“Iaree, ‘wag mo ‘kong gawing tanga. I’m not the manager here just for the title.” I was left dumbfounded because of Ms. Rina’s last remark. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Sinubukan kong buksan ang bibig ko pero walang salitang gustong lumabas dito. Anong sasabihin ko ngayong base sa komento ni Ms. Rina, alam niyang wala akong kapatid? Ibig sabihin ay alam din niyang hindi kami magkapatid ni PJ -- na matagal ko na siyang niloloko! Kailan pa ba niya ito nalaman? Nangpanggap lang ba siyang walang alam at tinake advantage niya ang kagustuhan kong mapaniwala siyang magkapatid kami ni PJ? Am I the one who got fooled?! “Iaree?” Napalingon ako sa lalim ng boses ng tumawag sa akin. Si PJ ito at mukhang hindi na nakapaghintay pa sa kanyang sasakyan, kaya pinuntahan na ako rit

