Biglang bumuhos ang ulan. Nanlamig ang buong katawan ko dahil dito. Pakiramdam ko’y binitbit kami pareho ni PJ pabalik sa nakaraan bago pa umeksena si Marina – bago pa mas naging kumplikado ang lahat. “…Mahal mo pa ba si Andrea?” Tanda kong umuulan din noon. We were having a heated conversation but it did not end well because I ran away before I could hear his answer to my last question. Pinangunahan ko si PJ dahil natakot ako sa maaari niyang isagot. Natakot akong hindi ito maging pabor sa akin at kapag nagkataon ay mas lalo akong mahihirapang buuin ang puso kong nagpira-piraso. I was only trying to save the remaining pieces of my heart – or probably I was simply being a coward. Ano man ang dahilan ko noon, ngayon mas naging matibay ang paniniwala kong may mga bagay nga talagang hind

