Kabanata 1

2645 Words
Experience solo living. Tumango ako ng ilang beses habang nakatitig sa hawak na papel. Base sa bucket list na nakasulat dito, ito na ang sunod kong dapat gawin. “Naku, Ma’am! Kuhanin mo na ‘tong unit. Tamang-tama lang ang laki at presyo kung mag-isa kang titira.” Muntik na akong mapatalon sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses ng real estate agent na kasama ko. Natulala kasi ako nang makita ko ang pinagdalhan niyang apartment sa akin. Bukod sa napakaliit na nga nito ay mukhang ilang kilos lang namin ay magigiba na. I don’t need a tour around the house to see everything. Isang ikot ko lang ay kita ko na ang lahat ng bagay na ayaw ko – dahil wala naman akong kahit isang nagustuhan. Bumuntong-hininga ako at tipid na ngumiti bago nagsalita. “Ah sige po, pag-iisipan ko lang muna. I-text ko na lang po kayo ulit. Salamat.” Nagmadali na akong lumabas bago pa bumagsak ang mababang kisame ng kwarto. Kung bakit ba naman kasi malayong-malayo ang mga litratong ibinibigay sa akin ng mga agents na nakakausap ko, kumpara sa totoong estado ng mga lugar na gusto nilang paupahan. Saktong paglabas ko ng compound ay tumawag sa akin si Tita Ada. Sinagot ko naman ito kaagad dahil ayokong mag-alala sila sa akin ni Tito. They’ve done so much for me in the past couple of months that’s why as much as possible, I don’t want to cause them any inconvenience. “Hello po, Tita Ada?” “How’s your apartment-hunting, iha? May matutuluyan ka ba ngayong gabi?” Ilang beses na nila akong tinawagan ngayong araw. Kahit bago pa man ako lumuwas papuntang Maynila kaninang madaling araw ay sinigurado na nilang ligtas akong makakarating. Pareho kasi sila ni Tito Albert, ang tingin pa rin nila sa akin ay bata kahit na ilang buwan na lang ay 24 years old na ‘ko. If I’m not mistaken, it’s already a marrying age for some people. “I’m taking my time to look for the perfect place pa. Ayoko naman pong mag settle dahil lang kailangan ko na talaga ng matutuluyan,” pag-amin ko. Pero iniwasan ko na ang pagbibigay ng mas maraming detalye. Baka tulad ko’y sumakit lang din ang ulo nila. “Pero gabi na. Pwede kitang ipasundo sa driver--” “Ay ‘wag na po! Don’t worry, I’m fine. Naka-check in naman po ako sa hotel. Hopefully, I can already find a place tomorrow.” Nakakahiya naman kasing magpasundo pa rito sa Maynila ng ganitong oras lalo na’t sa Batangas pa manggagaling ang susundo sa akin. I know the Valderrama family is capable of doing more things for me, given their many properties, but I don’t want to take advantage of this fact. Tumahimik sandali sa kabilang linya si Tita Ada. Alam ko na ang ibig sabihin nito ay hindi siya sang-ayon sa gusto ko, pero alam niyang wala siyang magagawa dahil desisyon ko pa rin ang masusunod sa bandang huli. “Okay, call me when you get back to the hotel. Mag-iingat ka.” Pagkatapos ng ilan pa niyang paalala ay tyaka lang natapos ang tawag. Dito lang din ako nakahinga ng maluwag. Malaki ang pasasalamat ko kina Tita Ada at Tito Albert, pero may mga pagkakataong pakiramdam ko’y nasasakal ako katulad ng dati. Naglakad na ako papunta sa sakayan ng jeep dahil mahirap nang magpagabi sa lugar na pinagdalhan sa akin ng agent na huli kong nakausap. Ang dilim pa ng eskinitang kailangan kong daanan dahil walang pumapasok na sasakyan dito. Malas lang dahil hindi ako pinayagan nila Tita Ada na i-drive ang motor ko paluwas. Ang sabi nila’y isusunod na lang daw ito kapag nakahanap na ako ng lugar na matitirhan. Sa totoo lang, may iba naman akong napuntahang apartment na medyo maayos. Ang problema lang ay hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga ito sa hindi maipaliwanag na dahilan. I wanted to trust my gut that was why I decided to turned down these offers. ‘Yong iba namang nagustuhan ko ay sobrang mahal ng presyo, and I don’t want to waste my savings on rent. Lalo na’t ang dami ko pang kailangang gawin sa bucket list. I won’t be able to do them if I don’t have money. Alam kong nakahanda sina Tita Ada at Tito Albert bigyan ako ng pera pero ayokong maging pabigat sa kanila. Hangga’t maaari ay ayokong umasa sa ibang tao. Kaya nga oras na makahanap ako ng matitirhan, susubukan kong ibenta ang mga paintings ko. Baka maghanap na rin ako ng part time job, tutal ay nasa bucket list din naman iyon. Tiwala akong kaya kong alagaan ang sarili ko. Ngunit habang naglalakad sa madilim at makipot na eskinita, may naramdaman akong ilang yabag sa bandang likuran ko. Hindi ito magandang bagay dahil walang ibang tao sa paligid. Hindi ko nga alam kung may nakatira ba sa mga bahay na nadadaanan ko dahil saradong-sarado ang lahat at walang liwanag na matatanaw mula rito. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ‘yong narinig ko bero binilisan ko na lang ang lakad ko para makasigurado. Diyos ko po, ang dami namang pwedeng gawan ng masama, ako pa talaga ang napili niya. Ilang sandali pa ang lumipas nang magkaroon ng ilang pag-andap ng ilaw. Nakakita ako ng anino. Dito na ako lalo kinutuban ng masama. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Mas binilisan ko pa ang paglalakad, kasabay ng pagbilis ng paghinga ko. Humigpit ang hawak ko sa bag ko at nakahanda na akong lumaban sakaling gawan ako nito ng masama. May karapatan naman siguro akong ipagtanggol ang sarili ko. Napalunok ako nang mas naging obvious ang paglalakad nito palapit sa akin. Para bang wala na itong pakielam kung maramdaman ko man ang kanyang presensya. Tuloy ay nagsimula na akong pagpawisan ng malamig. I don’t know anyone here in Manila for someone to just approach me in the middle of the night. Kung masamang-loob man ito, ipinagdadasal ko na lang sana’y wala itong dalang patalim – o kung mayroon man ay sana mapurol. Hinigit ko ang hininga ko. Lilingon na sana ako sa direksyon na pinanggagalingan ng mga yabag nang may makasalubong akong magbabarkada. Sa sobrang ingay ng tawanan nila ay nabulabog ang katahimikan ng paligid. Sakto ring narating ko ang dulo ng eskinita at nasa highway na ako. Dito’y hindi ko na tiningnan pa kung saan papunta ang jeep na huminto at agad na lang sumakay. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Sa bintana ay nagawa kong silipin ‘yong eskinitang pinanggalingan ko. Nagtaka ako dahil nakita kong wala namang ibang tao bukod dun sa mga nakasalubong ko. Guni-guni ko nga lang ba talaga iyon? *** Isang gabi lang ang na-book kong kwarto sa hotel dahil akala ko’y agad matatapos ang apartment-hunting ko. Pero mukhang hindi ako maswerte sa mga agents na nakausap ko online. Gusto ko na ngang isiping may kinalaman sina Tita Ada sa nangyayari sa akin ngayon. Paano’y noong sabihin ko pa lang sa kanila ang balak ko ay agad silang tumutol. Maaga akong gumising ngayong araw para magpunta sa condominium na situated malapit sa mga establishments at transportation. Sa lahat ng mga lugar na nakita ko online, isa ito sa mga nagustuhan ko talaga. Kaya naman I’m really looking forward to seeing this place in person. Sana lang ay maganda ang kalabasan ng pagpunta ko rito para naman mamayang hapon ay pagbili na lang ng gamit ang aatupagin ko. Dahil isang malaking travel backpack lang ang dala ko paluwas ng Maynila, binitbit ko na ito nang mag check out ako sa hotel. Bumili na lang ako ng burger sa malapit na fast food restaurant at kinain ito on the way imbes na kuhanin pa ang complimentary breakfast. Maganda naman ang pakiramdam ko sa lugar na pupuntahan ko ngayong umaga. Iyon nga lang, hindi ko alam kung bakit kagabi ko pa nararamdamang parang may nakasunod sa akin. Hindi ako madalas magkaroon ng ganitong pakiramdam pero malaki talaga ang tiwala ko sa gut feel ko. Kaya naman upang makasigurado, tulad ng ginawa ko kagabi ay nagmadali akong maglakad. Isinantabi ko na lang muna ang kinakain ko at lumiko pagdating ko sa isang kanto. Mabuti na lang at umaga ngayon, mas may laban ako sakaling magkaroon ng gulo. Kung iniisip kasi ng kung sino mang nakasunod sa akin na kaya niya akong takutin, pwes, nagkamali siya ng taong binangga. Kahit na halos buong buhay ko ay nakakulong ako sa bahay namin, nakatanggap ako ng training sa Chief Security Officer ng Valderrama family during my teenage years. Higit pa sa pag depensa sa sarili ang natutunan ko. Sa eskinitang pinasok ko, huminto ako nang mapansing wala na akong ibang taong nakikita sa paligid. Walang ibang pwedeng madamay. Likod yata ito ng isang restaurant dahil may mga basurahan dito. Ayos na rin para iwan ko ang masamang-loob na ito sa lugar kung saan siya nababagay. Dahan-dahan kong inilipat sa harapan ko ang bag ko. Tatlong segundo lang ang binilang ko. Saktong pumatong sa kanang balikat ko ang kanyang kaliwang kamay. I didn’t have to look to figure this out. Umangat naman ang isang dulo ng labi ko. He was making it easier for me. Hindi ko na pinalampas pa ang isang segundo at hinawakan ko ang kanyang kamay. I swung his arm over as I stepped in and turned in the same direction. In a blink of an eye, I kicked the back of his knee with full force, carrying him down the floor and finishing it with a straight arm lock. “What the f*ck, Iaree?!” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pamilyar na boses. At nang silipin ko ang mukha ng lalaking hawak-hawak ko ay mas nagulantang ako nang makitang si PJ pala ito! Napabitaw agad ako lalo na’t nakita ko na ang magkasalubong niyang kilay. Umuusok na rin ang kanyang ilong at tainga. Tumayo ako ng maayos at umatras imbes na tulungan siya. Baka mas lalo pa kasi akong mapasama kapag hinawakan ko pa siya. “Bakit mo ba kasi ako sinusundan?!” Binalik ko ang sisi sa kanya. Taas noo talaga akong nagsalita dahil hindi ko naman kasalanan kung natakot ako sa pagsunod-sunod niya sa akin. “It was reflex!” “Sabi na’t sakit ka ng ulo kahit kailan!” sigaw niya na para bang mas galit pa siya ngayon kaysa sa akin. Bumangon siya habang hinihimas ang kanyang braso at balikat. Pinagpagpag din niya ang kanyang pantalon na nagkaroon ng alikabok dahil sa pagbagsak niya. Pagkatapos ay dito na pinulot ang bag ko na dapat sana ay kakargahin niya nang bawiin ko agad sa kanya. “Wow! Ano bang nangyari sa The Great Wall of PJ?” panunukso ko. Hindi ko naman alam na ganito kabilis ko lang pala siya matitibag! Paano’y siya naman kasi ang nagturo sa akin kung paano ipagtanggol ang sarili ko. Oo’t siya ang CSO ng Valderrama Family ngayon. Mas sumibangot siya dahil sa sinabi ko. Pinagdikit ko naman ang labi ko bago napairap sa kawalan. Sandali kaming natahimik bago siya muling nagsalita. “Saan ka ba papunta?” walang ganang tanong niya sabay buntong hininga. Iniba na niya ang topic at hindi na ako nagtaka pa. It’s the typical PJ. If he’s no longer interested in a conversation, he moves on without hesitation. Ramdam ko ngang hindi siya interesado kausap ako. “I’m checking a condo unit. Ikaw? Bakit napadpad ka sa Maynila?” tanong ko dahil palagay ko naman ay coincidence lang ang pagkikita namin ngayon. He will not go all the way from Batangas to-- “I came here for you.” Parang nakarinig ako ng malakas na kidlat kahit ang araw-araw. Hindi ako nakahinga. It was supposed to sound like a sweet pick-up line if it came from someone else. Pero nang manggaling ito sa bibig ng isang Paul James Valderrama, it sounded more like a threat. Tuloy ay kinilabutan ako. “Gusto nila Lolo’t Lola na bantayan kita,” paglilinaw niya, as if it was supposed to make me feel loved and secured. Dito ko naramdaman ang paglukot ng noo ko. “What? Are you kidding me? Do I look like a five-year-old child to you?” Sinabi ko naman kina Tita Ada at Tito Albert na kaya ko na ang sarili ko. Hindi na ako ‘yong Iaree noon na mahina ang puso. I have a new heart which gives me the right to have a new life. “Mukha ba ‘kong nagbibiro?” seryoso niyang tanong. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Para bang ipinamumukha niya sa akin na 6’2 siya at 5’2 lang ako. O e ‘di ikaw na ang matangkad! Umirap akong muli bago humalukipkip. “Sabagay, hindi tayo close para mag-joke sa isa’t isa. Alis na nga ‘ko. Bye!” sabi ko nang nakangiti sabay kaway bago naglakad papalayo sa kanya. Akala ko makakalusot na. Ayon lang ay mas mabilis siyang kumilos kaya agad niyang nahawakan ang top handle ng bag ko. Napaatras tuloy ako pabalik sa pinanggalingan ko. Muntik pa akong tumama sa kanyang dibdib kung hindi ko nabalanse ang sarili. “Ano ba?!” singhal ko. Kunwari’y ‘di ko naintindihan ang kanyang masamang balita. After many years, I’ve seen him last month, and I thought that was it! “Sasamahan kita,” mariin niyang saad. Bago pa ako makapagprotesta, pilit niyang kinuha ang bag ko mula sa akin. Bagsak ang panga ko nang harapin siyang muli. Ang bilis lang ng pangyayari dahil suot-suot na niya ngayon ang bag ko. “I know you hate meddling with someone else’s business. So why are you doing this exactly?” Napasapo ako sa noo ko. Hindi ko kasi alam na kailangan ko itong problemahin ngayong umaga. Sa pagkakakilala ko sa kanya noon, ayaw na ayaw niyang nakikialam sa kahit na anong bagay. Kaya kung bakit pumayag siya ngayon sa gusto ng kanyang lolo’t lola ay hindi ko rin maintindihan. Imbes na sagutin ako ay wala siyang sinabi. Nilagpasan lang niya ako. At dahil dala niya ang gamit ko, wala akong choice kung hindi sundan siya. “Balak mo talaga akong sundan kahit saan?!” pasigaw kong tanong dahil ang bilis niyang maglakad. Sa haba ba naman ng biyas niya kumpara sa akin ay talagang mapag-iiwanan ako. Pinipigilan ko lang ipahalata na medyo hinihingal ako dahil ayaw na ayaw ko ‘yong feeling na naga-adjust ang ibang tao para sa akin. “Oo,” sagot niya. I gritted my teeth. “Kahit sa CR?” “Kung kinakailangan.” Kahit kailan ay nakakabwisit talaga siyang kausap! Ang hirap maging sarkastiko pagdating sa kanya. Thank God he slowed down. Naabutan ko siya. “Look, PJ. Hindi ko kailangan ng personal bodyguard. I’m old enough to travel around the world--” “Sumusunod lang ako sa utos,” sabi naman niya na para bang pinapalabas niyang hindi siya pwedeng tumanggi sa gusto ng kanyang lolo’t lola. Pero imposible ito dahil alam naman ng lahat na siya ang paboritong apo. Kaya nga sa magkakapatid na Valderrama, bukod sa nag-iisa nilang kapatid na babae, siya ang malayang nakakagawa ng kahit anong gusto niya. “Then follow my order, and leave me alone,” sabi ko. Dito na ako nagdesisyong iwan sa kanya ang bag ko. Tutal ay mga damit lang naman halos ang laman nito at nasa akin ang phone at wallet ko. Tinalikuran ko na siya at naglakad papunta sa ibang direksyon. At nang akala ko’y paiiralin niya ang kanyang pride at hahayaan na ako, narinig ko pa rin ang kanyang mga yabag. Mukhang nakasunod pa rin siya sa akin! Nakakainis! Alam ko namang nag-aalala lang sa akin sina Tita Ada at Tito Albert, pero sana naman ay magawa nilang respetuhin ang desisyon ko. Hindi ‘yong sa lahat ng taong pwedeng ipadala ay si PJ pa ang napili nila. I can’t believe I’m stuck with him!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD