“Iaree, kumain ka na rito--” “Meow!” Ang lakas ng tawa ni Kuya MJ. Natabunan niya ang boses ni PJ. “Oy! Patingin nga ulit, Iaree! Pa-picture naman para ma-send ko sa group!” “Shut the f*ck up. Seriously, you're not helping.” “Ano ba kasing pinapakain mo kay Iaree at nagkaganyan?” Kanina pa katok ng katok sina Kuya MJ at PJ sa pinto ng kwarto ko pero hindi pa rin ako lumalabas. Kahit pagsagot ay hindi ko magawa dahil sa sobrang kahihiyan. Paano ba naman kasi? Talagang inunahan ko pa si Sunny ipakita sa future husband niya ang kanyang sexy catwoman costume! Malamang, katakot-takot na panunukso ang aabutin ko nito kay Kuya MJ kapag humarap ulit ako sa kanya! Tapos si PJ naman hindi maipinta ang mukha nang makita ako. Akala ko pa naman ay malalaglag ang panga niya dahil sa sexiness ko

