Kabanata 2

2980 Words
The reason why I went here in Manila was to experience how to be independent. Buong buhay ko ay palagi na lang akong hindi pinapayagang lumabas ng bahay at makihalubilo sa ibang tao. I was home schooled. I was not allowed to go out nor attend events – kahit na mga simpleng birthday party basta sa labas ng bahay gaganapin. I have no friends, only some people I know before I was locked at home. Tila naging si Rapunzel ako – ang pinagkaiba lang ay wala akong mahabang buhok at prinsipe na pwedeng magsalba sa akin. Alam ko namang para sa akin din ang ginawa ng mga magulang ko noon because I had a heart condition. They wanted to take care of me. Pero ngayong may kakayahan na akong gawin ang mga hindi ko nagawa noon, ngayon pa ba nila ipagkakait ang kalayaan ko? Dahil para kay PJ ay isang malaking misyon ang sundan ako 24/7, alam kong malabong tigilan niya ang pagsunod sa akin ngayon. Kaya naman I had to think of another way to divert his attention to something else. Para magawa ko siyang takasan. Sinamantala kong nakasunod siya sa akin nang pumasok ako sa isang establishment. Napahawak ako sa puson ko at nagkunwang may iniindang sakit bago nagpunta sa comfort room. Balak ko sanang tumakas sa bintana ng cubicle. Kaya nga lang ay nanlumo ako nang makitang bukod sa masyadong mataas ang bintana rito, ang liit din nito para lusutan ng petite kong pangangatawan. Inihilamos ko ang dalawang kamay ko sa mukha. Napapadyak ako sa inis. Minamalas yata talaga ako. Nagsimula na akong mag panic kaya pilit kong kinalma ang sarili. Mukhang kailangan kong gawin ang Plan B! “PJ!” tinawag ko nang ilang beses ang pangalan ni PJ sa labas ng cubicle hanggang sa narinig ko ang pagbukas ng pinto ng CR. Be more dramatic, Iaree! I heard the low fuming tone of his voice. “Anong problema?” Bwisit na agad ito nang magtanong kaya tumirik ang mga mata ko. “Kailangan ko ng… tinapay please. With wings,” medyo nahihiya kong saad pero parang mas nainis pa siya. Buti na lang at walang ibang tao rito kung hindi’y sobrang nakakahiya talaga. “What?” “Tinapay with wings!” Bakit ba ‘di ko masabi ng diretso na napkin ang kailangan ko? Kung kalian naman kailangan kong maging prangka ay tsaka pa ako naduwag. “Tinapay na may wings?!” pagtataas niya lalo ng boses. Lagi na lang siyang high blood. “NGAYON?!” “Oo! Now na! Please… sige na, bilis!” Binigyan ko ng sense of urgency ang sagot ko. Nagpaawa na rin ako kahit na sa huli’y pinagdikit ko ang labi ko at nagpigil ng tawa. “What? Wait. But—sh*t!” Narinig ko ang mabilis niyang pag-labas ng CR. Halatang siya naman ang nag panic. Alam kong inis na inis siya ngayon na hindi naman na bago sa kanya dahil palagi naman siyang naiinis kahit sa maliliit na bagay noong magkapitbahay pa lang kami. Kaya nga tanda kong may mga kapitbahay kaming nakaaway niya sa basketball court noon. He suddenly got mad. He was being unreasonable, but he was not even sorry. Pag-alis niya ay kinuha ko itong pagkakataon para makatakas. Lumabas ako ng cubicle at naging maingat sa paligid hanggang makalabas ng building. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Nagmadali ako papunta sa highway at agad sumakay ng taxi. Ang bilis tuloy ng kabog ng dibdib ko. Siguro’y sa susunod ko na poproblemahin ang bag kong dala-dala ni PJ. Ang mahalaga’y ‘di niya ako masundan sa lugar na maaari kong tirhan. Ayoko naman kasing nakasunod siya sa akin habang ginagawa ko lahat ng nasa bucket list. Parang isang malaking bangungot iyon kapag nagkataon. Buti na lang at maayos akong nakarating sa condominium na pupuntahan ko. Medyo na-late lang ako sa oras na pinagusapan namin ng agent ko dahil kay PJ pero ayos lang dahil halos magkasunod lang daw kaming dumating. And the place was really worth the hassle this morning. Paano’y kung ano ang itsura nito sa litrato ay ganuon din sa personal. Mas malaki pa nga ang lugar kaysa sa inaasahan ko kahit na studio type lang ito. Kwento ng agent ko, ikinasal na raw ang owner ng unit na ito kaya naisipang iparenta na lang ang lugar. I love how the owner made use of white and wood to make the place look big and peaceful. Mukhang bagong ayos at pintura rin ang lugar kaya ang aliwalas. “Just in case, can I redecorate?” I couldn’t stop myself from smiling. Paano’y mukhang nahanap ko na ang perfect place para sa akin. “Oo naman! Basta make sure lang na wala kang gagawing permanent changes dito.” Tumango lang ako bilang assurance. Sa totoo lang ay wala naman akong problema sa minimalist design ng unit. Sadyang mahilig lang ako sa makukulay dahil na rin siguro sa hilig ko ang pagpinta. I’ll just add a few colorful touches para mas maging fit ang lugar sa personality ko. Inilibot kong muli ang mga mata ko sa paligid at natuwa dahil fully furnished na ito. Hindi na ako mahihirapan pang mag-ayos ‘pag nagkataon at reasonable din ang rent espense. This place is too good to be true. Gusto ko pa sanang magduda, but I love it and I really need a place before the sun sets. Kung hindi kasi ako makahanap ngayong araw, siguradong pababalikin na ako nina Tita Ada at Tito Albert sa Batangas. “Naku, Ma’am! Kung ako sa ‘yo ay kukuhanin ko na ito. Ang ganda ng location ng condo na ‘to! Accessible na sa mga establishments at transportation. Madaling kausap ang owner at sikat din ito sa mga bagong mag-asawa!” sabi ng agent. ‘Yong huli niyang sinabi ang kumuha ng atensyon ko kaya napatingin ako sa kanya. Nahihiya akong tumawa. “Ay single po ako,” paglilinaw ko pero parang ‘di siya naniniwala. “Ah mag boyfriend pa lang po kayo?” tanong naman niya kaya mas lalo akong nagtaka. No boyfriend since birth ako. Paano pa ako magkakaroon ng boyfriend e hindi nga ako pinapatapak sa labas ng bahay. Itatama ko sanang muli ang kanyang sinabi nang mapansin kong may iba siyang tinitingnan sa bandang likuran ko. Maybe she’s looking at the cause of her confusion. Tumayo naman ang buhok ko sa batok dahil dito. Dahan-dahan akong lumingon. Napasinghap ako at napaatras nang sa bukas na pinto ay nakita ko si PJ. Madilim ang kanyang awra habang seryosong nakatitig sa akin. Napatakip ako ng bibig nang makita kong may bitbit siyang dalawang plastic – ang isang ay may lamang loaf bread, ang isa naman ay may pandesal! “May problema ba, Ma’am?” tanong sa akin ng agent ko pero pigil na pigil ako sa paghagalpak ng tawa ngayon imbes na matakot. “Parating pa lang ‘yung in-order kong wings. Original flavor. Isang box na ‘yon, baka magkulang pa,” PJ said. And his first few words made me broke into laughter. Aba’t mukhang proud pa siya! Ano ba, PJ?! Pogi ka pa naman sana! *** Sitting Indian style on the wooden floor, may chicken wings at tinapay sa harapan namin ni PJ. Nakasandal kami pareho sa gilid ng kama na nakapwesto malapit sa malaking bintana. Humagikgik ako dahil ‘di pa rin ako nakaka-move on sa kanyang pagkakamali. Ngunit nang tingnan niya ako nang masama ay agad akong ngumisi at nagkunwaring ni-zipper ang bibig. Nakasimalmal si PJ ngayon matapos kong linawin sa kanya na napkin talaga ang pinapabili ko kanina – and of course, I told him I lied. Hindi man niya aminin ay halata sa reaksyon niya ngayon na hiyang-hiya siya sa nangyari. Kaya nga hindi niya ‘ko matingnan ng diretso at nakabusangot siya. Pasensya na lang siya dahil hindi ako natatakot sa pagsusungit niya. Iniwan na kami ng agent na nakausap ko matapos kong pirmahan ang kontrata para marentahan ang condo unit na ito for one year. Nai-bank transfer ko na rin agad ang bayad kaya ngayon ay wala na akong ibang intindihin bukod sa pag redecorate ng lugar. Hindi ko na pinatagal pa ang pag-uusap dahil mukhang matino naman ‘yong agent na nakuha ko sa pagkakataong ito. Maayos ang lugar at mukhang malinis ang kontrata. Sayang naman kung palalagpasin ko pa ito. “Paano mo ‘ko nahanap ulit?” tanong ko kay PJ dahil akala ko’y nagawa ko na siyang takasan kanina noong inutusan ko siya. Dahil tanghalian na rin ay ginalaw ko na ang dala niyang pagkain. Babawiin pa sana niya ito dahil sa pagkapahiya pero pinigilan ko siya at nakipag-agawan talaga ako. Sayang naman kasi dahil balak niyang itapon. He really has a bad temper. “I put a tracker on you,” sabi niya na nagpabilog sa bibig ko. “WHAT?!” “May tracker akong inilagay sa ‘yo,” E tinagalog lang niya ang sinabi niya kanina! Kinapa ko ang katawan ko at nalamang tama nga siya! May nakapa akong maliit na tracking device sa likuran ko. Marahil ay naidikit niya ito sa akin noong kinuha niya ang bag ko. I groaned loudly in frustration. Napakagat ako sa hawak na chicken wings at ako naman ang sumibangot. Sandali kaming natahimik pareho bago ako hindi nakapagpigil at muling nagsalita. “Bakit ba sinusunod mo ang utos ng lola’t lolo mo ngayon? E ‘di ba dati naman ginagawa mo lang kung anong gusto mo?” himutok ko. Si PJ ‘yong tipong palaging tikom ang bibig ngunit kapag nagsalita ay kadalasang wala sa mood o galit. Kaya nga akala ko ay hindi niya papansinin ngayon ang tanong ko. Tuloy ay kumagat na lang ulit ako ng malaki sa hawak na tinapay. “Iba ang sitwasyon ngayon. Ginagawa ko rin ito para sa mga tauhan ko.” Nasamid ako nang subukan kong magsalita agad. Animo natunugan nang mangyayari ito, inabutan niya ako ng tubig galing sa bag ko. It seemed so natural. And with this small gesture, I remembered how strict he was when we were still neighbors. Palagi kasi akong nasasamid kapag kumakain kaya kabilin-bilinan niyang magdala ako palagi ng bottled water o tumbler sa tabi ko kapag kumakain. At nakasanayan ko namang sundin ito. Yes, we used to be neighbors. Minsang tumira ang pamilya ko katabi ng bahay ng mga Valderrama sa Batangas noon. Dito mas naging malapit ang mga magulang ko at sina Tita Ada at Tito Albert na matagal naman nang magkakakilala. Pagkapanganak ko pa lang ay naging parte na sila ng buhay ko dahil ginawa silang ninong at ninong ng mga magulang ko. Dahil sa Maynila nagkolehiyo, tuwing katapusan ng linggo ko lang nakikita ang magkakapatid na Valderrama. At nakakainggit dahil kapag nakikita ko sila, palagi silang masayang nagtatawanan na para bang ang simple-simple lang mabuhay. Tanda ko pa noong unang beses akong tumakas ng bahay, dito ako nagkaroon ng pagkakataong maaya ng mga Valderrama sa kanilang bahay. While Reign and Kuya MJ was very welcoming towards me, napakaseryoso naman nina Kuya TJ at PJ. Aba’t lalo na si PJ na hinding-hindi ko makakalimutan ang busangot na mukha. Wala ang mga magulang ko noon kaya tinanggap ako nila Tita Ada at Tito Albert sa kanilang bahay. Pinakain nila ako at tinrato ng maayos – higit pa sa inaasahan ko. Their family is truly one of a kind. Mas lalo ko silang hinangaan nang makita ko ito nang mas malapitan. Napakamailap ni PJ sa akin noon – mukhang sa lahat naman. Pero nang isang beses akong masamid habang kumakain, siya ang unang-unang taong nakapag-abot sa akin ng tubig. Ang simpleng bagay lang nito para sa iba kung tutuusin, pero malaking bagay ito para sa akin. I was born with congenital heart disease. And every small act of kindness matter to me. Kung hindi lang lumala ang sakit ko noon, marahil ay hindi naisipang lumipat ng mga magulang ko. Siguro hindi— “Tatanggalin ba sila kapag ‘di ka sumunod?” tanong ko para putulin ang kung anu-anong naiisip ko. Muli akong uminom ng tubig. “Hindi ko kailangang ipaliwanag lahat sa ‘yo,” mariing sagot ni PJ na kanina ko pa naman inaasahan. Bumuntong hininga na lang ako at napailing sa kawalan. I guess he really is PJ. “Well, whatever your reason is, I am still against you being my personal bodyguard. So, if I were you, I’m ending whatever deal I made with my grandparents before the girl I've been assigned with turns my life into a living hell,” I warned him. Dito namin tiningnan ang isa’t isa ng diretso. Habang matalim ang tinging ipinukol niya sa akin, hindi naman ako nagpasindak at pinaningkitan ko siya habang tikom ang bibig na nakangisi. “Don’t waste that look on me, sige ka. Ikaw rin. I might even find you charming,” sabi ko sabay kindat. Paano’y alam ko nang puro pananakot ang gagawin niya sa akin simula ngayon. Pero hindi ako tulad ng ibang babae na madali niyang mapapaamo sa pamamagitan nito. I’m stronger than what everyone thinks. Imbes na magpadala sa inis na nararamdaman, nagpatuloy na lang ako sa pagkain lalo na’t lunch na. Pansin ko nga lang na ‘di siya kumakain kaya nagsalita ako. “Kumain ka kaya.” “Hindi na,” sambit niya. “Dahil busog ka na, makita mo lang akong kumain?” Nag beautiful eyes ako sa kanya. Pero mas lalo lang nagsalubong ang kanyang kilay. “Nakakawalang gana kumain kaharap ka,” mabilis niyang balik sa ‘kin kaya muntik ko na siyang mahampas. For someone as serious as him, ang lakas pa rin niyang makapang-asar. “Then turn around and eat,” pilosopo kong suhestyon. Dito naman siya tumayo bigla at naglakad papunta sa pinto ng unit ko. “Oy, saan ka pupunta?” Akala ko ba, you want him gone, Iaree? “I’ll just see you around,” sabi niya na para bang ang lakas ng kumpyansa niyang hindi ako basta maglalaho kapag nawala ako sa kanyang paningin. “Aren’t you worried that I might disappear again?” “Hindi. Alam ko namang mahahanap ulit kita.” I rolled my eyes when he left. Paano’y hindi naman niya nagawang isarado ng mabuti ang pinto. Tuloy ay tumayo pa ako para ayusin ito. Ayon nga lang, kung hindi ba naman ako minamalas ay sira pala ito kaya bumukas pa rin sa paglabas niya. Napahikab ako. Gusto ko mang intindihin ang sirang lock ng pinto, magpapahinga muna ako bago ituloy ang laban. Naglagay na lang ako ng harang na upuan sa pinto para hindi ito tuluyang bumukas bago bumalik sa loob. Muli’y inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at nakahinga nang maluwag. One more item crossed off my list. *** “Pinapunta niyo po ba talaga si PJ para bantayan ako?” tanong ko nang tumawag sa akin si Tita Ada kinagabihan. Nagising lang ako dahil sa ring ng phone ko. Hindi ko namalayan kung anong oras na, basta nakita kong madilim na sa labas ng bintana. “Ay oo, iha. Hindi pala namin nabanggit sa ‘yo. Your tito and I are worried now that you’re staying in Manila. Wala ka namang ibang kakilala dyan so just consider your Kuya PJ as a friend merely watching over you.” May kaibigan bang maglalagay sa ‘yo ng tracker? Tsaka kinilabutan ako nang maisip kong Kuya PJ ang itatawag ko sa kanya. Paano ba naman ay noong unang beses ko siyang tinawag na Kuya PJ noon ay nainis siya sa akin. Tanda ko pang linya niya… “Hindi tayo magkapatid.” Kaya nga siya lang talaga ang hindi ko kinukuya sa kanila. “Utusan mo lang si PJ. Nandyan siya para protektahan ka,” narinig ko ang boses ni Tito Albert sa background. PJ has always overseen the security of their whole family and businesses. Kaya siguro iniisip nina Tita Ada at Tito Albert that he’s the best person for the job. Hindi naman nila mauutusan sina Kuya TJ at Kuya MJ na bantayan ako e. Ang hirap lang. Inaanak nila ako pero parang sobra-sobra naman yata ang binibigay nilang pag-aalaga sa akin. Tipid na lang akong ngumiti at pinigilan ang sarili magreklamo. I know they have the best intention for doing this. Siguro’y ako na lang ang kailangan mag adjust. Basta hindi pwedeng makaistorbo si PJ sa mga plano ko. Dahil hindi pa naman nakakaramdam ng gutom, inuna ko na lang muna ang pag po-post online ng mga paintings ko. I’ve been painting my whole life kaya ang dami kong pwedeng ibenta. Ikaw ba naman ang makulong sa bahay. Wala akong ibang mapagkaabalahan bukod dito at sa mga online classes ko. Being a painter, I also express my thoughts and feelings through art. Sa kalagitnaan ng ginagawa ko ay kumulo ang tyan ko. Kaya naman tumayo na ako at naghanda nang lumabas. Napabukas-sara nga lang ang mga mata ko nang mapansing nawala ang upuang iniharang ko sa pinto. Syempre’y kinabahan ako dahil baka nalooban na pala ako nang ‘di ko namamalayan dahil malalim ang tulog ko. Agad akong lumapit dito para mainspeksyon ang lugar. Hinawakan ko ang doorknob at hihilahin lang sana ang pinto nang ‘di ko na ito pwedeng basta hilahin. It was only when I turned it that the door finally opened. Mukhang naayos na pala ‘yong sirang pinto kanina! Ang saya lang dahil ang bilis namang rumesponde ng agent ko. ‘Ni hindi ko na kailangan pang magsabi bago nila ito ayusin. Mukhang ‘di talaga ako nagkamali ng lugar na napili. Aalis na sana ako para kumain nang maisipan kong tingnan muli ang bucket list. Marami-rami pa kasi ang nakasulat dito kaya baka may pwede pa akong ma-crossed off ngayong gabi. And luckily, I saw one item I’m interested in doing tonight. Sexy dancing in a club.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD