Kabanata 35

3068 Words

Mabilis kaming nakarating sa condominium dahil halos paliparin ni PJ ang kanyang pick-up. Panay naman ang pagsulyap ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa kanyang isip pero parang nanggagalaiti siya sa galit simula pa nang makaalis kami sa coffee shop. Samantalang ako ay blanko lang. Hindi ko rin alam kung anong dapat kong maramdaman sa lahat ng nangyari. And to be honest, I’d rather not think at all. Alam kong tulad ko, marami ring tanong na gumugulo sa isip ni PJ. Kaya naman siguradong mahaba-habang gabi ito para sa aming dalawa. Pagsakay namin ng elevator, patuloy pa rin ako sa pagsulyap kay PJ sa tabi ko. May mga pagkakataong napapatingin siya sa akin at lalong nagsasalubong ang kilay, kaya naman tumatayo agad ako nang maayos at dumidistansya dahil baka bigla siyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD