Well, obviously, I haven’t been in a club before.
Kaya naman pagpasok ko sa Royal Club, nabigla ako nang batiin ako ng malakas na tugtog na animo tumangay sa kaluluwa ko. Ang sakit nito sa tainga! Halos mabali rin ang leeg ko nang ilibot ko ang mga mata ko sa paligid. The place was crowded. Napapikit ako nang unang beses tumama sa mga mata ko ang iba’t ibang kulay ng ilaw dito.
Nagtaka pa ako. Dahil sa kabila ng estado ng lugar, mukhang nagkakasayahan pa ang lahat. Habang may ilang nagsasayawan sa dance floor, ang iba naman ay nakaupo at nakikipag-usap sa mga kasama nila habang umiinom ng alak. Kung paano nila nagagawang mag enjoy ay isang malaking misteryo sa akin. And I’m out here to figure it out.
Napili kong magpunta sa Royal Club dahil base sa mga articles at reviews na nakikita ko online, isa raw ito sa pinakasikat at pinakamagandang clubs dito sa Maynila. Wala naman akong ibang mapagbabasehan kaya siguro sa ngayon, paniniwalaan ko na lang muna ito.
Mabuti na nga lang at naisipan kong magsuot ng black lace lingerie na ipinares ko sa short black leggings dahil hindi naman ako mukhang out of place. Mas sexy pa nga ang suot ng karamihan sa mga babaeng nakikita ko rito. Nagsuot naman muna ako ng white fur coat dahil hindi ako kumportableng mag commute sa ayos ko.
Of course, I used a disguise. Nagsuot ako ng blonde wig with bangs at kinapalan ko rin ang make-up ko. Kahit na alam ko namang walang makakilala sa akin dito sa Maynila, gusto ko pa ring makasigurado. Ayokong mahanap ng kahit na sino pagkatapos ng gabing ito. Kaya ano man ang magawa ko rito, it should just stay here forever.
Pagdating ko sa loob ng club, huminga muna ako ng tatlong beses para kumalma ako. May waiter na nag-alok sa akin ng cocktail drink pero agad kong tinanggihan. Nasa bucket list ang pag inom ng alak pero hindi ko muna ito balak gawin sa ngayon. Dahil bukod sa hindi naman ako umiinom talaga, hindi pa rin ako ganuon katiwala sa bago kong puso para abusuhin ito. Naghanap na lang ako ng counter kung saan ako humingi ng tubig at uminom para maginhawaan ang pakiramdam kahit papaano.
Kumukulo ang tyan ko. Pero alam ko naman ang ipinunta ko rito kaya iyon muna ang iintindihin ko bago ako kumain ng hapunan.
For starters, I need a pole.
I’ve watched a few videos for this item on my bucket list. Isang beses na rin akong umattend sa pole dancing class. Paano’y hindi naman kasi ako nagsasayaw ng sexy. Sana lang ay magawa ko ito ng tama para hindi ako mahusgahan ng mga taong makakapanuod sa akin ngayong gabi. Syempre’y ayoko namang magmukhang katatawanan.
Mabuti na lang at wala masyadong tumatambay sa area kung nasaan ang pole. Malapit ito sa DJ kaya dumiretso ako sa kanya para papalitan ang tugtog. Noong una ay tiningnan lang niya ‘ko, marahil ay hindi ako naintindihan dahil nakatitig lang siya sa mukha ko. Kinailangan ko pa tuloy isigaw sa kanya ang kailangan ko para gawin niya ito. Nagbigay na lang ako ng tip to compensate his hard work for tonight.
Tumigil sa pagsasayaw ang mga tao sa dance floor nang magbago ang tugtog. Lalo na nang makalapit na ako sa pole. Hinubad ko naman ang suot na sandals para mas ligtas ako sa gagawing pagsayaw. Sa peripheral vision ko ay nakita ko ang bulungan ng mga tao dahil sa pagsulpot ko. Marahil ay nainis sila dahil kinailangan nilang huminto dahil sa ‘kin. E sino ba naman ako kung tutuusin?
~How can you see into my eyes like open doors? Leading you down into my core where I've become so numb~
Mas kinabahan ako nang marinig kong magsimula ang tugtog. Bumuga ako ng isang malakas na hangin. Sandali kong tinitigan at hinawakan ang pole bago napalunok. Nakailang punas din ako ng kamay sa coat ko. Kinakabahan ako. Natatakot.
But then I realized that the Iaree I knew a few months ago wouldn’t even dare come close to this place. And I don’t want to lose the chance to live my life differently just because I’m scared. I’ve been scared my whole life; it’s time I become brave for myself.
“Is that a new dance challenge?” narinig kong sarkastikong tanong ng isang babae sa dance floor. Nagtawanan tuloy ang lahat dahil dito.
I guess it’s now or never.
I bit my lower lip and glared at the crowd provocatively. Dito ko nakita ang ilang babae na tinakpan ang mga mata ng boyfriend nila lalo na nang bahagya akong gumiling. Tuloy ay natawa ako bago itinuon ang atensyon sa pole na kaharap.
Naalala ko ang tip na nabasa ko online, let go of the crap to get better at pole dancing. Kaya naman ibinagsak ko ang suot na coat sa sahig, kasabay ng ‘di ko pag-intindi sa iniisip ng ibang tao sa akin. Tumama ang malamig na hangin sa balat ko kaya kinilabutan ako. Ngunit hindi ako nagpaapekto at nagpatuloy lang. Saktong mas nagpabago-bago ang kulay ng ilaw.
Tulad ng napanuod ko, ginamit ko ang kanang kamay ko panghawak sa pole habang ang inner foot ko ay nasa base naman nito. I straightened my arm, my weight hanging away from the pole. Habang nakapahinga lang ang isang kamay ko, dito ako umikot sa pole. I kept my outside leg straight and swung it out to the side, stepping all the way around the pole and pivoting on my inside foot. As much as possible, I made sure that I still look graceful kahit nanginginig ang mga tuhod ko.
Huminto ako sandali at humarap sa mga tao. I did a slight back slide on the pole, winking at the end to hide my fears. Pagkatapos ay tumayo ako at sinubukan ang pag-akyat sa pole kahit na mukhang mahirap. Wrapping my leg around it, I pulled my body up with my hands. Ilang dasal ang ginawa ko para hindi ako malaglag. Muntik pa akong matawa sa sarili nang ma-imagine kong mukha akong manok na nakatusok sa rotisserie ngayon. Gutom na nga siguro ako.
Hirap na hirap, nang halos makakalahati na ako ay narinig ko ang palakpakan ng mga taong nanunuod sa akin. Hindi ko naman inasahan ang suporta nila lalo na’t beginner lang ako sa pole dancing.
Pagbaba ko ng pole ay dito ko lang nakita ang reaksyon ng mga taong nanunuod sa akin. May ilang tumayo pa talaga mula sa kani-kanilang table at lumapit kung nasaan ako para lang makita ako nang mabuti. May mga nagsasayaw na ngayon ay hawak ang kanilang phone at nagbi-video.
I even saw one man holding his DSLR camera, with me being his subject!
I’ve never felt this intensity in my entire life before. Pakiramdam ko’y para akong kriminal na nakatakas sa preso o ‘di kaya’y animal na nakabalik sa wildlife.
Dahil hindi pa ako tapos ay bumalik ako sa pole. I hooked the pole with my leg and arched my body backwards. At may susubukan pa naman sana akong advanced move nang may biglang humawak sa braso ko. Muntik na akong tumumba kung hindi ito naging mabilis sa pagsapo sa beywang ko.
What the hell?!
Nahirapan akong makita kung sino ito dahil sa magulong ilaw. Tsaka ibinalot din nito sa buong katawan ko ang coat ko at nanatili ito sa likuran ko habang iginigiya ako palabas ng club. At nang ‘di pa nakuntento, dahil sa pagpupumiglas koý binuhat ako nito na parang sako! Mas inintindi ko tuloy ang suot kong wig imbes na hampasin siya nang hampasin para ibaba ako.
“Ano ba?! Ibaba mo nga ako!” sigaw ko nang paulit-ulit. Halos maputol ang ugat ko sa lalamunan pero hindi niya ako pinapansin. Ang tingin naman siguro ng mga tao rito sa club ay away mag boyfriend -girlfriend lang ang nangyayari kaya hindi sila nakikielam. E sa hindi ko nga kilala kung sino itong may karga sa akin!
Nang makalabas na kami ng club, akala ko naman ay ibababa na ako nito. Kaya naman laking gulat ko nang umabot pa kami sa parking lot. Ubos na ang pasensya ko kaya kinagat ko ito sa tagiliran. Ibinuhos ko talaga ang gigil ko rito. Kaya narinig ko ang sunod-sunod at malutong nitong mura na awtomatiko kong nakilala.
Muntik na akong matumba nang ibaba ako nito sa sahig. At nanlaki ang mga mata ko nang makitang si PJ nga ito!
“Ikaw na naman?!” bulyaw ko sabay turo sa kanya. Pakiramdam ko’y umuusok ang ilong ko sa inis. “May tracker ka na namang inilagay sa akin?” Hinubad kong muli ang coat ko at kinapa ang katawan ko. Hinanap ko kung nasaan ang tracker.
Nakita ko naman ang pag-igting ng kanyang panga habang nakatitig sa akin. Siya naman ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Pansin kong may grupo ng mga lalaking bumaba ng sasakyan nila malapit sa amin at mukhang sa club din ang punta. Tumingin sila sa akin at mukhang concerned sa nangyayari.
“F*ck. Just wear your damn coat!” sigaw ni PJ bigla na ‘di ko agad napakinggan kaya naman siya na ang pumulot ng coat ko at pilit na nagsuot nito sa akin. Hindi ko napansing nakuha pala niya ‘yong sapin ko sa paa at ibinato niya ito sa sahig para suotin ko.
“Wait lang kasi!”
Wala na talagang gentleman sa mundo.
Sinuot ko na ‘yong sandals ko sa sarili. “Susundan mo ba talaga ‘ko kahit saan ako magpunta?!” reklamo ko. “Why are you even wasting your time on me?”
“Sinabi ko na sa ‘yo ang dahilan. Para ito sa mga--”
“Yeah right, para sa mga tauhan mo.” Napairap ako sa kawalan. Alam naman niyang ‘di niya sinabi sa akin ang buong dahilan ng pagsunod niya sa inuutos sa kanya. How am I supposed to understand the situation?
Binuksan niya ang pinto ng kanyang pickup truck. Matalim na tingin ang muli niyang ipinukol sa akin.
“Bumalik na tayo,” sabi niya at imbes na intayin ako, nauna na siya sa driver’s seat.
Counted naman na siguro sa bucket list ‘yong ginawa kong pagsasayaw kanina. At dahil pagod na ako, hindi na ako nagprotesta pa at kusang pumasok sa sasakyan ni PJ.
“Mag seatbelt ka,” sabi nito nang buksan ang makina ng sasakyan pero hindi ko pa rin pinansin. Nagkunwari akong walang narinig.
At dahil ang impatient niyang tao, imbes na paandarin nang tuluyan ang sasakyan ay lumapit pa siya sa akin at kinabit ang seatbelt ko. It wasn’t as romantic as what I usually see in the movies. Paanoý nakasibangot siya sa akin habang inis na inis itong ginagawa. Hindi naman ako nakahinga dahil sobrang lapit ng katawan niya sa dibdib ko. Awtomatikong bumilis ang kabog ng dibdib ko na hindi naman nangyayari dati. Kinabahan tuloy ako dahil baka may mali pala rito.
Nang lumayo na siya sa akin ay tumikhim lang ako. Wala akong sinabing kahit na ano at pinakiramdaman lang ang sarili. Marahil ay katas pa ito ng adrenaline rush ko kanina habang nagsasayaw.
Tahimik lang kami ni PJ pabalik sa condominium. Pareho kaming wala sa mood ngayon dahil sa nangyari. Pumikit na lang ako para wala na akong ibang masabi nang magsalita pa siya.
“I will not get the investment I need to put up our headquarters in Manila.” It was out of nowhere. Kaya kinailangan ko pang ikonekta ito sa nauna niyang sinabi sa akin.
Kapag hindi niya sinunod ang utos sa kanya ng kanyang lolo’t lola, hindi mabibigay sa kanya ang investment na kailangan niya? Mabibigo niya ang kanyang mga tauhan?
“Headquarters… so parang office niyo sa Manila?”
Tumango lang siya. Kung hindi ako nagkakamali, kapag nagkaroon na sila ng headquarters sa Maynila, mas magiging madali ang trabaho para sa kanilang mga empleyado na taga Maynila talaga pero sa Batangas piniling magtrabaho. Dito na rin siguro gagawin ang kanilang mga trainings kaya mas convenient. Tamang-tama ito para sa mga bagong properties nila sa Maynila na kailangang bantayan.
Hindi na muna ako umimik at inabsorb ang kanyang sinabi. Ngayon ay mas naintindihan ko na kung bakit hindi niya magawang tanggihan ang inuutos ng kanyang lolo’t lola. Kahit na alam ko namang ayaw din niya ng ginagawa. Kung bakit ba naman kasi idinamay pa nina Tita Ada at Tito Albert ang bagay na sila rin naman ang makikinabang kapag nagkataon.
“Hindi ako gumamit ng tracker.” Napatingin ako kay PJ. Seryoso lang siyang nakatitig sa daan. Humigpit naman ang hawak niya sa manibela nang magpatuloy sa pagsasalita. “Lumabas ako kasama ng mga tauhan ko noong makita ka namin sa stage.”
Nag-init ang pisngi ko. Gumapang ito sa buong katawan ko. Mukhang mumultuhin pa ako ng ginawa hanggang sa totoong buhay ko kahit na naka-disguise pa ako.
I wanted to know if I did well but that would be too weird to ask – especially since we’re not even close.
“Sinisira mo ba ang buhay mo?” pasinghal niyang tanong. Halatang hindi siya sangayon sa mga ginagawa ko.
“Sinisira agad? Hindi ba pwedeng I’m just having fun?”
“Halos paliparin mo ang motorsiklo mo noong nakaraang buwan. Did you also do that for fun?”
“Hindi ko kailangang ipaliwanag lahat sa ‘yo,” paggaya ko sa sinabi niya sa ‘kin noon. At mukhang nainis siya dahil binilisan niya bigla ang pagmamaneho. Tuloy ay natawa ako.
“Ay pikon! Ito naman masyadong seryoso. I have a bucket list to complete.” Mas lumukot ang mukha niya pero wala siyang sinabi pabalik.
Nagtanong pa siya e hindi naman niya pinansin ang sagot ko. Nagkibit-balikat na lang ako at binuksan ang bintana ng kotse. Hinayaan kong tumama sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin.
Dahil hindi naman ganuon kalayo mula sa condominium ang club na pinuntahan namin, mabilis din kaming nakauwi. Una na akong bumaba at dire-diretso lang ako sa elevator. Naramdaman ko na lang na kasunod ko pa rin siya. Siguro’y ihahatid niya ako para makasiguradong talagang babalik na nga ako sa unit ko.
Kaya naman habang naghihintay kami sa pagbukas ng pinto ng elevator ay napilitan na ‘kong magsalita.
“Alright. Why don’t we make this a win-win situation? You can follow their orders; I can do whatever I want.” Nagtatanong ang kanyang mga mata nang tingnan ako. “I mean… yes, you can follow me around dahil iyon ang utos sa ‘yo, but please don’t you ever get in the way of the bucket list I need to complete again.”
I must play along hanggang si PJ mismo ang umayaw na sundan ako kung saan-saan. I know he’s not a very patient person kaya agad din itong susuko kapag napagtanto niya kung ano ang mundong pinapasok niya.
“Your safety is my top priority,” sabi niya na malayo sa sagot na gusto kong marinig kaya nadismaya ako.
Magsasalita pa sana ako nang kumulo ang tyan ko. Napahawak at napatingin ako rito at si PJ naman ay napatingin din. Ngumisi ako sa kanya at buti saktong bumukas ang pinto ng elevator kaya natakasan ko ang nakakahiyang sitwasyon.
Nagtaka naman ako nang imbes na 8th floor kung nasaan ako ay 9th floor ang pinindot niya.
“Nagkamali ka yata ng pindot. Hindi dyan ang unit ko,” paliwanag ko.
“Alam ko,” tipid niyang sagot. Alam naman pala niya e bakit mali pa ang pinindot niya? Hay! Kahit kailan!
Pipindutin ko sana ang number 8 nang iharang niya ang kanyang katawan sa pindutan.
“Excuse me,” sabi ko at sisingit pa sana nang matigilan ako sa sinabi niya.
“Doon tayo sa unit ko.”
Hinigit ko ang hininga sa narinig. Nanlamig din ang buong katawan ko.
Akala ko ba safety ko ang priority?!