Hindi ko alam kung may ideya ba ang mga Valderrama tungkol sa lihim kong pagtingin kay PJ noong teenager pa lang ako. I’ve been trying to hide and forget about this ever since, pretend like it didn’t happen, but I guess it’s impossible… So yes, I had a crush on PJ when we were younger. Ang totoo, si PJ ang dahilan kung bakit madalas akong tumakas at magpunta sa bahay ng mga Valderrama noon – ang dahilan kung bakit madalas din akong mapagalitan ng mga magulang ko. At dahil sa Maynila nag kolehiyo, inaalam ko pa talaga noon kung kailan ang uwi nila sa Batangas para lang makita siya. It was just a simple crush. Gusto ko lang makita palagi si PJ kahit na panay pagsusungit ang natatanggap ko mula sa kanya – kahit na palagi na lang akong napapahiya kapag nakatingin siya. Dahil kasi sa ka

