito sa loob lang ng ilang minuto kung hindi napalitan ang puso ko… Napailin

