Kabanata 4

2567 Words
PJ gave me a divine experience. It was tender and flavorful. I think it was the best I’ve ever had. And I just couldn’t get enough of it... “Can I please have some more?” Nag puppy eyes na ako kay PJ para pagbigyan niya ako. Kahit ako’y kinilabutan sa ginawa lalo na nang makita ko ang pagsasalubong ng kanyang kilay. Hindi ko naman kasi inakalang ang galing pala ni PJ. Akala ko dahil sa pagiging maiintin ng ulo niya, imposibleng may tyaga siyang magluto ng pagkain. Pero ngayon ko napatunayang totoo pala ‘yong kasabihang don’t judge a book by its cover. Paano’y kung anong ikinasama ng mukha niya sa araw-araw ay siyang ikinasarap ng niluto niyang beef stew ngayong gabi! Wala naman akong arte pagdating sa pagkain pero nang matikman ko ang kanya, parang tumaas bigla ang standards ko. PJ can be a chef! Imbes na lagyan lang ako ng kanin sa pinggan, isang buong kaldero na ang inilagay niya sa ibabaw ng lamesa. Tuloy ay agad naglaho ang ngiti sa labi ko. “Seriously?” Nagtaas ako ng isang kilay. Anong akala niya sa akin, lalamon? “Kulang pa?” tanong niya na para bang ‘di siya nagbibiro kaya mas nainis ako. I bit my lower lip and ignored him. Ako na lang ang sumandok ng kanin ko at nakita kong nilagyan naman niya ‘ko ng tubig sa baso. Nagulat talaga ako nang ayain ako ni PJ sa 9th floor. Lalo na nang malaman kong may unit siya sa kaparehong condominium kung saan ako nangungupahan. Of course, it was odd and questionable! Kaya nga hindi talaga ako bumaba ng elevator hanggang sa sagutin niya ang mga tanong na gumugulo sa isip ko. Ngayong araw lang daw siya nakahanap ng bakanteng unit dito sa condominium. Kumuha lang siya nang malaman niyang dito na ako titira simula ngayon. Ginawa raw niya ito para mas mabantayan ako ng mabuti. Hindi naman niya sinabi sa akin agad kung bakit niya ako inaaya sa kanyang unit. Bukod sa kabaliwang naisip ko, I just assumed that he wanted to show me around his new place. Kaya nga laking gulat ko nang pagpasok na pagpasok namin ng pinto ay dumiretso siya sa kusina at nagluto. Dito ko napagtanto na gusto lang niya akong pakainin dahil narinig niya ang pagkulo ng sikmura ko. Malamang kasi ay wala na akong makakainan sa labas kahit gustuhin ko man dahil alanganing oras na. Papasa na ba akong interpreter o mind reader? Kung bakit ba naman kasi ang tipid niyang magsalita, tapos minsan na nga lang bumukas ang bibig ay galit at nakakainis pa! “Mabuti may nahanap ka agad na bakanteng unit?” tanong ko dahil nahirapan pa akong mahanap ang unit ko online. “Nagpahanap ako,” simpleng sagot niya. Siguro sa mga tauhan niya. Pansin kong simula kanina’y ako lang ang kumakain. At hindi na ako nagtanong pa dahil baka mainis lang ako sa sagot niya katulad noong lunch. Tsaka bakit ko ba siya inaalala? Siguro naman ay kumain na siya sa club kanina. “Nagluluto ka pala?” Ang hirap magsimula ng small talk kay PJ lalo na’t wala siyang ibinabalik na kahit na ano para magpatuloy ang pag-uusap namin. “Oo,” napakatipid niyang sagot. “Kumain ka lang. Baka masamid ka na naman.” Gusto ko lang naman sana na kahit papaano ay magkasundo kami. Lalo na’t balak niyang bumuntot sa akin palagi. Pero dahil mukhang ayaw naman niya akong kausap, bahala na siya. Hindi ko na ito pagsisikapan pa. Pinuno ko na lang ng pinuno ng pagkain ang bibig ko imbes na magsalita. “Hindi ka mauubusan,” komento niya pero umirap lang ako sa kawalan. Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga niya. Inilibot kong muli ang mga mata ko sa paligid. Fully furnished na rin pala ang napili niya, kulay puti at itim ang karaniwang kulay na makikita. Hindi tulad ng unit ko, mukhang mas malaki ang nakuha ni PJ. May dalawang pinto akong nakikita kaya baka may dalawang kwarto ang nakuha niya. Nakahiwalay din ang sala sa kusina kung nasaan kami ngayon. Kung tutuusin ay masyado itong malaki para sa isang tao pero baka marami naman siyang pera para upahan ito kaya kinuha na niya. Pagsubo ko ng malaki, biglang tumayo si PJ sa harapan ko kaya ibinaling ko sa kanya ang atensyon ko. Sa iba nakatingin ay nagsalita siya. “Pagkatapos mong kumain, iwan mo na lang lahat sa lababo. Sarado mo ang pinto pag-alis mo.” Binukas-sara ko naman ang mga mata ko bago siya sinundan ng tingin… Naghikab si PJ nang maglakad papunta sa isang pinto. Parang antok na antok siya kaya hindi na niya kaya pang mahintay akong matapos kumain. Nainis naman ako lalo. Akala ko kapag personal bodyguard ko siya, I’ll be given special treatment. Pero mukhang nagkamali ako. PJ will always be PJ. Mambubwisit pero never magiging sweet. Imbes na sundin ang sinabi niya, pagkatapos kong kumain ay inayos ko sa refrigerator ang mga natirang pagkain. Dito ako nagulat dahil ngayon lang siya lumipat dito pero punong-puno ang laman ng kanyang ref. Saan ba pwedeng mag hire ng tulad ng mga tauhan niya? Pagkatapos kong magligpit ay naghugas na rin ako ng mga pinaggamitan namin sa lababo. Nang masigurado kong maayos na ang lahat, lumabas na ako ng unit ni PJ. Isasarado ko na sana ang pinto nang magdalawang isip ako. Natutulog kaya talaga si PJ? May tao kaya rito sa isang kwarto kaya gusto na niya akong paalisin? Interesado akong malaman kung anong itsura ng loob ng mga kwarto. Siguro’y ilang minuto rin akong nagdalawang isip bago ako tuluyang bumalik sa loob ng unit. Baka kasi hindi pa ako makatulog dahil dito. Dahan-dahan, inuna ko muna ‘yong pinto na hindi pa binubuksan ni PJ. At tama nga ako ng hinalang kwarto rin ito. Mayroon kaya siyang roommate o talagang extra room lang ito? Wala naman akong nakitang ibang tao rito. Nagkibit-balikat na lang ako. Ang alam ko may girlfriend siya dati pero hindi ko alam kung sila pa rin hanggang ngayon. Tyaka kung may girlfriend man siya, for sure they would want to share the same bed. Natawa na lang ako sa loob-loob ko. Kung makapanghula naman ako ay parang nagkaroon na ako ng boyfriend. Sunod ko namang pinuntahan ang kwartong pinasukan ni PJ. Kinagat ko ang labi ko at halos hindi na humihinga nang pihitin ko ang seradura ng pinto at sumilip ako sa awang nito. Una kong hinanap si PJ at mukhang hindi nga siya umaarte kanina. Talagang inaantok nga ito dahil nakita kong nakahiga ito ngayon sa kanyang kama at mahimbing na natutulog. Pinagdikit ko ang labi ko nang makita kong para siyang baby dahil may unan pa siyang akap-akap! Nagkaroon tuloy ako ng ideya para ayawan na niyang maging bodyguard ko. Walking on tiptoes, lumapit ako sa kama ni PJ. Huminto lang ako nang makarating na ako sa tabi nito. Binukas-sara ko ang mga mata ko habang pinagmamasdan siyang matulog. He has black hair with a hard part fade haircut, an oval-shaped face, a straight nose, and full lips. And because he has thick eyebrows, whenever they’re furrowed, he looks so scary especially when he’s mad. Nakakamangha dahil mukha siyang anghel kapag tulog. Pero kapag gising ay mukhang mas demonyo pa sa demonyo. Kinuha ko ang phone ko at nagpunta sa camera nito. Pagkatapos ay kinuhanan ko kung paano siya matulog. Napatakip ako ng bibig gamit ang isang kamay ko nang muntik na akong mag squeal dahil sa saya. May pwede na kasi akong ipanakot as kanya. Dahil natutulog naman si PJ, sinamantala ko na ang pagkakataong ito at nagpunta ako sa isang app sa phone ko na may mga filters. The first filter that caught my attention was the Neon Devil Horns. Bumagay ito sa kanya kasi nga palagi siyang nagsusungit. Pinagdikit ko ang labi ko nang kuhanan ko siya ng litrato habang may ganitong filter sa kanyang mukha. Sleeping demon. At mas naging mahirap para sa akin magpigil ng tawa nang gamitin ko sa kanya ang big nose filter kung saan naging kasinglaki ng kamatis ang ilong niya maging ang bunny ears na nagpa-cute sa kanya ng sobra! Kung anu-anong filters pa ang sinubukan ko. Ang unfair lang kasi kahit anong filter ang gamitin ko sa kanya, katanggap-tanggap pa rin ang kanyang itsura. Hanggang sa huli’y naisipan kong sumali sa litrato gamit ang Cartoon 3D Style kung saan para kaming mga Disney characters! Abot tainga ang ngiti ko nang saktong pagpindot ko ng camera, dumilat si PJ sa screen ng phone ko! Inisip ko pa noong una kung parte lang ba ito ng filter.Nagpabalik-balik pa ang tingin ko sa phone ko at kay PJ sa tabi ko para mag sink in sa akin na gising na ito! Bumagsak ako sa sahig dahil sa sobrang gulat. Ngumisi ako sa kanya kahit parang umuusok na ang ilong niya ngayon. “Sleep ka pa, hehe.” “Ano na namang trip mo, Iaree?!” palahaw niya pero imbes na manginig sa takot ay tinawanan ko lang siya nang malakas. “May panakot na ‘ko sa ‘yo!” pagyayabang ko sabay belat! Tumayo na ako at taas-noong naglakad papalayo sa kanya. Dapat ay tatakas na ‘ko nang hilahin niya ako sa braso! Pahiga tuloy akong bumagsak sa ibabaw ng kama – sa ibabaw ng katawan niya! Nag-init ang buong mukha ko nang maramdaman ko ang lapad ng kanyang dibdib. We haven’t been this close with each other before – physically or emotionally! Kaya naman talagang nanginig ang buong sistema ko. At akala ko’y tulad ko, maiilang din siya sa pusisyon namin. Kaya naman nang subukan kong tumayo, nagulat ako nang ipulupot niya sa beywang ko ang isang braso niya, habang ang isa naman ay sinubukang kuhanin ang phone ko. “Bitiwan mo nga ako!” Syempre hindi ako nagpatalo. Itinaas ko sa ere ang kamay kong may hawak ng phone. At dahil mas mahaba ang braso niya kaysa sa akin, kinailangan ko agad magbago ng pusisyon, ‘yong ‘di ako dehado. I was really having a hard time with this silly game we were playing, but I will never raise the white flag first. Pilit akong kumawala hanggang sa nabigyan ako ng pagkakataong umupo sa ibabaw ni PJ. I was straddling his upper body so he wouldn’t be able to move. Halos nakaharang sa mukha ko ang buhok ko. Malas lang at nabitawan ko ang phone ko sa sahig dahil sa panlalaban niya! “Tingnan natin kung makuha mo pa ‘yung phone ko!” hamon ko pa. Naghahabol kami pareho ng hininga ngayon habang nakatitig sa mukha ng isa’t isa. Kita ko ang pagtaas baba ng kayang dibdib habang masama ang tingin sa akin. Natigilan nga lang ako nang mapansin kong isang beses bumaba ang mga mata niya sa dibdib ko. Dito ko napagtantong hindi appropriate ang suot ko to play wrestling with a fully grown man. Paano’y oo nga pala! Naka-lingerie at short leggings pa rin ako! Dito ko naramdaman ang pagkalabog ng dibdib ko. Hindi na naman sumusunod ang puso ko sa akin! Napalunok ako nang magtagpo ang mga mata naming ni PJ. Bigla’y hindi ko siya matingnan nang diretso. Habang naniningkit ang mga mata niya, dito siya pilit na bumangon. Itinabon niya sa akin ang kumot niya. Naalala ko naman ‘yong phone ko kaya tuloy naalarma ako at nagmadaling makakawala rito. Napapadyak ako sa inis nang makita kong hawak na niya ang phone ko. “Birthday mo pa rin ang password?” tanong niya na hindi ko naisip na maaalala pa niya. June 12 ang birthday ko at dahil gusto ko ‘yong ideya na ipinanganak ako ng National Independence Day, ito na ang ilang taong password ng phone ko maging ng iba pang accounts ko. Tumayo ako at kinuha ang fur coat ko para suotin. Pagkatapos ay pilit kong binawi mula kay PJ ang phone ko. Itinaas pa niya nang itinaas ang hawak na phone na para bang ‘di pa sapat ang malaking height difference namin para ‘di ko ito maabot. Tuloy ay naitulak ko na siya sa pader nang halos ibato ko ang sarili ko sa kanya. Nang makita kong may pinipindot na siya sa phone ko ay kinabahan ako. Sayang naman ‘yong mga pictures ko sa kanya kaya naging desperada na ako. Humawak ako sa dibdib ko at pumikit. “Aw…” Sinilip ko si PJ gamit ang isang mata at pumikit agad nang makitang nakuha ko agad ang atensyon niya. “Ang sakit… naninikip ang dibdib ko.” Dahan-dahan akong umupo sa sahig. Kunwari’y sobrang sakit ng dibdib ko kaya kahit ang simpleng pagtayo gamit ang mga binti ay hindi ko magawa. At mukhang naging epektibo naman ito dahil agad akong inalalayan ni PJ paupo sa kanyang kama. “Kukuha ako ng tubig,” kalmadong saad niya bago parang kidlat na nawala sa kwarto. Nakita ko namang iniwan niya sa bedside table ‘yong phone ko kaya ngiting tagumpay ako. Tumayo ako at agad itong kinuha. Sinilip ko kung nandito pa ‘yong mga pictures at nakita ko pa naman sila! Tuloy ay hinalikan ko pa ang phone ko sa sobrang saya-- “You’re really that desperate to get your phone back?” Syempre’y nagulat ako sa pagsulpot ni PJ! Ang layo naman kasi ng kusina sa kwarto niya pero parang tinakbo pa talaga niya ito dahil halos kalahati na lang ang laman ng basong hawak niya at may pumapatak pang tubig sa sahig galing dito. At gaya ng inaasahan, magkasalubong ang kilay niya ngayon habang pinagmamasdan ako. “You really can’t let a woman win, aren’t you?” pagbabalik ko ng tanong sa kanya. Nagtaas ako ng kilay at humalukipkip. Tumayo na ako nang pumasok siya sa kwarto niya. Baka kasi agawin na naman niya ang phone ko if I let my guard down even for just a second. “I can. But you’re not a woman to me.” I gritted my teeth. Hindi ko alam kung sinasabi niya ito bilang ganti sa pagsisinungaling ko pero ano man ang dahilan ay naiinis ako ng sobra ngayon. “E ano ako? Lalaki? Animal? Object?” sunod-sunod kong tanong na sinabayan ko ng hakbang bawat isa. Ibinaba naman niya ang kanyang ulo hanggang sa maging kalebel na ito ng akin. Napaatras ako. “Kapatid.” Inabot niya sa akin ang basong hawak niya. Kinuha ko naman ito, animo naging robot. “Kapatid ang tingin ko sa ‘yo. Now, drink your water and leave.” Nalaglag ang panga ko dahil sa kanyang sinabi. Lalo na nang pagbuksan niya ako ng pinto at palabasing parang bata. Tulala naman akong sumunod sa kanyang sinabi. At dahil dito’y naiwan ako sa kanyang sala na ganito ang estado. So now I’m his sister. E bakit dati tanda kong ayaw niyang tinatawag ko siyang kuya noon dahil hindi raw kami magkapatid? Anong nangyari at pagkalipas ng ilang taon, bigla’y kapatid na ang turing niya sa akin? Napakahirap talagang espelengin ng isang Paul James Valderrama! Sa inis ko’y nagpunta ako sa kusina at binalik ko lahat ng hinugasan ko sa lababo. Nang hindi pa nakuntento’y nilagyan ko ang mga ito ng sabon. Pagkatapos ay kinuha ko sa ref ‘yong natirang pagkain, dinala ko ito pag-alis ko ng unit niya. Well, he should know by now, na mas mahirap espelengin ang isang Hermedilla!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD